34.

12.4K 317 29
                                    

RYAN's POV

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone sa bulsa ko tapos tinignan ko kung sino nagtext.

1 message from Tyson

"Uy nagtext si Tyson." Sabi ko.

"Ano sabi?" Tanong nila tapos binuksan ko na message niya at binasa.

[From: Brad Tyson]

Brad pauwi na ako. Badtrip eh! Mukhang kinilig pa siya sa binigay nung ugok na yon. 😒

Pagkabasa ko ay agad kong tinago yung phone ko.

"Pauwi na raw siya." Patay malisyang sagot ko. Hindi ko naman pepwedeng sabihin yung sinabi niya sa dulo.

"Luh, anyare don?" Nagtatakang tanong ni Cate.

"Baka nagselos?" -Sander

"Saan?" Sabay na tanong ni Ara at Cate.

"Kumain nalang tayo!" Pag iiba ko ng topic tapos pinandilatan ko si Sander. Hindi niya pwedeng sabihing nagseselos si Tyson, mayayari kami nun!Anak ng torpe naman kasi yun eh!

Naramdaman ko nanaman nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko to mula sa bulsa ko.

[FROM: Brad Tyson]

Nga pala, pakibantay si Cate.

Agad kong tinago phone ko tapos natawa ng mahina. Yun lang pala eh, edi okay! 😏

Siniko naman ako ni Cate sabay sabing, "Uy may problema ba si Tyson?"

"Ha? Pano mo alam- i mean pano mo nasabi?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh kasi nagtext siya sakin ng sad face."

"Baka smiley yon! Nagkamali lang hehe." Napakamot ako bigla sa ulo ko.

"Ah siguro nga." Sabi niya tapos napatango lang siya.

Tinignan ko kung anong oras na-

"Watdafak!" Sabay nabay napatayo ako.

"Oh bakit?" Tanong nila.

"15 minutes late! May practice tayo ng sayaw ngayon Sander!" Agad kong kinuha yung bag ko.

"Ay bullsh*t!" Singhal ni Sander tapos kinuha rin yung bag niya.

"Aalis na kayo?" Tanong ni Cate.

"Oo, magagalit na yung mga kagrupo namin eh!" Sabi ko.

"Pano yan wala si Leader?" Sabi ni Sander.

"Urgh, Oo nga si Tyson. Anak ng butete naman oh! Sige ako nalang muna mag lilead!" Sambit ko.

"Sige ingat kayo, bye!" -Ara

"Kayo din." -Ako

Tumakbo naman na kami ni Sander ng pagkabilis bilis, para kaming nag mamarathon, mas binilisan ko pa para maunahan siya kaso bigla nalang...


*prfrkrkrkrkrkfrk*

Sa ikinamalas malas ko pa ay ayan!

Nadapa ako. 😓

"Hahahaha!"

"Lampa! Loool!"

"Ang famous nadadapa pala?! Pfft!"

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon