101. HARDEST DAY"We never taste happiness in perfection, our most fortunate successes are mixed with sadness."
[Wag pa iplay ang media. Wait for the part. Ty.😊]
SUNNY's POV
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kita
Time check: 2:32 AM na pero mulat pa rin ako. Si Sander.. sinabi niya ba talagang gus.. gusto niya ako? Paulit ulit nalang nag reretain sa utak ko yung tatlong salitang yon. Para bang ayaw ng matapos? *deep sigh*
-Flashback-
"Hay naku Sander! Kung wala kang magandang sasabihin, mabuti pang maiwan na kita dito." Tumayo na nga ako at bigla kong naramdaman yung kamay niya sa kamay ko. Galit ko siyang nilingon. "ANO NANAMANG PROBLEMA MO HA?"
"GUSTO KITA."
"A-ano?"
Bigla siyang tumayo at inalis yung kamay niya sa kamay ko at tinignan ako ng malalim sa mga mata ko. "GUSTO KITA SUNNY. INUULIT KO.. GUSTO KITA." Pagkasabi niya nun ay iniwas niya na tingin sakin at naglakad na palayo.
Naiwan akong tulala dito. Ewan ko pero parang biglang bumigat yung pakiramdam ko. Para bang may nakabarang kung ano.
-end of flashback-
Haysss.. hindi ko alam ang gagawin ko matapos ang lahat. Ayoko na munang mag-isip. Pero sa tuwing iniisip kong wag nalang isipin yon, mas lalo akong napapaisip.
Napatingin ako sa katabi kong si Cate. Mahimbing na siyang natutulog ngayon. Pati rin si Ara at Aisha, humihilik na nga eh. Yung limang lalake dapat dito sa kwarto ni Ryan matutulog, kaso napag-isipan nalang nila na sa kwarto nalang ni Kuya Reynan para raw komportable kaming mga babae dito. Medyo naririnig ko sila sa kabilang kwarto. Panigurado gising pa mga yun at nanunood ng ewan. Dahil di ako makatulog ay naisipan kong itext ang Niko ko.
To: NiKO<3
Uy bat di pa kayo tulog? I miss You. :*
After 5 minutes eh nagreply siya. Ang tagal nga eh.
From: NiKO<3
Hala, bat di kapa natutulog? Siguro may malalim kang iniisip nuh? Ako ba? HEHE. Sige, maya maya sleep na rin kami. I miss you too maaraw. Dont think too much, okay? Mwah :*
Jusko! Ang haba ng text niya eh tinatanong ko lang naman kung bat di pa sila tulog. Haha! Love niya talaga ako eh, hihi.
To: Niko<3
Oo na matutulog na. See you tomorrow Niko Panget! ♥
From:Niko<3
Good. See you too ugly duckling.
Buset lang. Ugly duckling pala ah? Hmp. Mabatukan nga siya bukas. >,<
Kinaumagahan~
Ang aga agang nagising nung limang lalake. Yung alas sais palang eh rinig na yung kalampag nila sa kabilang kwarto. Ang iingay grabe! Mga lalake nga naman oh, tsk tsk tsk. Eto namang tatlong katabi ko ang sarap sarap ng tulog. Mga sleeping beauty lang ang peg ih. Samantalang ako mukhang puyat na kwago. Pano ba naman kasi, hindi talaga ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...