PATAY! 😓Narinig ko yung mga yapak ni KD papunta dito kaya mas lalo akong kinabahan. Eto na nga sinasabi ko eh! Memorize niya yung mga brief niya. Bakit ko ba kasi hinayaan si Sunny sa kagustuhan niya eh. Ano ngayon ipapalusot ko huhu.
Ito namang si Sunny hindi magsitigil sa kakaubo. Malamang, asa kanya yung hinahanap eh. 😒
Andito na si KD.
"Oops Sorry sa narinig niyo about sa nawawalang brief ko hehe." Sabay nag peace sign siya, "Hiramin ko lang saglit si Cate niyo ha?" Dagdag niya tapos hinila niya ako ng dahan dahan papuntang kwarto tapos nagstop kami sa tapat ng closet niya.
"B-bakit?" Utal kong tanong. Hala Cate, wag kang papahalata na isa ka sa salarin kung bakit nawawala yung brief niya. 😓
"Uy Sorry naabala kita dun ah. Eh nakakahiya naman kasi kung isigaw ko pa tapos naririnig nila , kaya dinala nalang kita dito. So ayun nga, nakita mo ba?"
Nahiya pa, eh nagawa na niyang isigaw. 😧
Medyo kinakabahan ako ngayon. Kailangan ko bang sabihin yung totoo or magsisinungaling ako? 😞
"B-bakit mo ba yun hinahanap?" Tama, kailangan ko munang patagalin ang usapan.
"Isa yun sa favorite ko."
Pahamak talaga si Sunny. Sa dami dami ng mahahalungkat yun pang favorite ni KD ang nakuha niya tsk tsk tsk.
"Ahy." Hindi ako makatingin sakanya. Ano ngayon sasabihin ko? Tiyak magtatanong at magtatanong siya. Ang kulit nito eh. 😕
"Kung hindi mo nakita , then it's okay, you may now go back there, baka hinahanap kana nila." Sabi niya tapos nagpatuloy siya sa paghahanap ng 'mssing brief' niya.
"Importante ba yun?" Biglang tanong ko. Kasi kung may sentimental value yon eh sasabihin ko yung totoo.
"Nope. I just want to wear lang yun today. By schedule kaya yung briefs ko." Sabay wink sakin. Psh, kala ko naman kung sobrang importante na, buti naman kung ganun.
"Ah okay, sige balik na ako kila Ara." Paalam ko tapos di ko na siya narinig magsalita dahil umalis na ako.
"Cate? Ano na? Nagalit ba or nainis? Sinabi mo ba yung totoo? Ano Cate?please tell me?" Hinawakan ni Sunny yung magkabilang balikat ko tapos inalog alog ako. Halos matanggal yung ulo ko.
"Aray ko naman!" Reklamo ko tapos tumigil siya sa pag alog sakin, "We're Safe." Napahawak ako sa ulo ko. Ang lakas kasi ng alog ng Sunny na to eh, umikot yata yung utak ko.
Nakita ko namang napabuntong hininga si Sunny. "My gosh! Kala ko ibabalik ko eh, buti nalang!" Masayang sabi niya.
"Lesson learned, wag basta basta mangunguha ng hindi sayo." Singit ni Ara.
"Che!" -Sunny
Nagkwentuhan kami ng kung anu ano habang si KD naman ay nagluluto ng pang lunch namin. Sa kalagitnaan ng pagkekwentuhan ay bigla nalang may malakas na busina ng sasakyan sa labas ang bumulabog samin.
"Ano ba yan, bat ang ingay?" Reklamo ni Ara.
"Tara nga tignan natin kung sino yun." Pagyayaya ko sakanila.
Naisipan naming lumabas na tatlo para tignan kung sino man yung epal na may ari ng sasakyan. Si KD naman ay busy sa pagluluto kaya di na kami nagpaalam.
Pagkalabas namin nakita namin yung sasakyan sa katapat naming bahay. Lumabas yung may ari ng sasakyan tapos narealize namin na si Bambi pala siya.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...