108. Excited
Sander's POV
YESSS! Asa Korea na kami, Woooh sobrang lamig talaga dito! buti nalang dami kong suot na jacket.
"San tayo kakain mamaya?" Usisa ni Ryan.
"Taena kararating palang pagkain na agad iniisip mo." Hay nako, wala talagang pinipili tong sikmura ng unggoy na to.
"Eh sa nakakagutom yung lamig eh."
"Maghalo halo nalang tayo mamaya." Napatingin kaming dalawa ni Ryan kay Skyler tapos nagtinginan uli kami ni Ryan na wala man lang karea reaksyon yung mukha.
"Sige maghanap ka ng halo halo dito. Pag nakahanap ka, edi nice." Sarcastic na sambit sakanya ni Ryan.
"Nakakatikim ako ng halo halo eh."
"Pag nag snow mamaya mag-ipon ka tapos lagay mo sa baso. Pag nakaipon kana lagyan mo ng sahog, oh di may halo halo kana." Galing naman ni Ryan. Medyo gumagana na yung braincells niya ah.
"Mga gago." Napangising sambit ni Skyler.
Andito nga pala kami ngayon sa airport at kararating lang naming mga makikicompete sa isa sa pinakamalaking event dito sa Korea. Lahat kami sobrang excited dahil isang linggo kami dito. May 3 days pa kami para maghanda. Sayang nga't di nakasama yung buong tropa eh.. sobrang sayang. Yung gusto mo silang makasama pero wala kang magawa kasi kailangan sundin yung school.
Pagkarating namin ng hotel na matutuluyan namin ay inayos na agad namin yung mga gamit namin. Bale sa isang room, may tatlong kama. Swerte namin at tatlo kami nila Skyler at Ryan na close kaya kaming tatlo ang magkakasama sa iisang kwarto. Actually lahat kami close, pero kaming tatlo lang talaga yung di matitibag sa grupo namin, hehe.
"Labas tayo mamaya, manchix tayo." Napatingin kami kay Skyler na sinusuot yung shorts niya.
"Chix lang yata habol mo dito e." Binato ko siya ng hawak kong bote ng mineral na kanina ko pa iniinom.
"Syempre isa na din yun sa dahilan." Pakindat kindat pa tong gagong to, akala naman niya cute siya. Pero infairness... cute nga siy-- pota ano ba tong pinagsasasabi ko?! Yuck!
"Tagal niyo mga unggoy!"
"Eto na po Tatay bibilisan na!"
"Anong tatay ka jan?" Takang tanong ni Ryan kay Skyler. Mukhang nagets ko agad yung ibig sabihin ni Skyler kaya di ko mapigilang matawa sa isipan ko.
"Diba sabi mo samin UNGGOY?"
"Oh tapos?" Sabay taas ni Ryan ng isang kilay niya.
"Edi ikaw tatay namin. Remember? You're the king of the monkeys?! Hahahaha!"
"Gago." Binato ni Ryan yung brief niya kay Skyler. Ang malas pa eh sa mukha niya 'to tumama. Dumikit tuloy, ampota haha!
"Pota naman bro!" Nandidiring tinanggal ni Skyler yung brief ni Ry sa mukha niya. "Ambaho!" Sabay bato nito pabalik kay Ryan. Eto namang si Ryan tawa ng tawa. Ako naman dito eh pinapanood lang sila.
"Tss, akala mo naman kung mabango yang brief mo. Maiwan ko na nga kayo." Tinalikuran niya kami saka lumabas na ng kwarto. Nagtinginan naman kami ni Skyler at parehong napailing sabay na rin na natawa. Lakas makatampo nung Ryan na yun ah, meron yata siya ngayon.
So ayun lumabas na rin kami ni Skyler. Nakita namin si Ryan sa may first floor na kinakausap yung babae sa front desk. Ang pinagtataka ko eh mga korean tapos englishera yung mga nandun, pero bakit niya kausap? Im sure nose bleed nanaman si unggoy. Lahat hahamakin makapanchix lang eh.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...