71.

8.8K 199 55
                                    

71. OUTING 🚗👝🎢🎡🎠

"Dalian mo unggoy pasok kana dito!" Sigaw ni Sander kay Ryan na rumarampa pa sa daan.

"Oo anjan na!"

Lahat kami nasa van na ni Sander. Super excited kaming tatlong babae, ewan ko lang sa mga boys. Si ang KD katabi ko sa may harap, sila Tyson, Ryan, Paulo, Ara at Sunny naman sa may likuran. Si Niko hindi makakasama kasi may outing rin sila ng family niya kay medyo tahimik si Sunny.

Sa kalagitnaan ng biyahe, pansin kong lahat tulog na pwera lang samin ni Sander. Bawal nga palang matulog si Sander kasi siya yung driver, hihi. Si KD naman nakasandal sa may balikat ko, ang himbing ng tulog. Ayo nga eh ginawang unan yung balikat ko. Dahil kaming dalawa lang ni Sander ang gising ay naisipan kong makipag kwentuhan muna sakanya.

"Uy Sander, anong plano mo sa birthday mo?" usisa ko.

"Punta nalang kayo sa bahay, maghahanda nalang ako dun."

"Okay sige, isasama ko si Sachi."

"Nice, kamusta na pala yung bulinggit na yun?"

"Ayun okay naman."

"Kamusta naman kayo ni Kayden?"

"Masaya, sobra."

"Buti naman kung ganun. Balita ko nalaman mo ng aalis siya ngayong bakasyon."

"Pati ba naman ikaw alam mo? Di mo man lang sinabi sakin. Ang sama mo!" >,<

"Eh sabi niya siya nalang magsasabi eh kaya wala akong magawa. Pero buti nga at okay lang sayo."

"Oo naman, naintindihan ko naman yung rason niya kung bat' niya kailangang pumunta don."

"Andito naman ako."

Tinap ko yung balikat niya. "Naks naman, salamat."

"Bat ka nagpapasalamat?" Nakangising tanong niya. Hmmm, parang alam ko na to. -__-

"Eh kasi anjan ka, tulad nga ng sabi mo."

"Oo andito lang ako, alangan naman na umalis ako? Hello! Ako kaya yung driver!."

Sabi na nga ba. -___- Hinmpas ko siya ng mahina, yung damang dama niya. "Ang sama mo talaga."

Nag peace sign siya. "Dejoke lang, oo ako bahala sayo. Hindi lang ako, pati na rin sina Ryan at Tyson. Yaan mo na sila Ara at Sunny, may mga mag aalaga naman na sakanila."

Ang swerte ko talaga sakanila. Buti nalang sila yung naging kaibigan ko. Mga loko loko pero mabubuting kaibigan.

Napansin ko namang lumungkot yung mukha niya.

"Eh bat malungkot ka?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang cute ko kasi kaya nakakalungkot isipin."

"Adik ka talaga! Haha."

"Ay grabe, adik agad?"

"Eh ano? DrugLord?"

"Ay grabe naman yan, dagdagan mo naman ng cute sa dulo tapos isama mo na rin pangalan ko sa unahan."

Ang demanding naman ng Sander na to. 😂 Cute naman talaga siya ah, kailangan oag ipagsigawan? kaloka!

"Okay take 2, si Sander ay Druglord na Cute. Oh yan happy?"

"Tahahaha! Uto uto ka talaga Cate!"

Ay syete, oo nga nuh? Nag pauto nanaman ako. Ngayon niya lang uli ako inuto after how many months, wow.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon