Chapter 30

14.4K 332 9
                                    


[Chapter 30-Level up, with emojis.😊]

Tyson's POV

Nagpunta kami ni Cate sa blue magic. Bibilhan ko kasi siya ng teddy bear ng di niya alam. 😊☺

"Uy ang ganda nun oh." Sabay turo niya dun sa malaking pusa na stuff toy na color green.

"Maganda kapa." Mahinang sabi ko.

"Ano?" Pag uulit niya at mukhang di narinig yung sinabi ko.

"Sabi ko oo nga maganda yan." Patay malisyang sagot ko. "Baket gusto mo ba yan?" Sabay labas ko ng wallet ko.

"Gagsti hindi, balik mo na nga yang wallet sa bulsa mo." Sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Huh? Hindi naman kita bibilhan ha! Nilalabas ko lang." Seryoso pero deep inside biro ko lang yon. Nakita ko naman siyang napasimangot, halatang napahiya haha.

"Kaasar ka!😡" Hinampas niya ako sa balikat ko.

"Biro lang kaw naman!" Sabi ko. Next time ko nalang siya bibilhan, beastmode na eh. 😤

"Tara sa forever 21?" Pagyayaya niya.

"Walang forever!" Biro ko tapos inirapan niya ako. Ang taray nitong babaeng to. 😂

Nauna na siyang naglakad at sinundan ko lang siya. Nang makarating na kami ay nagpunta agad siya dun sa maraming bullcap at mukhang pumipili ng bibilhin.

"Gusto mo yan?" Tanong ko tapos umiling siya. "Eh anong gusto no jan?"

"Kaya nga pumipili pa, DIBA?" Lagot, pahiya ako. 😅

"Okay , sorry naman!😯" sabi ko.

Habang sinasamahan siyang pumili ng sombrero ay bigla nalang may isang boses na lumitaw, pamilyar yon-

"LOOK WHO'S HERE!"

Pareho kaming nagulat ni Cate at nilingon kung sino yung nagsalita.

"Uy Ryan at Sander!" Bungad sakanila ni Cate.

Andito na yung dalawang kurimaw na panira ng moment! 😬

Magkaakbay pa talaga ang dalawa huh.

"Nag d'date kayo?" Nakangising tanong ni Ryan.

"Gagu hindi!" Tugon ko.

"Sus," mahinang sabi ni Sander.

"Alis na nga kayo." Tinulak ko sila pagilid.

"Si Ryan kasi, kung anu ano pinagsasasabi." Narinig kong sabi ni Cate kila Ryan.

"Gusto ka niyan e!" Sabi ni Sander tapos bigla akong napatingin sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Magjojoke na nga lang kayo, waley pa! Tama si Tyson, umalis na kayo." Sabi ni Cate tapos sumunod siya saakin. Grabe, hindi naman joke yun eh. Kung alam mo lang na totoo yun.😞

"Sama kami!" Hay nako talagang sumunod pa ang dalawang kurimaw na to.

"Ano bang ginagawa niyo dito sa mall?" Tanong ko. Himala yatang di kasi sila nagtext saakin na may lakad sila. Ay oo nga pala, hindi ko pala dala phone ko. *facepalm*

"Di mo dala phone mo noh?" Naniniguradong tanong ni Sander.

"Oo, bakit?" tanong ko.

"Kanina pa kami tumatawag sayong tukmol ka!" Sabay batok nilang dalawa sakin. Narinig ko namang tumawa si Cate ng malakas.

"Mga buset! Ang sakit nun ah!😡" reklamo ko. Batukan ba naman ako, eh malay ko ba na tinatawagan nila ako.

"Libre ka!" Sabat ni Sander.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon