Szade-Finale

1.8K 54 5
                                    


HINARANG ni Sugar Ashley ang dumaang waiter at humingi ng maiinom. Naroon siya victory party niya. Sa wakas, bago dumating ang twenty-fourth birthday niya sa susunod na buwan at bago tuluyang maipasa sa kanya ang obligasyon sa Lautier Group of Companies, naabot na rin niya ang pangarap na makarating sa Olympics. Nakuha nila ang gold medal sa figure skating competition in double category. Lahat ng pagpupursigi niya, ang pagbagsak at pagbangon, iisa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Iisa lang ang laman ng kanyang isip at puso sa mga panahong iyon. Pero maski nakuha na niya ang tagumpay, hindi naman niya nakasama si Szade.

And each day of her life without him was a struggle convincing herself that she was glad Szade didn't truly fall in love with her. Kaya lang, sa bawat laban na iyon, hindi siya nananalo. Nasasaktan lang siya sa halip na maging masaya. Kaya nga hindi din niya magawang magpakasaya nang husto para sa pangarap na kanyang naabot.

Ibinaba ng waiter sa harap niya ang baso ng alak. Tinungga niya iyon at humingi uli sa waiter. Sa pagkakataong iyon, isang bote na ang inilapag nito sa kanya. Dapat lang dahil plano niyang i-celebrate ang kanyang tagumpay at pag-give up ng kalayaan.

"Friend, would you please drink moderately? Parang wala nang bukas, ah?" saway ni Athena.

Nasa dance floor sina Sheena at Eyessa, nakikipagsayaw sa karamihan. Mga skaters din ang mga iyon na um-attend ng victory party niya. Iyon lang ang kagandahan sa ganoong larangan. Matapos ang competition, magkakaibigan na uli ang turingan nila.

"Nagsasaya lang ako, friend. Ano ka ba naman? I've already reached the top!" nakatawang sabi ni Sugar Ashley.

"But it seems like you're not really happy."

"Who says so? Masaya kaya ako, masayang-masaya ako! Whooaah!" Nilagok uli niya ang laman ng baso. "Sandali! I need to go to the comfort room."

"Samahan na kita."

"No, no!" pigil niya. "I'm fine. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sure?"

"Sure!" Nag two-thumbs-up pa siya.

"Lasing ka na, Ash!"

"I am not!" giit niya.

Pasuray-suray na naglakad si Sugar Ashley sa pasilyo papunta sa comfort room nang maramdaman niya ang pag-ikot ng paligid. Napasobra na nga yata ang nainom niya. Kailangan na talaga niyang maghilamos para mahimasmasan.

Sumandal siya sa concrete wall para palipasin ang pagkahilo pero parang mas lumala pa iyon. Hanggang sa maramdaman niyang nauubos ang lakas ng kanyang mga binti sa pagkakatayo. At bago pa siya tuluyang lamunin ng sahig, may mga bisig na agad sumalo sa kanyang nanlalambot na katawan. Ang pamilyar na mga bisig na bumabalot sa katawan niya noon.

SA MULING pagmulat ng mga mata ni Sugar Ashley, naroon na siya sa pamilyar na silid. At ang ikinagulat niya nang husto, nasa tabi niya ang hubad na katawan ni Szade. Pero maayos naman ang suot niyang damit. Makailang beses niyang kinurot ang sarili para siguruhing hindi siya nananaginip. Na hindi iyon produkto ng sobrang pananabik kay Szade. Pero kung totoo ang lahat ng iyon, paanong nandito sa tabi niya si Szade at magkasama sila?

Okay! Inaamin niyang tuma-tumbling na naman ang kanyang puso sa sobrang kaligayahan ngayong nasa tabi niya ang guwapong lalaking ito. Pero may mali sa mga nangyayari. Hindi pa siya puwedeng magpiyesta dahil naguguluhan pa ang utak niyang matagal naman nang magulo. Magulo na iyon mula nang iwan niya si Szade sa Pilipinas.

Niyugyog niya ang binata. Umungol lang ito.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Ako? Bakit nandito ako? Paano nangyaring magkasama tayo?" nalilitong tanong niya.

PARADISE VIEW SERIES (Republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon