"OO, AKO."Ang boses na yun. :')
"Sino ka naman ha?" Maangas na tanong nung isa.
"Kasama niya, baket?" Biglang lumapit sakin si KD at pwinesto niya ako sa likuran niya na parang tinatago niya ako.
"Ulol!" Natawang sabi nung isa kay KD. Aba wag niyang matawag na ulol tong si KD, kasi mas mukha pa siyang masahol sa ulol!
"Ulol lang ako, eh kayo? aso na nga, ulol pa, kaya san kapa?!" Aba, warfreak pala tong KD na to ah, parang nag fifliptop siya, magkaryhyme pa sa dulo, astig!
Lumapit sakanya yung isa tapos sinamaan siya ng tingin.
"Kala mo kung sino kang gwap-" bigla siyang tumigil nung obserbahan niya yung mukha ni KD. "KALA MO KUNG SINO KANG, ano.. ahm.." bigla naman niyang siniko yung kasama niya tapos narinig naming bumulong, "Uy pards, tulungan moko dito dali. Maghanap ka ng pwedeng ipintas sakanyang mali." Nung narinig ko yun muntik na akong matawa ng malakas.
"Bahala ka jan pards, problema mo na yan." Bulong nung kasama niya na narinig naman namin. Nagtinginan kami ni KD tas halatang nagpipigil siya sa tawa.
"Sige sayo na yang babae mo! Marami pa namang tulad niya jan eh, tch." Tinarayan niya kami ni KD bago sila umalis. Aba! May pa ganun ganun pa siya ah.
"HOY PARA SABIHIN KO SAYO, NAG IISA LANG TONG KASAMA KO NOH, WALA NG KATULAD TOH!." Pahabol ni KD tapos bigla ko siyang siniko at sinabing wag na niyang patulan tutal ay sumuko na rin naman sila. Pero kinilig ako sa sinabi na yon ni KD, nag iisa lang daw ang tulad ko? Yie!
"Uy!" Tawag sakanya nung mga kalaro niya sa basketball. Mukhang inaantay siya.
"Uy stay put kalang jan ah?" Sabi niya tapos tumango lang ako.
Nakita ko naman siyang kausap yung mga kabasketball niya at tila ba nagpapaalam na siya sa mga to. Teka, hindi pa naman tapos yung laro nila ah.
Dali daling tumakbo sakin si KD.
"Tara na?" Pagyayaya niya.
"Di kana maglalaro?"
"Hindi na, sabi ko kasi pag pinagpatuloy ko pa yung pakikipaglaro ko sakanila baka may mga jejemon ulit na lumapit sayo, baka bastusin kapa."
Ohyea Im blushing right now. :")
Pero teka, jejemon talaga? Tsaka baka raw bastusin ako, huwaaaw! What a word came from KD, siya pa talaga nagsabi nun ah? Eh siya nga etong isa ring manyak eh.
Nagsimula naman na kaming maglakad. Habang naglalakad ay may nakasalubong kaming nagtitinda ng taho, naramdaman ko naman ang pagsiko sakin ni KD.
"Bili tayo nun." Sabay turo niya don sa nagtitinda ng taho.
Nagpunta naman na kami dun sa nagtitinda ng taho.
"Manong dalawa po." Sabay abot ko ng bayad. Inunahan ko ulit siya kasi baka mamaya siya nanaman manlibre, hiya hiya din pag may time.
Inabot na samin ni Manong yung taho tapos naglakad na kami habang kumakain.
"Sarap pala neto noh." Narinig kong sabi niya. Bigla akong napatingin sakanya.
"Hindi ka pa nakakatikim nito?" Tanong ko.
"Ngayon lang hehe." Sabay sipsip ng taho. Sarap na sarap siya eh.
"Eh pano mo alam na taho to?" Nagtatakang tanong ko.
"Nung bata ako nakikita ko to sa labas ng school namin. Kaso di ako pinapayagan bumili nung yaya ko, kaasar!" Inis niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...