78.

6.6K 186 88
                                    


78. *MAY NAKITA SI CATE*

"Sometimes all you need is someone who can make you smile."

By the way, Hello mga kapatidzx

Kolenggg_ MharizMapue yxhii02 EXOLuHaNick jherhone Harfer1320  QueenOfQueens_093003 jhocyril myehan Pinky_puppet pzzalexi jaypogi03 monstaxgirl1226


♡♡♡



SANDER's POV

Woooh! Vacant nila Ryan ngayon samantalang ako may klase. At dahil wala pa yung instructor namin dito sa room ay naisipan ko munang maglaro ng basketball sa PSP ko. Sa kalagitnaan ng paglalaro ko ay may biglang kumalabit sakin kaya pinause ko muna yung nilalaro ko at tinignan kung sino man siya.



"Kuya dito ba yung room sa subject na Filipino 1?"

"...."


"Pipi kaba?" Ay shet.



"Ah.. O-oo, dito nga." WTF, bat natulala ako? Mukhang bago lang siya sa class na to, siguro kakakuha lang niya ng schedule niya.



"Okay, thanks." Tumabi siya sakin. Panay ang tingin ko sakanya pero di ko lang pinapahalata. Ilang saglit pa ay nilabas niya yung phone niya tapos biglang..



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" napatakip agad ako sa tenga ko. Hanep! Ang lakas makatawa, daig pa sila Ara. Medyo na turn off ako. Okay na sana.. maganda na sana.. kaso nga lang.. aysh nevermind. Nagulat ako nung nagdekwatro siya. Yung totoo, babae ba talaga to? "HAHAHA!!!" Ayan nanaman yung dumadagundong na tawa niya. May kung ano siyang pinagtatawanan sa phone niya eh. "HAHAHA MUKHANG TALONG!!!" Ugh! ang ingay. 🙉 Alam niya ba na rinig hanggang outerspace yung boses niya? The eff.




Nung dumating na yung instructor namin kala ko tatahimik na siya pero hindi. Grabe ang gulo niya, selfie dito tapos selfie doon. Buti na nga lang at hindi siya nahuhuli ni Sir., napatingin naman ako sa may I.D. niya at dun ko nalaman yung pangalan niya.


Nakahinga ako ng maluwag nung dismissal na namin, makakatakas na rin ako sa magulo at maingang kong seatmate na yun.



Nagpunta ako ng SP dahil paniguradong nandun sina Ryan ngayon. Tama nga ako ng hinala dahil malayo palang ako ay natanaw ko na agad silang dalawa ni Skyler. Pagdating ko ay ginulat ko sila kaso di sila nagulat, sayang effort.. mga impaktong to di man lang sinakyan trip ko. Mukhang busy tong dalawang to sa phone nila.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon