CHAPTER 123

2.4K 80 234
                                    


SANDER's POV

"SANDER."

"GUMISING KANA, PLEASE."

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Ryan, alalang alala yung mukha niya. Napahawak ako sa ulo ko.

"Ah." Singhal ko. Grabe ang hapdi.

"Sander! Salamat at nagising kana! Ano? Magkwento ka anong nangyari!!"

"Teka teka.." nakahawak pa rin ako sa ulo ko, iniinda ko yung sakit. "Wala akong maalala." Pinipilit kong alalahanin lahat ng nangyari pero walang pumapasok sa isip ko. Napatingin ako sa paligid sabay nataranta. "Teka, 'bat pala ako nandito sa clinic?!"

"May tama ka sa ulo mo, muntik ka ng maubusan ng dugo. Buti andito si Doc. At nagamot niya agad."

"Tama sa ulo?" Napakunot noo ako tapos dun na unti unting pumapasok sa utak ko lahat ng nangyari. "Muntik ng may pumatay sakin." Mahinang sabi ko na nakatingin sa mga mata ni Ryan.

"Ano? S-sino sila?!" Bulalas nito.

"Sshhh, wag kang maingay." Tumingin tingin ako sa paligid kung may tao baka kasi marinig kami. "Hindi ko alam kung sino pero gusto kong malaman kung sino."

"Nasa pahamak ka Sander, pano nalang kung hindi ka tinulungan nung mga juniors. Nakita ka nila sa CR walang malay. Buti nalang kilala nila ako na lagi mong nakakasama kaya kahit may klase ako, inexcuse nila ako para makita ko kalagayan mo."

"Magklase ka na muna, okay lang ako dito."

"Klase lang yun, meron pa next meeting. Ikaw ang inaalala ko." Napatingin ako sakanya tapos natawa.

"Wow concern na concern ka yata ah."

"Tss, tayo tayo na nga lang magkakasama e. Pag nawala ka, wala na akong pangit na kasama."

"Kapal mo talaga."

"Papuntahin ko ba dito sila Kayden?"

"Wag na, baka may klase mga yun. Wag na natin silang istorbohin."

"Anong gusto mong pagkain? Gutom ka ba?"

"Himala. Bibilhan mo ako?"

"Oo, basta pera mo."

"Bwisit ka talaga, umalis ka na nga dito baka masapak kita." Biro ko.

"Eto naman tampo agad porket di kita ilibre. Sige utangin mo muna sakin tapos bayaran mo nalang pag magaling kana."

"Taena mo talaga eh noh? Gusto kong tumawa ng malakas kaso ang sakit ng ulo ko baka mabaliw pa ako. Uutangin ko talaga sayo? Samantalang ikaw ang nag insist na bilhan ako ng pagkaen. Unggoy ka talaga!"

"Alam mo namang nag iipon ako diba, utangin mo na."

"Wag na, di naman ako gutom e."

"Sure ka dyan ha."

"Oo. Tsaka ikaw rin naman kakain nung bibilhin mo sakin."

"Luh, ginawa mo naman akong patay gutom."

"Ay hindi ba?" Natawang sambit ko.

Hindi na siya nakaimik nun. Kinuha niya nalang phone niya tapos naglaro. Mukhang siya pa itong nagtampo, kawawang Ryan.

---

"Anong nangyari sayo anak?" Alalang tanong ni mama. After ko sa clinic umuwi na ako. Salamat kay Ryan at hinatid niya ako dito.

"Wala ma." Patay malisyang sagot ko.

"Ano yang nakapalibot sa ulo mo ha, napano ka? May kaaway ka ba?"

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon