47.

13.5K 384 72
                                    

CATE's POV

Ibinalik ko si Tyrone sa mama niya. Alam niyo kung bakit? Inihian ako sa may legs ko eh huhu.

Busy sa pagkekwentuhan yung parents namin ni Tyson. Si Sachi naman natulog sa lap ni mama. Ako naman ay nagsimula ng kumain dito sa sulok habang naka indian seat. Medyo rumarami na kasi yung mga tao at pataas na yung sikat ng araw.

Habang kumakain ay biglang tumabi sakin si Tyson.

"Bat may mapanghi?" Tanong niya. Langya, alam na nga niyang inhian ako ng kapatid niya eh. -_- Tawa nga siya tawa kanina eh tsk.

"Bat kaya may sulpot ng sulpot." Parinig ko tapos nagpatuloy ako sa pag kain ko ng spaghetti, my favorite! 🍝

"Kala siguro ni Tyrone, CR yung isa jan." Pagpaparinig rin niya. Inaasar ba niya ako? 😬

Tumayo naman ako at lumipat ng pwesto. Hindi ako makapagconcentrate sa kinakain ko eh. Finifeel ko kasi bawat ingridients haha.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nanamang tumabi siya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin tapos pinagpatuloy ko yung kinakain ko.

"Sarap ng luto ko noh?"

Napatigil ako sa pagnguya at napatingin sakanya.

"Luto mo?" Tanong ko kahit maraming laman yung bunganga ko.

"Diba inabot sayo yan ni Mama?" Nakangiting tanong niya tapos tumango ako.

Wow, ang sarap ng luto niya. Hindi ko aakalaing ganto kasarap yung spaghetti ng Tyson na to. Dati kasi hindi yan nagluluto eh, himala yata na nakapagluto siya nito. Siguro spaghetti lang alam niya hahaha. 😁

Nang matapos na akong kumain ay inabot niya sakin yung tissue.

"Bakit yan?" Tanong ko. Nginuso naman niya yung mukha ko.

"Daming sauce sa ilong mo." Sambit niya na nakapoker face. 😑

Ako naman itong nataranta, agad kong pinunasan yung ilong ko. Nakakahiya.

"Cate." Tawag niya sakin.

"Bakit?" Tanong ko habang nakatingin sa kawalan.

"Gusto kita ha?"

*speechless*

Hindi ko alam pero may something akong nararamdaman pag sinasabi niya yun. Abnormal na yata tong puso ko. 😧

Tumagal ng ilang minuto tapos nilingon ko siya. Naglalaro siya ngayon ng rubix cubes.

A moment of silence..

"Boom! Yey nabuo ko na!" Sigaw niya.

"Ssshh! Ang ingay mo, mabulabog mga patay eh." Suway ko sakanya tapos nag peace sign siya.

"Cate, samahan mo nga ako." Tumayo siya tapos inabot niya yung kamay niya sakin.

"Saan?" Tanong ko tapos inabot ko din yung kamay niya para makatayo ako.

"May dadalawin tayo." Seryosong sabi niya.

"Ha? Meron pa ba kayong ibang puntod na hindi nadadalaw?" Napakamot ako sa ulo ko.

"Nope."

"Eh ano?"

"Dadalawin natin yung puso kong patay na patay sayo."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon