Ryan's POV
"BAMBI!?" sabay sabay naming sabi.
Lumapit siya samin ng dahan dahan tapos isa isang inayos yung kwelyo namin. The eff. 😬
"Yep, Miss me mga tropa ko?" Nakangisi niyang sabi.
"Tropa?! Hindi kana kasali sa tropa uy!" Maangas na sambit ni Sander.
"Hahaha! At baket?" Sabay nag cross arms siya. Talagang tumawa pa eh! 😡
"Simula nung niloko niyo ni Bryce si Cate hindi na namin kayo kilala!" Sabi ko. Naiinis ako sa mga oras na to. 😠
"Oww? Kasalanan ko ba kung AKO ang pinili ni Bryce?" Nakangisi niyang sabi. Kung lalake lang to inupakan ko na ngayon!
"Kapal mo rin eh noh? Ikaw kaya nang landi!" Sabat ni Tyson.
"Wow Tyson! Ginaganyan mo na ako ha! Sabagay, di mo pa ba naaamin na gusto mo si Cate? Palibhasa torpe!" Humalakhak siya na parang Tiyanak. Pota, impakta! 😠
"Pake mo ba ha? Gusto ko lang sabihin sayo na WAG NA WAG MONG LALAPITAN SI CATE, KUNG HINDI AKO MAKAKALABAN MO!" Matigas na sabi ni Tyson tapos naglakad na siya paalis. Naiwan kami ni Sander at nagtiginan.
"KAMI rin, makakalaban mo." Sabay na sabi namin ni Sander tapos sinamaan namin siya ng tingin bago umalis.
Pagtapos namin bumili sa canteen ay dumiretso na kami sa room nila Cate. Dun kami laging tumatambay kasi ang ganda ng view tsaka ang linis ng room nila. Yung section kasi na napunta samin ni Sander eh puro mga loko loko, isa na din kami sa mga loko loko hehe.
Pagpasok namin ng room silang tatlo nalang ang nandun. Wala naman klase kaya gagala siguro yung iba.
"Oh eto na yung LIBRE KO!" Nilapag ko yung dalawang malaking supot sa armchair.
"KAPAAAL!" Sabay sabay na sabi nila. Luh, bakit ayaw nila maniwala?! 😠
"Edi wow!" Sabi ko nalang. Libre naman talaga ni Tyson at Sander yon eh, naiwan ko nga kasi wallet ko, anubambuhay to! 😧
Nagsimula na silang kumain, habang ako naman ay andito sa sulok at nag eemote. Sana pansinin nila ako. 😔
"Hoy Ryan! Dami mong arte, kain kana nga rin dito!" Tawag ni Ara sakin. Yesss thank you Lord, after 28 minutes napansin din nila ako!
"Busog ako eh." Pakipot muna ako at this moment hehe.
"Sus, gutom ka aminin mo na!" -Cate
"Daig pa neto babae eh." -Tyson
"Bading yan eh!" -Sander
"Daming alam!" -Sunny
"Dami mo, dami mong alam! 🎶🎵" sabay sabay nilang kanta sakin.
Agad naman akong tumayo ng padabog.
"SIGE! PAGKAISAHAN NIYOKO!" Lumapit ako sakanila tapos kumuha sa pagkain nila. Gutom na talaga kasi ako eh, langya naman kasi tong tiyan ko!
"Haha! Di rin nakatiis!" Natawang sabi ni Sander.
TYSON'S POV
Lakas makagago nitong Ryan na to eh! Emote pa sa sulok ang gusto! Hahahha! Puta talaga!
![](https://img.wattpad.com/cover/69217647-288-k908424.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...