69.1

6.5K 180 63
                                    



Nagtinginan naman silang tatlo. Nagulat ako nung bigla akong halikan ni KD sa noo ko. Namula tuloy ako. :')



"Ikaw mahal, san mo gusto?" Nakangiting tanong ni KD.





"Uhmmm... kahit saan?" Di ko sure na sagot.




"Uwi nalang ako, ipapahinga ko nalang to." Sabi ni Ryan.




"Sige uwi na rin kami." -KD





"Sama ako sainyo." Sabi naman ni Tyson.




"Uy Ryan dun ka nalang kaya magpahinga sa bahay." Sabi ko.





"Sa bahay?" -KD



"Oo."




"Okay sige." -Ryan



Sumakay naman na kami sa kotse ni Ryan. Si KD na ang nag drive dahil wala sa mood magdrive si Ryan. Si Tyson naman nakasunod lang samin. Pagkadating namin ng bahay ay nahiga agad si Tyson sa sofa. Si Ryan naman dun sa may kama at k.o. na agad dahil tulog na.



"Tulog muna ako. Gisingin niyoko pag wala na kayo." Tumatawang sabi ni Tyson.


"Gago, anong sinasabi mo jan tukmol. Hindi mangyayari yan lol." Babatukan sana ni KD si Tyson kaso hindi na niya tinuloy.



"Alam ko nuh! Syempre joke lang yun, sineryoso mo naman."




"Hala sige mag talo nanaman kayo." Sabat ko tapos naupo din ako sa kabilang sofa.




Habang nag iisip ng kung anu ano ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. --





Pagkamulat ko ng mata ko nakita ko yung tatlo na busy kumakain ng mangga. Sawsaw dito, sawsaw doon. Nangangasim na tuloy ako dito. 😩




"Gising kana pala mahal." Tumayo si KD tapos hinila ako paupo sa tabi niya. "Kain ka, ang sarap." Sabay sawsaw niya dun sa mangga na hawak niya at sinubo yon sakin. Kinain ko naman yun.




"Ryan okay na yang singaw mo?" Tanong ko.



"Medyo? Masakit pa rin eh."




"Kahit may singaw yan di pa rin titigil yan sa pag nguya." Singit ni Tyson.




Tumayo naman ako. "Wait lang magtitimpla muna ako ng juice." Paalam ko tapos nagpunta na ako ng kusina. Habang nagtitimpla ng juice ay di ko maiwasang marinig yung usapan nila.



"Uy Kayden, ano ng balak mo?" -Ryan



"Ano bang balak yang matagal niyo ng pinag uusapan?" Usisa ni Tyson.




"Aalis si KD sa bakasyon. Pupunta siyang Korea." -Ryan



Bigla akong napalingon sakanila nung marinig ko yun. Inaantay kong magsalita si KD para siguraduhing totoo nga yung sinasabi ni Ryan.




"Dinga?" Di makapaniwalang tanong ni Tyson.




"Oo aalis ako. Babalik rin naman ako pag pasukan na ng college eh. Wag kayong maingay baka marinig ng girlfriend ko, ok--."





Napatigil sila at napatingin sakin nung mahulog ko yung kutsara. Sinadya ko talagang ihulog yung kutsara. Lumapit ako sakanila at sinamaan ng tingin si KD. "Aalis ka pala ha?!"




Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon