CONFIRMED: MANYAK
Naupo ako sa may sofa at nanuod. Ilang segundo pa ay tinawag na niya ako para kumain kaya nagpunta na ako sa dining table at nakahain na ang lahat lahat.
"Tara kain na." Sambit niya tapos umupo sa tabi ko.
Sinandukan niya ako ng kanin at ulam. Tinitignan ko lang siya na seryoso ang mukha. Hindi siya nakakasawang tignan.
"Kakain ka o titignan mo nalang ako?"
Kumurap kurap ako nung marinig ko yun mula sakanya. Siguro napansin niya ako kahit di siya nakatingin saakin. Nagsimula naman siyang kumain at pati na rin ako. Habang busy kaming kumakain bigla nalang siyang nagsalita..
"Sorry."
Nilingon ko naman siya kahit puno yung bunganga ko.
"Para saan?" Tanong ko.
"Sa nakita mo kagabi, sa ginawa ko.."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. Kailangan bang i-open yung ganong topic dito sa hapag kainan? Tssk si Kayden talaga oh!
"Baliw, kumakain tayo. Maya na natin pag usupan yan." Sabay inom ko ng tubig pero nasamid ako nang marealize ko yung huling sinabi ko. Maya na natin pag usapan yan .. hala parang sinasabi kong gusto kong pag usapan ang tungkol dun kahit hindi naman.
Buti nalang at hindi na siya nagsalita. Pagtapos naming kumain ay ako na naghugas, pinilit ko pa siya na ako nalang kasi ayaw niya na ako maghugas.. sabi ko mag shower nalang muna siya habang naghuhugas ako at buti pumayag siya.
Pagkatapos kong maghugas ay pumunta ako ng kwarto at tamang tama ay kalalabas lang niya ng CR. Thank God at nakadamit na siya paglabas, baka kasi paglawayan ko pa yung 8 packs niyang abs.
"Shower din muna ako." Pagpapaalam ko tapos nag OK sign lang siya.
Ilang minuto pa ay may narealize akong nakalimutan ko. Yung pajama ko naiwan ko sa kama..
"KAYDEN!" Sigaw ko.. mga tatlong beses bago siya sumagot.
"Why?" Narinig kong tanong niya.
"Pakuha nga yung pajama ko jan sa kama." Utos ko.
Ilang seconds pa ay inabot na niya saakin yung pa- wait! Shorts to ah?! Sabi ko pajama, bakit yung short ang kinuha niya? San niya to nakuha? sa aparador ko? Argh.
"Di ko mahanap pajama mo kaya hinalungkat ko yan sa aparador mo. Yan muna suot mo." Narinig kong sabi niya. Mind reader ba siya at alam niya iniisip ko? Hmp.
No choice kaya nagshorts ako. Alam kong gusto naman niya akong magsuot nito eh. Paglabas ko ng bathroom naabutan ko siyang nag cecellphone sa kama na relax na relax.. bigla siyang napatingin sakin tapos parang kumislap yung mga mata niya nung nakita niya ako.
Binigyan niya ako ng 'manyak look' , grabe Kayden.. now I know that you're really a certified manyak. Dibale, gwapo ka naman.. pero manyak.. pero gwapo.. pero manyak.. aysh. Naguguluhan ako.
"Witwew." Narinig kong sipol niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"B-bakit?" Tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.
"See? You're really hot!" Sambit niya tapos bigla siyang tumayo. Napalunok ako ng limang beses.
"Oh bakit?!" Natatarantang tanong ko, para akong shunga dito na naka cross yung daliri ko na para bang isa siyang demonyo.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...