"Jealousy is just a way of telling someone you care too much to let them go."[UNEDITED]
Tyson's POV
5PM niyaya ko sina Cate at Kayden kumain muna malapit sa school. Nagugutom kasi ako at gusto ko ng may kasama. Sila Ara, Sunny at Aisha naman eh nauna ng umalis kaya hindi na namin sila nakasama. Yung dalawang poging unggoy naman eh may practice pa ngayon.
"Anong gusto niyo? Libre ko." Tanong ko sa dalawa na busy nagkekwentuhan. Napatingin naman sakin si ugok at kinuha yung menu na kanina pang nakalapag sa lamesa.
"Dalawa nito tapos isa nito."
"Ikaw Cate?"
"Yun-"
"Share na kami sa order ko." Pagpuputol niya sa sasabihin sana ni Cate.
"Ah okay."
Tinawag ko na yung waiter at sinabi yung order namin. Habang nag aantay eh hindi ko mapigilang hindi mabored. Hindi ko alam kung andito pa ba ako na kasama nila o ano eh, para kasing sila lang dalawa yung tao. Nag aasaran, nagtatawanan tapos .. ayun ang sweet.
Naalala ko nanaman yung gabing hinalikan ko si Cate. Sinadya ko naman talaga yun eh, gusto ko pa rin kasi siya. Ang tanga ko nga eh dahil kamuntik ng nangyari yun, nawala sa isip ko tong kapatid ko. Tama naman siy, gag0 ako. Ang gag0 sa ginawa ko. Buti na nga lang at pinatawad niya kami, ang bait kase niya. Naintindihan ko naman siya nung sobra yung galit niya samin ni Cate, siguro kung ako rin na boyfriend baka makapatay pa ako.
Minsan hindi ko maiwasang hindi mainggit sa dalawang to, naaawa tuloy ako sa sarili ko. Poor me, hays.
Nung dumating na yung order namin ay tahimik lang kaming kumain. Mga isang oras ang itinagal namin sa restaurant na yun saka lang kami lumabas. Asa may parking lot pa pala ng school yung sasakyan namin ni ugok kaya kailangan pa uli naming pumasok ng school.
"Dito nalang muna ako, antayin ko nalang kayo dito tutal dadaan rin naman kayo dito diba?" Sabi ni Cate. Andito pala kami ngayon malapit sa entrance gate ng school.
"Sure ka? Sumama ka nalang kaya." Sabi naman ni ugok. Umiling naman si Cate.
"Hindi na, ganun rin naman eh. Wait nalang kita dito." Pagpupumilit ni Cate.
"Okay. Jan ka lang ha?"
"Oo naman. San pa ba ako pupunta?"
"Baka kasi takbuhan mo'ko." Si Cate tatakbo? San naman siya pupunta kung sakali? Lokong ugok talaga to.
"Baliw. Sige na kuhanin niyo na yung sasakyan niyo, 6 pm na oh."
"Tara na ugok, okay naman na jan si Cate eh. Tignan mo oh, tabi pa sila ng guard kaya di yan dadamputin ng kung sino." Sabi ko pa. Sinamaan naman ako ng tingin ni ugok. Bakit kaya tuh?
"Pag may nangyari lang jan sa Mahal ko, gigilitan kita sa leeg." Kahit kelan talaga napakabrutal niyang magbitaw ng salita.
"Edi gilitan mo. Basta alam ko safe jan si Cate." Kinindatan ko pa si Cate para sabihing relax lang.
"Sige na umalis na kayo, ayan nanaman kayo nagtatalo eh." Tumatawang sabi ni Cate. Tinulak tulak na niya kami para makalayo na kami.
So ayun, naglakad na kami ni ugok papasok sa loob para kuhanin na yung sasakyan namin. Nung asa parking lot na kami eh nakita namin sina Ryan at Sander sa may di kalayuan saamin na nakasandal sa likuran ng kotse. Panigurado katatapos lang magpractice ng mga to.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...