CATE's POV"Thankyou KD." Inalis ko yung yakap ko sakanya tapos inabot yung binigay niyang uniform.
"Suot mo, okay? Wait kita dito sa labas." Nagtungo siya dun sa may gilid at sumandal sa wall.
Naglakad naman ako pabalik ng CR, pero bago ang lahat napansin ko si Tyson kaya nilapitan ko siya.
"Tyso-"
Bigla nalang siyang umalis. Isang malaking question mark nalang sa ulo ko. 😞
Pagtapos kong magbihis ay nakita ko agad si KD na nag aantay sa dati niyang pwesto na nakasandal.
"Huuuy!" Kinalabit ko siya tapos nilingon niya ako.
"Oh, buti kasya sayo yang uniform." Ngumiti siya habang tinitignan ako pataas pababa.
"Saan mo nga pala to kinuha?" Tanong ko tapos nagsimula na kaming maglakad.
"Sa uniform room, binili ko." Bigla nanlaki mata ko. Ibig sabihin gumastos pa siya para lang sakin? I mean para lang bilhan ako ng uniform? 😮
"Thankyou ha." Medyo nahihiya ako sa mga oras na to. Tumingin ako sakanya ng patago tapos seryoso lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin. Bigla akong napangiti. Hay naku KD, ang bait bait mo talaga, isip isip ko.
"Teka." Tumigil kami saglit tapos may dumaan na isang babae na estudyante. Biglang hinawakan ni KD yung balikat nito tapos napatingin yung babae kay KD, grabe ang lapad ng ngiti niya 😅.
"B-baket po?" Pabebeng tanong niya. Parang Ara lang eh nung unang makausap si KD 😂.
"May suklay kaba jan miss?" Ano namang gagawin ni KD sa suklay?! 😮
"Ah opo, wait lang." Hinalungkat niya yung loob ng bag niya tapos binigay kay KD yung suklay.
"Pwedeng akin nalang to? Uhm, Anong gusto mong kapalit nito?" Seryosong tanong ni KD. Natatakot ako baka sabihin nung girl na 'Ikaw, ikaw gusto ko', tapos pumayag si KD. No. 😤
"Ah hindi na, sayo nalang po hihi." Natawa naman raw ako sa tawa niya, sabay takip pa ng bibig. Pa Maria Clara ang dating. 😁
"Wow, thankyou!" Niyakap ni KD yung girl ng mga 2 seconds tapos kumawala na siya. Selos ako? Luh, hindi ah! 😈
Pero grabe tong KD na to, parang suklay lang ang saya saya na niya."Sige po alis na ako hihihi." Kumaripas na ng takbo yung babae na halatang kikig na kilig.
Nagulat ako nung i-abot sakin ni KD yung suklay. Kala ko ba sakanya to?
"Luh bakit?" Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Magsuklay ka." Tipid niyang sagot. Napahawak naman ako sa buhok ko. Hala, ang gulo nga 😨. "Para kang basang sisiw." Tumawa siya ng mahina. Lakas mang asar 😡
"Che!" Sinuklay ko yung buhok ko na sobrang tigas. "Bakit pala humiram kapa eh meron naman akong suklay sa bag ko? Siguro nagpapapansin ka lang dun sa babae noh!" Kunwari kinilig ako pero deep inside gusto ko siyang hampasin ng walis tingting. 😬
"Eh? Ayoko lang makita ka nila na ganyan. Maya sabihin nila ni rape kita!" WTF.
"Kapal mo!" Siniko ko siya ng malakas.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...