95.

7.1K 166 99
                                    

95: [Happy Birthday Kuya Rain~]


CATE’s POV

“Bukas ha? Dapat lahat tayo nandun.” ~Ara

“Basta hindi ako sure ha.” ~Tyson


“Basta pupunta kami ni Sander at Skyler. Kaya Bro Tyson, sumama kana rin.. please.” ~Ryan

“Try ko.”

“Madaming games si Kuya sa party niya. Ewan ko nga dun kung anong naisip, ginawang children’s party yung birthday.” ~Sunny


“Diba pool party yon? Edi pang swimming yung suot namin?” ~Ara


“Kayo bahala. Okay lang kahit anong isuot niyo pero magdedress ako kaya sana kayo rin ni Cate, hihi.” ~Sunny


“Sige magdedress nalang kami ni Cate.”


Asa may Student’s Plaza kami ngayon at pinag-uusapan yung about sa birthday ng Kuya ni Sunny. Dahil Friday ngayon ay halfday lang kaming mga freshmen. Hindi ako sumasabat sa usapan nila dahil di ako makapagsalita. Letcheng singaw kasi to eh. Pati si Sander may singaw rin kaya ang tahimik naming dalawa. Si Skyler at Niko naman wala ngayon dito dahil pinabili namin sila ng mga chichirya. Nang aasar nga yata sila eh, nirequest kasi ni Tyson na puro maalat yung bilhin nilang chichirya para makakain raw kami ni Sander. Siya kaya magkaroon ng singaw at budbudan ko ng sandamakmak na asin. >,<


“Tara sa clinic, ipagamot natin yang singaw niyo kay Nurse Jenny.” Sabi ni Tyson.

Siguro napapansin na niya kami ni Sander na hirap na hirap na dito.

“Tara!” excited na sigaw ni Ryan. “Makikita ko nanaman si Nurse Jenny, hihi.” Naghugis puso yung mga mata niya.


“Ano bang meron kay Nurse Jenny at ganyan ka nalang ka excited pumunta don?” nagtatakang tanong ni Ara.


“Malamang yung malaking boobs ni Nurse Jenny, manyak yan eh.” Tumatawang sabat ni Tyson.


“Gagu. Bat mo sinabi bro? secret lang natin yun eh.”


“Ikaw Ryan ha! Manyak ka pala, akala namin di ka mahilig sa boobs.” Sabay hampas sakanya ni Sunny.


“Uy hindi ah. Ano kasi… namiss ko lang si Nurse Jenny. Buti nga nalipat siya dito sa school eh.. siya kaya lagi gumagamot sakin.”


“May relasyon ba kayo?” kunot noong tanong ni Ara.


“Luh ano namang pumasok sa isip mo Ara at natanong mo yan? Kung may relasyon kami edi sana lagi akong nasa clinic. Boplacks, haha-aray!” binigyan tuloy siya ni Ara ng isang malupit na sabunot.


“Nagtatanong nga eh. Psh.”


“Wait nalang natin sila Niko at Skyler bago tayo magpunta ng clinic.” Singit ni Sunny.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon