1.<CATE's POV>
Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nag volunteer para maghugas. Oh diba gwapo na nga, masipag pa! Hindi ko na rin siya nilutuan ng itlog kasi sabi niya wag nalang. Pagtapos niyang maghugas ay nag shower siya. Buti tapus na akong magshower bago siya dumating. Yung CR kasi nasa loob ng kwarto naka locate.
"Buti naman at maluwang yung kama, that means kasya tayong dalawa."
Natigilan ako sa pagtotoothbrush nung narinig ko sakanya yon. Nakabukas kasi tong pintuan sa cr kaya rinig ko siya. Kala ko sa baba siya matutulog, pano kaya pag nalaman ni Mommy na may katabi akong lalake? Oh no!
"Matagal ka pa ba jan?" Narinig kong sigaw niya. So ano naman ngayon kung matagal ako dito or dito na ako habambuhay? Huhu. Gwapo na sana siya kaso may nasesense talaga akong mali.. ni minsan kasi di pumapalpak tong instinct ko.
"Uyyy, nag babrush ka ba or nginunguya mo yang toothpaste?" Napapitlag ako nung makita kong asa tabi ko na siya. Ayshh.. kakagulat! Nag 'wait ka lang' sign muna ako sakanya gamit ang kamay ko.
Pagtapos kong magtoothbrush ay nakita kong maayos na ang kama, mukhang inayos niya.
"T-tabi ba tayo?" Utal kong tanong.
Tumango lang siya habang nakangisi sakin. Yung kakaibang ngisi. Grabe ang gwapo niya, nakakaiyak.. nakakaiyak ang kagwapuhan meron siya. Nakasando pa man din siya. Ang cute lang tignan.
"Higa na." Utos niya.
Weh, inuutusan niya ako? Nakita ko namang tinap niya yung space sa kama, yung tipong pinapahiga talaga ako. Bat' parang may mali? Juskolord.
Okay, magpapakachoosy pa ba ako? Andito na eh, kaya humiga na ako. Buti nalang at malaki ang space sa gitna. Ayoko naman magdikit pareho ang mga balat namin, baka makuryente kasi ako.
"What time class mo tomorrow?" Pagbabasag niya ng katahimikan.
"10:30, ikaw ba?"
"12 pa eh, gusto ko mag almusal tayo bukas sa may malapit na tapsilogan jan."
Napaisip pa ako sa sinabi niya, but in the end pumayag rin ako. Landi landi rin pag may time! Dejoke lang. Alangan naman tanggihan ko siya diba? Syempre simula ngayon magkasama na kami sa iisang bahay kaya kailangan maging komportable na kami sa isa't isa. Yung walang ilangan.
Tumalikod naman na ako sakanya at pumikit na. I want to rest na, feeling ko asa cloud nine ako ngayon. Kasama ko ang hot na si... wait! Teka! Ano bang pangalan niya? Hmm.. bukas na nga lang.
**
Nagising ako ng maaga. Alam niyo kung ano dahilan? Ay mali, sino pala.. malamang siya. Pitikin ba naman ilong ko. Grabe ang sakit kaya!
Di na ako nagpalit kasi tama na tong pajama tsaka t-shirt. Siya yung nagpalit, naka jersey shorts siya tapos black shirt, very apealing.
"May nadaanan ako kagabing tapsihan dito eh, gusto kong matry. Tsaka para di ka na rin mahirapan magluto ng breakfast."
Habang naglalakad kami nagsasalita siya, ako naman tango lang ng tango.
"Ikaw okay ka lang? Are you tired na ba?" Nag aalala sa tonong tanong niya.
"Tired? Eh wala pa nga sa kalahati to eh." Natatawang sabi ko tapos narinig kong tumatawa na rin siya.
"Am I stupid?" Tanong niya with a serious face. Lokohin ko nga to, pfft.
"Yes, you are stupid." Seryoso yung mukha ko pero deep inside binibiro ko lang siya. I want to see what would be his reaction.
"Tss. Bawiin mo yan." Sinamaan niya ako ng tingin pero kahit masama yung tingin niya, nakangisi pa rin siya. Sh*t ang cute niya talaga.
"Ayoko nga!" Tumakbo ako. Habulin moko haha! Parang yung sa teleserye lang, nagpapahabol.
"Hey stop running! Mapapagod ka niyan! Bahala ka jan." Narinig kong sigaw niya tapos kahit medyo malayo ako nakita ko siyang nag sad face.
Tumigil naman akong tumakbo tapos inantay ko nalang siya dito sa pwesto ko, buti mabilis siyang maglakad kaya sabay ulit kami naglakad. Langya, akala ko hahabulin niya ako eh. -_- Teka, itatanong ko na pala pangalan niya.
"Uy." Sabay tapik ko sa braso niya, grabe I feel his biceps, ang tigas ha.
"Oh?" Nilingon niya ako with a blank expression.
"Anong pangalan mo?" I asked. Di na ako nagpa tumpik tumpik pa, Boom karakaraka!
"Hahaha!" Tumawa lang siya? Seriously? May saltik to? "Yan pala yung pilit kong inaalala kagabi, di tayo nagpakilala sa isa't isa." Sabi niya. Kung sabagay, tama siya. Nakalimutan namin yun.
"So, anong pangalan mo?" I asked again.
Napatigil naman kami sa paglalakad tapos inabot niya yung kamay niya sakin..
"Kayden Skye Perez, 17 years old,how about you?"
Inabot ko rin kamay ko dahilan para magshake hands kami.
"Caitlin Pollard nga pala, 17 years old rin."
"So were both 17." Nakangiti niyang sabi tapos tumango ako. Bat parang ang saya niya nung parehas kami ng edad? Big deal ba sakanya?
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa narating na namin ang Kokey's Tapsilogan. Nag order naman na siya at libre niya raw. Mukha naman siyang mayaman eh kaya go lang. Umupo siya sa tabi ko at inantay namin yung order namin. Habang nag aantay ay nagkekwentuhan kami.
"Saan nga pala ang parents mo?" Tanong niya.
"They were both on a business trip." Sagot ko. "Eh ikaw? Saan parents mo?"
"Business trip also." Tugon niya."So bakit ka nangungupahan sa mini house ni Manang?"
"Ayoko kasing bumyahe ng malayo, okay na rin to kasi walking distance lang, isa pa I want to experience an independent life." Tugon ko.
"Ah see." Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.. "Ako naman inutos lang nila Mom , I dont know what's their reason pero pumayag nalang ako, tutal magkaaway naman kami ni Kuya kaya sinunod ko nalang si Mom na lumayo. Ewan nga kung ba-" napatigil siya sa pagsasalita nung may lumapit saamin dala ang isang tray.
"Ito na po yung order niyo!" Naks, energetic si koyang Waiter haha.
Pagkaabot niya ay nagsimula na kaming kumain. Nagkekwentuhan lang kami about sa ganito, ganyan. Minsan may sasabihin siya pero di ko marinig kasi mahina, maya maya makikita ko nalang siyang tumatawa. Gusto ko ngang magtanong kung anong nakakatawa eh.
After namin kumain ay nag pedicab nalang kami papuntang bahay tutal 8:30 na ay kailangan ko ng maligo dahil may class pa ako.
Habang papunta ako ng banyo bigla nalang akong nakaramdam ng something sa pwet ko, parang may kamay? Agad akong tumingin sa likuran ko at nakita ko si Kayden na nakatayo tapos nakakamot sa ulo niya.
"Bakit?" Tanong niya na nakatingin sakin.
Hindi ko naman sinagot tanong niya kaya nag isip nalang ako ng ibang palusot.."S-san ka pupunta? Sa CR ba?"
"Sana? Kaso maliligo ka kaya sa sala muna ako." Sagot niya tapos dali daling pumunta don.
Napapaisip ako ngayon, guni guni ko lang ba yung may naramdaman akong humawak sa pwet ko? May something talaga. Masyado naman akong assuming pag iniisip kong gagawin niya yon. Aysh.. makaligo na nga..
--
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...