53.

15.6K 363 196
                                    

CATE's POV

Matapos ang mahaba habang biyahe ay sawakas at nakauwi na rin kami. Andito kami ngayon ni KD sa bahay at inaayos niya yung mga gamit niya dahil nga sa magki-christmas siya kasama yung family niya. Ako din naman eh sa bahay magpapasko. Mamimiss ko tong manyak na to. 

Nakakatuwang isipin na 2 days nalang before mag christmas. 🎄Ang bilis ng panahon! Andito ako ngayon sa sala kasi tapos na akong ayusin yung gamit ko. Si KD naman ang tagal tagal sa loob ng kwarto, mukhang lalayas na eh.

Ilang saglit pa ay bumukas yung pinto ng kwarto. Sawakas at tapos na rin siya hehe.

"CL." Narinig kong tawag niya.

Agad naman akong tumayo at lumapit sakanya. Teka muna wait.. parang may tinatago siya sa likuran niya. Wag niyang sabihing ipis or gagamba yun ah! 😵

"B-bakit?" Utal kong tanong. Medyo lumalayo ako sa kanya ng konti dahil baka mamaya ihagis niya sakin yung hawak niya.

Tumingin naman siya sakin na tila ba nagtataka. "Bat ka lumalayo?" Tanong niya.

"H-hindi ah! Nag step backward lang ako para may space hehe." Patay malisyang sagot ko.

Naku pag hinagis niya sakin yang gagamba or ipis na hawak niya masasabunutan ko talaga siya.

"May ibibigay ako sayo, lumapit ka." Utos niya.

Lalapit ba ako? Mukha naman siyang seryoso. Amp. Dibale, kung ano man yung ibibigay niyang yon magiging kalmado lang ako.

Inhale ... exhale...

Lumapit ako sakanya ng dahan dahan. "Ano ba yan?" Kinakabahang tanong ko sabay turo ko dun sa may likod niya.

"You look scared huh." Sambit niya habang nagpipigil sa tawa.

Eto na ba sinasabi ko eh! Gagamba yung hawak niya!🐜 Aaah siguro kaya siya natagalan sa kwarto kasi nag hunting pa siya ng gagamba na yan. Baka nga tarantula nga yang hawak niya eh.

Ilang sandali pa ay unti unti na niya itong nilalabas. Habang nilalabas niya ay napapapikit ako. Kalma lang Cate, wag kang sisigaw. Yumuko siya tapos agad niya yong inilabas at napapikit ako sabay sigaw ng-- "WAAAAAAHHH WAAAG POOO!!!"

Sabing kalma lang Cate eh! 😖

*crickets sound*

Maya maya pa ay naririnig ko na siyang tumatawa. Unti unti kong minumulat yung mga mata ko hanggang sa makita ko yung inaabot niya sakin.

O_____O

Isang box? Masasabi kong regalo siya dahil nakabalot sa green na wrapper na plane ang design.  Favorite color ko pa talaga ah.

"A-ano yan?" Tanong ko.

"Regalo."

Sabi ko nga rin hehe, obvious naman na regalo eh. Ikaw talaga Cate! Bat mo pa kasi tinanong. 😕

"Para kanino?" Tanong ko ulit.

"Siguro sa pader." Sarcastic niyang sagot na inabot naman niya sa pader. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Tch, Malamang sayo. Kanino ko ba inaabot?"

=______= bat ba ang sungit ng lalakeng to? May regla ba to? 😖

"Oh ano hindi mo ba kukunin?" Inip niyang tanong. Hindi niya ba alam yung kasabihang patience is a virtue? 😒 walang patience! 😠

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon