84: MAHAL MO PA?"When life gives you a HUNDRED reasons to CRY. Show life a THOUSAND reasons to SMILE."
[Tyson on the media]CATE's POV
Andito nanaman ako ngayon sa may tapat ng gate namin at inaantay yung abnormal kong bestfriend. Naalala ko kagabi, halos matulog na ako sa banyo sa sobrang sakit ng tiyan ko. Yung akala mo yun na yung last na pagbabawas mo tapos maya maya tatawagin ka uli ng inang kalikasan para magbawas. Siguro nabigla tong tiyan ka sa dami ng nakain ko.
*BEEP BEEP*
"Ay anak ng butete!" Napakapit ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Andito na pala si Bestfriend.
"Sakay na!" Sigaw niya habang nakangiti.
"Okay." Di man lang ako pinagbuksan ng pinto. Ang demanding diba? Wala eh, nasanay lang.
Nakarating kami ng school ng walang imikan. Hindi ko rin naman kasi siya makausap kasi ang lakas ng pa music niya sa loob ng sasakyan niya. Kulang nalang maglagay ng disco ball para maging bar.
Buti na nga lang at kaklase ko siya ngayong araw na to kaya sabay kaming pumasok sa room. Andito na nga pala kami ngayon sa classroom at kanina niya pa ako kinakalabit. Hindi ko siya nililingon kasi busy akong naglalaro dito sa phone ko ng twist. Pag natalo uli ako dito sisisihin ko na talaga siya.
"Bestfriend." Sabay kalabit niya sakin. "Uy bestfriend!" Sabay kalabit ulit. "yuhoo!"
"ANO BA YAN NATALO TULOY!" Sigaw ko. Napatakip ako sa bibig nung marealize na lahat na nakatingin saakin. Amp. Si Skyler kasi, kalabit ng kalabit, napindot ko tuloy ang di dapat mapindot.
"Gumagawa ka ng eskandalo mo dito haha."
"Bat ka kasi nangangalabit?" Inis kong tanong. Tinago ko na yung phone ko baka kasi mabato ko pa.
"Tambay muna tayo sa corridor habang wala pa yung instructor."
"Ngayon?"
"Ay hindi, next week pa." Sarcastic niyang sagot tapos tumayo na ako.
"Loko. Sige tara." Nauna na ako sakanyang lumabas tapos sumunod na rin siya.
Andito kami sa mag corridor ng 4th floor at nakatingin lang sa ibaba. Tinitignan lang namin yung mga estudyanteng dumadaan mula sa entrance gate na tanaw namin dito sa itaas.
"Tara na anjan na si... teka bat hindi si ma'am Alvarez yung pumasok ng room natin ngayon? Absent ba siya?" Narinig kong sabi ni Skyler. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang dahilan. Naglakad na kami pauntang room at nung pagkabukas namin ng pinto ay may bigla akong nakabangga at nahulog yung laman ng bag niya.
"Ah sorry." Sabay pulot ko nung mga gamit niya at abot sakanya nito. Tinulungan na rin kami ni Skyler at nung tiningala ko siya nanlaki mata ko.
"Okay lang, thank you." Sabay ngiti niya. Nakita ko ng malapitan yung matamis niyang ngiti. Yung ngiting isa sa dahilan kung bat' siguro nainlove si KD. 😞
👇👇👇
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...