85. Pageant
"It is never too late to make things right."
Paulo's POV
"Dali isuot mo na yan!"
"Teka di ko masara tong butones ko! Help!"
"Aish!! Ako na nga lang!" Dhali dali kong isinara yung butones ng uniform niya para hindi kami mahuli dito sa clinic. Inayos ko na rin yung belt ng pantalon ko at nung okay na ang lahat ay naglakad na ako paalis.
"Hey Paulo!" Narinig kong tawag niya kaya napalingon ako.
"Yes?" Bored kong tanong.
"Round 2 pa please! Dun na tayo sa bahay!" Pinandilatan ko siya para sabihing wag siyang maingay. Ganun ba ako kasarap para sabihin niyang gusto niya pa ng round 2? The eff.
"Maghanap ka nalang jan." Tinalikuran ko na uli siya at naglakad na palabas. Hindi ko man lang nalaman kung anong pangalan niya. Pero okay na rin yun, hindi ko naman siya type eh.
Ugh.. Im tired na. San ba pwedeng pumunta? Pag dadaan ako ng 3rd floor makikita ako ni Ara. Im sure sasama nanaman yun sakin. Sira pa naman mga elevator ngayon.
"BEBS!" PATAY! "Bebs san ka pupunta? Kanina pa ako tumatawag at nagtetext sayo pero hindi ka naman sumasagot." Naramdaman ko yung yakap niya mula sa likuran ko.
"Ah Bebs nalowbat kasi ako." Palusot ko.
"Nalowbat eh nag riring nga yung phone mo eh."
Hinarap ko na siya. "Ahh hahaha! Nakaflight mode on yung cellphone ko hehehe."
"Ano ba talaga?" Buset ang daming tanong.
"Naka flightmode nga bebs."
"Ahhh okay. Pero teka, bat bukas zipper mo?"
Napalunok ako at agad na isinara yung zipper ko. "Katatapos ko lang kasing umihi kaya nakalimutan kong isara."
"Ahhh ganun ba. Tsaka bakit may lipstick jan sa uniform mo?"
Fvck. Sabing sa leeg lang ako hahalikan nung babaeng yun pero dinamay pa pati uniform ko.. tsss.
"Ah ano.. naglaro k-kami kanina ng UNO. Ang parusa lalagyan ng l-lipstick sa mukha. W-wala akong pamunas kaya itong uniform ko nalang ang pinampunas ko." Ohshit.. buti nalang mabilis akong mag-isip, kundi deadbol na'ko sa Ara na to.
"Sa susunod kasi magdala ka ng panyo mo Bebs, yan tuloy puro lipstick na yang damit mo."
"Sige Bebs, sa susunod. Tara kain tayo?" Bukod sa napagod ako kanina eh nagutom din ako.
"Sige Bebs."
"ARA!" sabay kaming napalingon ni Ara para tignan kung sino yung tumatawag sakanya.
"Oh Sunny?"
"Tara samahan mo ako."
"Saan naman?"
"May party sa bahay nila Niko ngayon."
"Pero kasama ko tong boyfriend k--"
"Sige na sumama kana sakanya." Nakangiting sabi ko. Gusto ko na ring umuwi eh.
"Sama ka rin bebs."
"B-bawal ako ngayon eh. Kelangan kong umuwi ng maaga." Pagsisinungaling ko.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Tarihi KurguGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...