Chapter 16 [Kayla 🙊]

19.5K 478 27
                                    

.

.

.

Nagising ako ng maaga habang si KD naman ay sarap na sarap sa tulog niya. Anong na nga ulit nangyari kagabi? Ang alam ko nahihilo ako eh, yun lang.


Nagluto ako ng breakfast namin. Masaya ako kasi aaraw arawin na namin ang pagsabay sa pagpasok. Habang nasa kusina ako at busy sa pagluluto ay narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto, that means gising na siya.

"Ang aga mo yata?"


Nilingon ko siya na kinukusot yung kabilang mata niya.



"Ah oo eh." Tugon ko tapos nagtungo siya sa lababo at nagtoothbrush.


"Sabay tayo ulit ha?" Sambit niya habang nagsisipilyo pa rin.


"Oo naman." Sabay ngiti ko sakanya ng wagas, at kahit na nagtotoothbrush siya ay nginitian niya rin ako. Tae ang gwapo talaga.


Nung matapos na siyang magsipilyo ay nagulat ako kasi pinampunas niya ng bibig niya yung damit ko.


Aba ang galing! >,<


"Hoy KD! Sa dami pa ng ipupunas damit ko pa!" Reklamo ko.


"Gusto mo sa bra mo?" sabay smirk niya sakin. Gagu talaga to, "Akin na nga yan." Sabay agaw niya ng tongs na hawak ko, "Maligo ka na, ako na magluluto." dagdag pa niya tapos tinignan ko siya na seryoso sa ginagawa niya. Nagkibit balikat nalang ako at tulad nga ng sinabi niya ay maligo na raw ako, para naman di kami malate.


Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na yung sling bag at uniform ko.


"Tara CL kain na!" Tawag niya saakin at agad naman akong pumunta sa kusina. Pinaupo niya ako at nagsimula na kaming kumain.


"Nagpaalam ba tayo kila Ryan kagabi?" Tanong ko habang kumakain pa rin kami.

"Oo, bakit?" Sabay inom niya.


"Wala kasi akong matandaan."


"Buti naman." Sabay ngiti niya ng nakakaloko.


"Anong buti naman ha? May hindi ba ako alam?" Nagtatakang tanong ko.


"Wala. Kumain ka nalang jan." Cold niyang sabi tapos inirapan ko siya at kumain na ako.


Nang matapos na kami ay bumyahe na kami ng school at pagbaba namin inakbayan nanaman niya ako.


"Putspa! Sige subukan mo.." pagbabanta niya nung napansin niyang inaalis ko yung braso niya sa balikat ko. Andyan nanaman kasi yung mga pamatay na tingin ng mga babae saakin eh.


"Yung mga fangirls mo oh!" Bulong ko sakanya.


"Bakit sila?" Kunot noong tanong niya.


"Papatayin na ako." Natatawang sabi ko habang naglalakad pa rin kami.


"Baka sila pa mapatay ko." Sabay tawa namin dalawa. Bigla kaming tumigil sa paglalakad at tawanan nung may humarang samin

"Yow!" Bati ni Ryan. Kasama niya si Tyson at Sander na parehong nag sosoftdrinks.


"Naks! Ang aga aga tapos softdrinks." Sambit ko.


"Paunahan daw sila sa pagbutas ng sikmura." Pagbibiro ni KD tapos tumawa kaming lahat except kay Tyson.


"Tara basketball nalang oh!" Paghahamon ni Tyson kay KD.


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon