55.

14.9K 335 84
                                    


RYAN's POV

Nung nag babye na ako kila Cate at Tyson eh natalisod pa ako. Grabe naman kasi ang daming nakaharang na wire eh! >,< Sana di nila ako nakita.

Lumapit ako kay Sander na nakikipag sayawan sa mga barkada ni Kayden. "Ryan! Tara sayaw!" Pagyayaya niya sakin kaso umiling ako. Ang sakit kaya ng paa ko nang dahil sa pagkatalisod ko.

"Hey brad! bukas zipper mo!" Sabay sabay na sabi nung mga tropa ni Kayden.

Yumuko naman ako para makita kung bukas yung zipper ko at oo nga bukas. -_- Ang malas ko naman this day ugh!

Lumapit naman ako kay Kayden na kausap yung kabuhok ni San Goku.

"Oh Ryan, asan si CL?" Bungad niya agad sakin. CL agad? Hindi ba pwedeng kamustahin muna niya ako? Ang demanding ko diba? Haha.

"Ayun sinamahan si Tyson dun sa garage niyo." Tugon ko.

"Ginagawa nila don?" Kunot noong tanong niya.

"Aba ewan?"

Binigay niya sakin yung hawak niyang baso niya tapos nag paalam na aalis. Malamang pupuntahan niya sila Cate.

Kausapin ko nga muna tong si San Goku. "YOW!" Sabay apir ko sakanya.

"Ryan right?" Tanong niya.

Aba englishero pala tong San goku na to, di man lang ako na inform. Anak na pucha naman oh! Baka dumugo gilagid ko ng wala sa oras neto. 😧

"Yap!" Sabay kamot ko sa ulo ko.

"Let's dance with them." Sabay nguso niya kila Sander na todo hataw na sa dance floor.

"Ah no, Im tired hehe." Sabi ko. Dahan dahan naman akong lumalayo sakanya kasi ayaw ko talagang mag english ngayon. Tinatamad ako eh. Sakit sa ulo! 😤

Patalikod na sana ako kaso bigla kong naramdaman yung kamay niya sa braso ko. Anak ng amp!, pinigilan ba naman ako. -__-

"Where are you going?" Narinig kong tanong niya tapos hinarap ko siya.

"Im going to pee. May pantog is full na." Palusot ko.

"What is pantog?" Putagris naman oh. Hindi niya ba ako papaalisin?! Gusto ko ng iwasan siya dahil baka maabutan niyang dumugo tong precious nose ko.

Tch, sagutin ko na nga lang. Baka pagtapos nito pakawalan niya na ako. "PANTOG is, uhm... nevermind. Bye!" Kumaripas naman ako ng takbo at pumunta dun sa may table namin.

Sawakas nakaalis na rin. Kumuha ako ng tissue tapos pinunas punas ko sa noo ko dahil pinagpawisan ako. Habang busy akong pinupunasan yung pawis ko ay biglang may tumabi sakin. Tinignan ko yung mukha niya at napa nice ako sa isipan ko. Ganda niya. Tingin ko kaklase siya nila Sunny.

"Ugh, ang sakit na ng paa ko kakasayaw." Mahinang sabi niya na narinig ko naman.

Nakita ko namang may baso ng tubig sa tapat ko. Agad kong kinuha yun at binigay sakanya. "Miss oh."

Nilingon naman niya ako kasabay nun ay ngumiti siya. Watda, ang ganda. "Thanks." Sabay abot nung tubig na binigay ko.

"Kaklase kaba nila Sunny at Tyson?"

"Ay yep. Diba ikaw si Ryan? Yung magaling din sumayaw." Nice, kilala niya pala ako. Di na ako mahihirapan neto hihi.

"Oo. Ikaw anong name mo?"

"Sydney." Tipid niyang sagot sabay inom sa tubig.

"Nice name."

"Thanks."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon