87.

8.6K 229 134
                                    

87. Kiss

"Psychology says, friendship is not about who you spend the most time with, it's about who you have the best time with."


CATE's POV

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang mga estudyanteng nagbubulungan habang nakatingin sakin. Agad akong napabangon at napatingin sa sahig, nakita ko si KD na ang himbing ng tulog. Sabi niya hindi siya matutulog. Pero naintindihan ko naman, baka kasi antok na antok na siya. Ang problema ko ngayon baka anong sabihin ng mga 'to samin ni KD. Ang sasama ng tingin sakin ng babae.


"K-KD.." kinalabit ko siya at buti naman nagising agad siya.


"Uhmm..?" Kinusot kusot niya yung mga mata niya at nung pagkamulat niya ay kitang kita ko kung pano siya nagulat nung makitang maraming tao sa paligid namin. Nataranta siya at agad na tumayo. "Umaga na?" Tanong nito sakin at tumango lang ako. Kahit bagong gising ang gwapo pa rin. 😏

"Ang landi talaga ng Cate na yan."


"Oo nga eh, kung sino sino nalang pinapatulan."


"May Tyson na nga, may Skyler pa."


"Pati yata sina Ryan at Sander eh."


"Ano bang klaseng babae yan?"


"Sinusunod naman niya ngayon si Kayden."


Napayuko nalang ako sa mga naririnig ko. Nagulat nalang ako nung biglang hatakin ako ni KD palabas ng music hall.



"S-san tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.



"Nabwibwisit ako sa mga sinasabi nila sayo eh." Binitawan niya yung kamay ko at tumingin sa malayo. Bat ang sama ng tingin niya? 😮

"Bakit ka naman mabwibwisit eh ako naman yung sinasabihan nila ah, hindi ika-" napatigil ako sa pagsasalita nung makaramdam ako ng malakas na pagbato ng ewan sa may ulo ko. Bigla namang may gumulong sa paa kong bote ng mineral water na walang laman. Sinong bumato sakin nito?


Agad pinulot ni KD yung bote at galit na niyupi ito gamit ang kamay niya. Nakatingin lang siya sa may bandang likuran ko habang magkasalubong ang kanyang kilay.

"The eff." Singhal nito. Napalingon naman ako sa likuran ko at may nakita akong dalawang lalake na nakangisi samin ni KD. Kilala ko sila, yung isa leader ng isang gang tapos yung isa naman parang alalay nung leader. Nagulat ako nung biglang hatakin ako ni KD papuntang likuran niya. Bat' niya ako tinatago sa dalawang to? "Problema niyo?" Maangas na tanong ni KD sa dalawa.

"Hoy Kayden Skye Perez! Ilabas yang asa likuran mo!" Sigaw nung leader. Bat' parang kinakabahan ako? Ano bang meron? Tsaka 'bat ako?

"Eh kung ayoko?" Nakangising sabi ni KD. Mukhang inaasar niya yung dalawa.

"Babanatan ka namin gago."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon