94. Happy~
"Kung gusto, laging may paraan."
CATE's POV
Oh, she's here.
"Hello? Para yatang nakakita kayo ng Diyosa?" sabay hawi niya sa buhok niya. Yung parang sa mga commercials ng shampoo, ganun na ganun.
Biglang napatayo si Tyson at lumapit sakanya, "Anong ginagawa mo dito?" maangas nitong tanong.
"Grabe nemen! Yan agad ang bungad mo sakin ha Tyson? Hindi ba pwedeng kamustahin mo muna ako?" Napaka- demanding naman ng Bambing to'. 😑
"Kung manggugulo ka lang dito, mas mabuti pang umalis kana."
"Bat' ako manggugulo? Para san pa? Masaya na ako noh, isa pa ayoko na ng away."
"Ayaw mo na ng away? Eh sino ba nagsimula ng lahat? Hindi bat' ikaw?" Sabat ni Ryan.
Napapailing iling nalang ako dito. Sino pa bang maniniwala sa mga pinagsasasabi ng Bambi na to? Hays. Kasalanan naman niya talaga eh. Yan tuloy, pinagkakaisahan na siya. Sa totoo lang nakakaawa siya.
"Pwede bang umalis kana? Masaya na kami dito, wag ka ng manggugulo." Ilang beses na ba siyang pinapaalis ni Tyson? Ang tibay rin ng babaeng to eh.
"But before I go.." tumingin siya sakin. "Hi Cate!" nakangiting bati niya sakin. Hindi ko nalang siya pinansin. "Uhm, by the way, about dun sa tanong mo Tyson kung bat ako nandito? Dito na kasi ako mag-aaral. Ang saya diba?"
Masaya? Wow! Sure ba siya sa sinasabi niya? I rolled my eyes nung narinig ko yun mula sakanya.
"Sige na umalis kana." Pagtataboy nila Ryan sakanya. Talagang kukulo talaga dugo mo pag nakita mo tong Bambi na to eh.
"Okay okay, see you around guys!" at ayun umalis na siya. May pa see you around see you around pa siya eh ayaw naman namin siyang makita.
Naku po, what's happening to the world? Parang tama yata si Sander na iba na yung Bambi ngayon. Pero bakit? Naalala ko may sinabi pa siya samin nila Sunny at Ara eh. Binantaan niya kami na hindi pa kami tapos. Ito na ba yun? Yun na ba yung pambawi niya? Ahhh siguro sinusubok niya lang kami.
"Yun pala si Bambi." Napapatangong sambit ni Skyler.
"Oo yun nga." Sabi ni Sander.
"Now I know. Pero bakit ganun niyo naman siya itaboy? May nagawa ba siya sainyo?" Nagtatakang tanong nito.
"Samin wala. Pero kay Cate, Meron." tugon ni Ryan.
Biglang kumunot yung noo ni Skyler. "Ano?" interesadong tanong nito.
Tumingin sakin si Ryan. "Pwede ko bang sabihin?"
"Ah oo naman." Wala na rin kasi yun sakin at hindi na ako affected kung sakaling pag-usapan pa.
"Yung boyfriend kasi ng Bambi na yun, inagaw niya yun kay Cate. Kung hindi lang niya inagaw edi sana masaya na sila ngay-"
"Okay nga yun eh... mabuti na rin yun, hehe." Pagpuputol ko sa sinasabi ni Ryan. Kasi kung di yun ginawa ni Bambi, hindi ko makikilala yung lalakeng para sakin.
"At baket naman????" sabay sabay nilang tanong. Oha, hotseat ako ngayon sa apat na to. >,< Parang gusto ko yatang tumakbo at takasan sila.
"Sakin nalang yun nuh!" sabay belat ko sakanila.
"Ang daya mo!" hinampas ako ni Ryan sa balikat ko ng pagkalakas lakas. Grabe, pano niya nagawa yun sakin! Huhu.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...