CHAPTER 119

1.7K 80 56
                                    

CHAPTER 119: ARA's DAY


ARA's POV

Minulat ko ng dahan dahan mata ko. Madilim pa rin. Napahawak ako sa inuupuan kong kahoy. Nag panic ako bigla, ngayon ko lang uli narealize na may dumukot pala sakin kaya napasigaw ako.


"TUUULOOOONG!!!!!!"


Biglang bumukas yung ilaw. Nanlaki bigla mata ko sa bumungad sakin.

"Happy Birthday To You! Happy Birthday To You! Happy Birthday Happy Birthday, Happy Birthday Ara! Surprise!!!!!"

Is this real? Weh? Nesfruta? Real na real?!

"B-birthday k-ko?" Sabay turo ko sa sarili ko. Nagtawanan naman silang lahat. Wait, ano bang date ngayon? Kinapa ko nga saglit phone ko tapos tinignan ko. OMG.


"WE KNEW IT! MAKAKALIMUTAN MO NANAMAN 'TONG SPECIAL DAY MO!" Lumapit si Sunny sakin tapos niyakap ako. Sumunod din naman si Cate. Kumawala ako sa yakap nila tapos tinaasan sila ng kilay.

"Kaya naman pala ang tapang tapang niyong pumunta dito, yun pala may plano kayo!" Now I know.

"Tara na sa labas, at may small party na inihanda kami sayo Ara." Sabi ni Tyson.

Inakbayan ako pareho nila Cate at Sunny tapos lumabas kami. Nagulat ako nang makita yung mga kasection ko nung highschool. Hala, andito silang lahat.

"Happy Birthday Ara maldita!" Bati ng lahat sakin tapos may pa cake sila.

"Hala thank you guys! Unexpected talaga to." Blinow ko yung candle sa cake tapos nagpalakpakan sila.

"Well, thanks sa mga tropa mong lalake. Sila talaga nag invite samin, hehe." Sabi ni Dave, ang malandi kong kaklase na crush yung yung apat na boys.

So pakana pala nila 'to. Im so speechless. Sa sobrang wala akong masabi e parang gusto kong guntingin yung ngala ngala ko tapos ihawin namin. Charot. Bat ang brutal ng iniisip ko!? Gash!

Party party na kahit hapon. Gumawa sila ng little bonfire tapos dun kami nag ihaw ihaw ng marshmallow. Lahat masaya, lalo na ako. Hindi ko inaasahang gagawin sakin 'to ng mga kaibigan ko. Wala talaga akong ineexpect kaya nagulat ako ng bongga. Sa section kasi namin nung highschool, close na close kaming lahat. Alam kong nayaya sila ng mga boys kasi naging kaklase din nila sa ibang subject 'tong mga to.

Nilapitan ko sila isa isa para kamustahin at kung ano ng mga ganap nila sa buhay. After ko silang maka chikahan, lumapit ako kay Cate na kumakain ng cake.

"Uy thank you ha!" Niyakap ko siya.

"Luh, ano kaba! Para sayo 'to. Happy ka naman ba?"

"Oo naman! I feel so blessed to have you, kayo. I did'nt expect this."

"Wow e english porket birthday ah. Pero seryoso, bat bat kasi nakalimutan mo 'tong espesyal na araw mo?"

"Eh alam mo naman, di ako masyadong palatanda sa mga espesyal na araw."

"Birthday mo uy! Bat sa dami ng espesyal na araw pa na di mo kayang tandaan eh yung araw pa na pinanganak ka. Abnoy ka din e."

"Ewan ko nga din e."

"Every year nalang na kami nagpapaalala sa yo na birthday mo."

"Ara Happy Birthday!" Singit ni Kayden sabay akbay kay Cate. Oh di sila na ang sweet.

"Thank you Kayden. Thankyou sa pasurprise dito sa isla, nakakatuwa lang." Napatingin ako sa langit. Napakaganda ng gabing ito, andaming bituin. Napatingin uli ako kay Kayden nung bigla siyang nagsalita.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon