"Sa tamang panahon, may isang taong magpapatunay sayo kung bakit ka para sakanya.. at kung bakit hindi ka para sa iba."
KAYDEN's POV
Kinakabahan ako..
Nagpaalam ako kila Tyson na lalabas lang saglit tapos nagmadali akong pumasok sa kabilang kwarto.
Pagkabukas ko --
Bat walang tao? Asan sila?
"CL?" Tawag ko.
"KD!"
Naging alerto ako nung marinig ko ang boses na yun.
"Asan ka?"
"Asa CR! Hindi ko mabuksan!"
Nagmadali akong tumakbo ng CR tapos sinubukan kong pihitin yung doorknob kaso ayaw.
"Wait lang CL ha. Ako bahala."
"KD.. dalian mo, may ipis!"
"Haha! Takot ka pala sa ipis" Pang aasar ko.
"Oo! Lilipad na kaya dalian mo!"
"Haha oo!"
"Kainis ka tumatawa kapa. Eh ikaw nga ang laki laki mong tao tapos takot ka sa tiktik!"
"Sabihin mo lang kung bubuksan ko pa to." Pananakot ko.
"Hehehehe joke lang yun! Oo na, karamihan sa mga gwapo takot sa tiktik, ang haba kasi ng dila haha--waaaaahhh! KD dali! Lumipad na!!"
Ano bang klaseng hotel to, bat may ipis. Bumwelo muna ako bago itulak yung pinto. ---- Buti naman at nabuksan ko rin. Agad niya akong niyakap ng pagkahigpit higpit. "Thank you! Kala ko di na ako makakalabas. Buti nga lang at nasa bulsa ko lang tong phone ko."
Hinawi ko yung buhok niya at inipit yon sa kabilang tenga niya. Grabe ang pawis niya. "Asan ba sila Ara at Sunny?"
"May binili lang sa baba eh."
"Sana sumama ka nalang. Wag kang magpapaiwan mag isa dito, mamaya pasukin ka ng kung sinu eh, wala pa naman ako sa tabi mo."
"Sorry."
Tinap ko yung ulo niya tapos hinila siya papuntang kama at pinahiga. "Matulog kana, okay? Tignan mo oh past 12 na."
"Inaantay namin kayo eh."
"Anjan lang naman kami sa kabila eh, nagkekwentuhan."
"Hmmmp, bat amoy alak ka? Nag iinuman ba kayo?" Pag iiba niya ng usapan.
"Mag aamoy alak ba ako kung gatas yung tinutungga namin?" Sarcastic kong sagot.
Hinampas nanaman niya ako sa balikat ko. "Dahan dahan lang ha? Baka mamaya manggulo kayo eh."
"Opo." Hinalikan ko siya sa noo niya ng mga 5 seconds pagtapos ay tinignan ko ng mabuti yung mukha niya. "Itsumo Aishiteru."
"Ha?"
"Ang sabi ko, I will always love you."
"Dun ka nga!" Pagtataboy niya saken.
"What's wrong?" Nagtatakang tanong ko. "May mali ba sa sinabi ko? "
"Kinikilig ako."
Bigla akong napangiti. First time niya kasing sabihin yan sakin. "Ohsige na, aalis na ako." Bigla akong tumayo. Ramdam ko kasi yung mga yapak nila Ara eh.
"KD, a-ano, pwedeng samahan mo pa ako?"
"Okay. Silipin ko lang kung anjan na sila Ara." Hahakbang na sana ako papuntang pinto kaso tinawag niya ako kaya nilingon ko siya. "Bakit?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Historical FictionGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...