CHAPTER 120

4K 97 132
                                    


CHAPTER 120

“The most challenging times bring us the most empowering lessons.”


TYSON's POV

Monday. Regular Class. Nakakabagot, sobra.

Andito ako ngayon sa loob ng room at mukhang napaaga ako ng pasok. 9:30 am pa sched ko pero 8:30 am andito na ako. Medyo may hangover pa ako kagabi, mga 5 am na kami lahat sabay na nag si-uwian kasi nga may pasok pa kami. Halos dalawang oras lang yung tulog namin, pero eto ako napakaaga. Siguro tulog pa sina Ryan sa mga oras na 'to.

Kinuha ko yung bag ko at binuksan ito. Kinuha ko yung sandwich sa loob at agad na kinain. Medyo gutom ako, ayaw ko naman ng pumunta ng canteen kasi tinatamad ako.

"Tyson?"

Agad akong umayos ng upo nung bumungad sya. Nakataas kasi yung paa ko sa upuan na katapat ko. Sit like a boss eh.

"Oh Aisha! Kamusta?" Bati ko sakanya kahit puno pa ng sandwich yung bunganga ko.

"Okay naman. Ah may klase ka dito? Bat mag isa ka lang?"

"Oo meron, maaga lang ako. May klase ka?"

"Oo katatapos lang. 7:30 klase ko, maaga lang kami pinadismiss."

"Ah bat ka pala nandito?" Takang tanong ko.

"S-saan sila Sander? Bat di mo sila kasama? Diba kaklase mo sila sa subj. na 'to?"

"Ewan ko sa mga yun, mukhang natulog pa ata kasi kakauwi lang namin kaninang 5. Baka nga di sila pumasok."

"Sayang may ibibigay sana ako."

"Kanino?"

"Wala, sige aalis na ako. Bye!"


Bigla nalang siyang umalis. Infairness mabilis tumakbo, hehe.

Pero ano naman kaya ibibigay nun kay Sander? Syempre nagkunwari lang akong nagtanong kung kanino niya ibibigay para naman di halata. 

Ipinatong ko muna yung ulo ko sa may armchair at agad na pumikit. Inaantok pa ako.

*A FEW MINUTES LATER*

"Ugok!"


Bigla nalang akong naalimpungatan nang marinig ang sigaw na yun. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang magaling kong kapatid.

"Psh, ano ba?! Nang iistorbo ka ng tulog!" Sinamaan ko siya ng tingin tapos pumikit uli ako.

"Babatukan kita jan. Gumising ka!"


Ugh! Ano bang problema neto.


"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Hindi yung nang iistorbo ka ng tulog!" inis kong sabi.


"Babawian lang sana natin yung. . . Nevermind." Agad akong napamulat sa sinabi niya. Kahit malabo pa mata ko eh nakita ko yung kamao niya na may kaunting dugo. Dahan dahan siyang tumalikod at dun na ako nagising. Dali akong umayos ng upo ko.


"Tukmol, ano nangyari?" Alalang tanong ko pero di ko pinapahalata. Humarap siya sakin at nakita kong may dugo yung gilid ng labi niya. Nanlaki mata ko at agad na napatayo. "Hoy ano yan?!" Tinuro ko yung labi niya. Ngumisi siya tas umiling tsaka na naglakad palabas. Hinabol ko siya at hinigit yung balikat niya tsaka pinaharap ko siya sakin. "Hoy ano sabi yan eh?!" Galit kong tanong.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon