83. Bestfriend
"Don't cry because it's over, smile because it happened."
SANDER's POV
Asan na ba yung Sunny na yon? Kanina ko pa siya inaantay dito sa may gate ng school eh. Naiilang na nga ako sa mga dumadaan dito kasi panay ang tingin nila sakin. Yung iba paulit ulit ko ng nakikitang dumadaan dito, ewan ko nga kung sinasadya na nila eh.
Habang nakasandal ako dito ay bigla nalang may dumaang mga grupo ng babae na may kasamang lalake at rinig ko yung usapan nila.
"Grabe yung nagyari kahapon nuh." -Girl 1
"Oo nga, muntik ng masagasaan yung babae ng truck. Ang ganda pa naman niya." -boy1
"Pasalamat nalang siya at may gwapong nagligtas sakanya." -girl 2
"Pero kung ako siguro yung naglitas dun, baka matawag niya pa akong prince charming niya--aww!" -boy 2
Natawa ako nung sabay sabay nila siyang binatukan. 😂
"Pero mukhang kilala naman niya yung lalake dahil parang nag-aaway sila." -girl 3
"Tsaka di niyo ba napansin? Balak talagang magpasaga nung babae." -boy 2
"Oo nga eh. Tara na nga malilate na tayo.. mukhang may nakikinig eh." -girl 1
Tumingin sila sakin at agad ko namang iniwas tingin ko sakanila. WTF dude. Nakahinga nalang ako ng maluwag nung makaalis na sila. Nagmukha tuloy akong chismoso dito ng wala sa oras. Pero kung sino man yung babaeng yun, bilib ako sakanya. Baket? Kasi hindi siya takot magpakamatay. Siguro nga marami siyang problema, sa sobrang dami, ang naisip nalang niyang tanging solusyon ay ang pagpapakamatay. Teka, bat ko ba pinoproblema yun? Amft. Pero okay na rin at dumaan yung mga grupong yun, kundi nga-nga ako dito at walang iniisip.
"Uy Sander bat anjan ka?!" Hay sawakas dumating na rin. Tsaka hindi niya ba alam na siya yung inaantay ko dito? 😒
"Bat ang tagal mo?" Inis kong tanong. Halos maging estatwa na ako dito kanina eh, pwede na nga akong pumalit sa trono ni rizal sa Luneta park. Naninigas na nga pwet ko dito kasi wala akong maupuan.
"Anong matagal? Sinabi ko bang antayin mo ako? Tinext kaya kita, Sabi ko mauna kana sa University canteen eh." Aaaaahh bullshit! Nag antay ako dito na parang tanga .. yun pala.. ugh!
"Geh." Nauna na akong naglakad sakanya papuntang U.C. (University Canteen). Bat ba hindi ko naisipang tignan yung phone ko. Bobo ko na rin eh, nahawa na kay Ryan.
"Sander mauna kana dun, may pupuntahan lang ako." Narinig kong sabi niya mula sa likuran ko. Tumango lang ako at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Pagdating ko ng U.C. ay bumili agad ako ng tatlong cupcakes. May klase kasi yung iba kaya mag-isa ko lang ngayon. Si Sunny na nga lang kasama ko ngayong vacant tapos iiwan pa ako. 😐
"Thank you po." Sabay abot ko nung cupcakes na binili ko. Pagkatalikod ko may natanaw ako sa gilid. Napatingin ako sa cupcakes na hawak ko at sakanya. Mag isa lang siya habang nagbabasa ng libro. Naisipan ko namang pumunta sakanya. Dahan dahan akong naglakad patungo sa likuran niya at patago kong ipinatong yung cupcakes sa tabi niya nang di niya napapansin. Ayokong makita niya ako. Nung maipatong ko na ay dahan dahan akong umalis nang hindi niya namamalayan. Sorry, Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa likuran niya. Sana kainin niya yun. Kahit gutom na ako ay binigay ko pa rin yun sakanya. Dibale bibili nalang uli ako ng bago.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...