Chapter 32

12.3K 309 23
                                    

BAKIT MAGKASAMA SILANG DALAWA?!

"WTF." Narinig kong sambit ni Tyson.

Im sure lahat kami nagulat.

"Bakit kasama mo siya Kayden?" Nagtatakang tanong ni Ryan. Wala na kaming pake kahit pinagtitinginan kami dito ng mga estudyante sa hallway.

"Ah si Bryce ba? Nga pala, pinsan ko siya." Pagpapakilala sakanya ni KD. Lahat kami literal na napanganga.

Oo, kasama niya si Bryce ngayon. At ngayon lang namin alam na mag pinsan pala sila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Eye to eye contact kami ngayon ni Bryce. Nakikita ko sa mata niya na may gusto siyang sabihin.

"Wala ka bang alam?" Kunot noong tanong ni Sander sakanya.

Kailangan niya bang malaman? Kailangan bang malaman ni KD na yung pinsan niya yung sinasabi kong gumago sakin? Huwaw.

Sa mga oras na to nakakaramdam ako ng inis lalo na at nasa harapan ko pa siya.

"Ano bang dapat kong malaman?" Naguguluhang tanong ni KD.

"Wala." Bigla akong inakbayan ni Tyson, "Tara na mga troops, alis na tayo." Pagyayaya niya tapos tinap niya yung likuran ko at bumulong, "Smile na."

"Sige." Sambit ko at nauna na kaming naglakad. Sumunod naman na samin sila Ryan at nagtungo kami sa gym.

Naupo kami sa may bench. Alam ko nanaman mangyayari nito eh. Pag uusapan yung dalawa.

"Gosh, pinsan pa talaga ni Kayden si Bryce. What a co-incedence." Sambit ni Ara.

"Hayaan niyo si Kayden, wala siyang alam sa nangyari." Sabat ni Ryan. Totoo naman na walang alam si KD kaya hindi dapat sila magalit sakanya.

Simula kasi nung niloko ako nung Bryce na yun, nagalit na din sakanya sila Ryan.

"Baka parehas lang ng ugali yung mga yon." Nakangising sabi ni Tyson.

"Hindi." Depensa ko. Hindi ganun si KD kay Bryce, kilala ko si KD. Matino yun, kaso manyak -_- , okay na yung manyak kesa manloloko.

"Pero nakita niyo ba yung titig ni Bryce kay Cate kanina?" Tanong ni Sunny.

"Bakit yun?" Sabay na tanong ni Sander at Ryan.

"Para kasing gusto niyang yakapin si Cate eh." Tugon ni Sunny.

"Yakapin? Eh pota diba may Bambi na yun? Mga traydor mga yun e." Inis na sambit ni Tyson. Asan na kaya yung Bambi na yon? Yung isa din naming kaibigan. Tama si Tyson, traydor mga yun. 😠

"Wala na yata sila ni Bambi eh." -Ryan

"Pano mo naman nasabi?" -Sander

"Gaga sila pa!" -Sunny

"YATA nga diba? Hay nako mga boplacks." -Ryan

That means sila pa. Eh sa wala akong pake kaya hindi ko inaalam at ngayon ko lang ulit nalaman na sila pala hanggang ngayon.

"Higad kasi yung Bambi na yon." -Ara

"Imagine? Hindi man lang natin alam na inaakit na niya pala si Bryce through text." -Sunny

"Sarap gilitan!" Inis na sabi ni Ara.

"Nagpalandi naman yung Bry-"

"TAMA NA." Matigas kong sabi sabay tumayo ako. "Wag na natin silang pag usapan, please lang." Pakiusap ko sakanila. Nasasaktan nanaman kasi ako eh. 😢

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon