Sunny's POV
MARCH. ⌚👔
Abala na kaming mga graduating students sa picture taking, exams at kung anu ano pa. Excited na rin kaming mga graduating dahil sa wakas ay tapos na rin kami sa pagiging highschool. Yun nga lang, mas maraming malungkot dahil mamimiss namin ang pagiging highschool, lalo na yung mga iba't ibang klaseng trip naming magtotropa.
Base sa napansin ko...
Si Sander ay ayun at busy sa pagbabasketball kasama sina Paulo at Niko. Puspusan ang pagpapractice nila dahil one of their goals pag college ay maging mga varsity players. Anjan naman si Ara na sinusuportahan lagi ang kanyang boyfriend na si Paulo. Sa tuwing nauuhaw 'to ay agad siyang tatakbo papunta sakanya para lang bigyan siya ng tubig. Mukha tuloy P.A. tong si Ara, as in Personal Assistant.
"Bebs uhaw na me!" Sigaw ni Paulo.
Nagmadali si Ara na puntahan siya at binigyan ng maiinom. "Bebs grabe, naliligo kana sa pawis mo." Pinunasan ni Ara yung tumatagaktak na pawis ng kanyang boyfriend.
"Yaya kana pala Ara! hahahaha!" Napakapit si Sander sa may tiyan nito kakatawa.
"Loko ka talaga Sander!" Sigaw ni Ara sakanya.
Kami ni Cate naman ay abala sa mga reports namin. Si Cate ang leader ng kabilang group at ako naman sa kabila. Imbes na magpatagisan eh nagtulungan pa kami. That's what friends are for eh hehe.
Si Ryan naman ay laging nasa canteen. Palibhasa may pera na kasi siya, kaya kain dito at kain doon. Sa tuwing maglalakad siya sa may hallway na mag isa, inaabutan agad siya ng mga estudyante ng hawak nilang pagkain. Like a boss kasi tong Ryan na to. 😂
"Sinong may fries jan?" Tanong ni Ryan. Nagsilapitan naman yung mga estudyanteng kumakain ng fries at binigyan si Ryan. Astig diba? 😅 kahit anong pagkain ang isigaw niya basta meron yung estudyanteng yun ibibigay at ibibigay nila. Abuso kasi tong Ryan na to, ewan ko ba kung bat ko to nakilala haha.
Sina Tyson at Kayden naman ay busy sa pagsayaw sa dance room. Balak kasi ni Kayden ipush ang pagsayaw niya. Si Tyson naman naikwento niya sakin na mukhang titigil na siya sa pagsayaw. Nung sinabi niya yun nanghinayang ako, ang galing pa naman niyang sumayaw. Sobrang sayang talaga. Well, di pa naman siya sure.
"Lead, anong gagawin ko?" Tanong ni Mauricio, kagrupo ko.
"Pulutin mo nalang yung mga kalat natin tapos pwede ka ng magpahinga." Sabi ko.
"Yun lang?" Sa tono ng pananalita niya parang di pa siya kuntento, eh samantalang ang dali dali na nga nung pinapagawa ko.
"Oh sige ikaw na rin mag pass kay Miss Ferrer nung folder sa may fifth floor." Nainis ako kaya ayan. Asa 1rst floor kasi kami kaya kailangan niyang umakyat ng fifth floor. Mapagod sana siya.
"Nge, yun lang?"
Puchang Mauricio na to oh!
"GUYS!" Tinawag ko mga kagrupo ko kaya nagsilapitan sila sakin. "PAKIBIGAY YANG MGA PAPEL NIYO KAY MAURICIO, SIYA NA ANG MAG AANSWER JAN."
Nakita ko kung pano unti unting napanganga si Mauricio.
"A-ano?"
Akmang hahampasin ko sana siya ng hawak kong notebook kaso di ko na tinuloy. "Angal kapa? YAN LANG NAMAN gagawin mo eh." Matigas kong sabi. Kanina pa kasi siya reklamo ng reklamo, sarap niyang itali sa puno ng langka, kainis! 😬
Naramdaman ko namang may kumalabit sakin kaya nilingon ko siya. "Uy Sunny, Tara recess na." Ah si Cate pala.
"Okay sige."
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...