81.

6.2K 201 119
                                    


81. Paalam


"Sometimes you just need to distance yourself from people

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sometimes you just need to distance yourself from people. If they care, they'll notice. If they don't, you know where you stand."




CATE's POV


"Ma'am Cate.."

Nagising ako sa isang malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Kinusot kusot ko yung mga mata kong sobrang hapdi dahil sa kakaiyak ko kagabi. Akala ko paggising ko wala na lahat ng sakit, pero hanggang ngayon damang dama ko pa rin. Wala na kami. Iniwan na niya ako.

"Ma'am late na po kayo."



Naisipan kong tumayo para pagbuksan si Yaya Hueta ng pinto. Pagbukas ko ng pinto mukhang nagulat siya sa mukha ko. Siguro kasi sobrang namamaga yung mga mata ko.


"Hindi po ako papasok." Nginitian ko sila pero yung peke lang tapos sinara ko na yung pinto at nahiga uli sa kama.



Isinubsob ko yung mukha ko sa unan at hindi ko na napigilang mapaiyak. Umasa akong panaginip lang lahat ng nangyari kahapon pero hindi pala. Asa realidad ako, hindi ko matanggap. Parang may malaking nakabara sa dibdib ko, ang hirap huminga. Triple tong sakit na nararamdaman ko ngayon kesa sa unang sakit na naramdaman ko nung niloko ako ni Bryce. Akala ko mahal ako ni KD at hindi niya magagawa sakin yung mga yun. Pinagpalit niya ako sa mas maganda, mas sexy.. ugh! 😢



Kahit naman imposible, umaasa pa rin ako na sana pwede pa. Sana magbago pa isip niya. Hindi ko talaga matanggap na ganun ganun nalang niya ako kakalimutan. I did everything right, but still it wasn't enough. 😔



Tumayo ako at pinunasan ko yung luha ko. Nagpunta ako ng C.R. para maghilamos at naisipan kong bumaba. Pagkahakbang ko sa last step ng hagdan ay narinig ko sila mama at papa na nagtatalo kaya nagtago muna ako sa may gilid at pinakinggan sila.

"I can handle it!" Sigaw ni Papa.


"Wag na hon! Okay na nga diba?!"



"Hindi natin kailangan ng tulong ng mga yon! They are traitors!"



"Wag mo ng palakihin ang gulo, ang mahalaga okay na. Please listen to me!, kahit ngayon lang!"



"Bat' ba kasi nagtiwala pa tay--"



"Ma, Pa?" Pagpuputol ko sa sinasabi ni papa. Sabay naman silang napatingin sakin.



Simula nung gumraduate ako ng highschool lagi nalang nilang pinag aawayan yung tungkol sa business na yan. Pero pag magkakasama naman kaming apat nila Sachi hindi nila yun ino open kasi gusto nila masaya kami.  Naisipan kong sumulpot dahil hindi ko na kasi kaya yung sigawan na naririnig ko. Pati ba naman dito sa bahay? 😧



Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon