Chapter 13. [Pahubad]

17.9K 385 35
                                    


.

.

.

Pagkababa ko lumapit agad ako kay KD.. magsasalita na sana ako kaso biglang pumagitna si Tyson samin.


Woaaah.

"Anong sasabihin mo?" Malamig na sambit ni Tyson.

"Ipapahawak ko lang tong relo ko sakanya." Tugon ni KD.


"Ah okay." Yung dating cold na awra ni Tyson ngayon nawala na kasi nakangiti na siya.

"So, pwedeng tumabi ka muna brad?" Pakiusap sakanya ni KD kasi nakaharang siya sakin.

"Okay." Sabay napakamot si Tyson sa ulo niya tsaka umalis na.


"Grabe yung kaibigan mong yun ah." Sambit ni KD habang inaalis yung wristwatch sa kamay niya.


"Kala ko ba close na kayo?" Eh kasi yun ang nakita ko nung magkakasama kami, nag uusap sila. Bakit mukhang na amnesia yata ang dalawang to? Hindi kaya nag untugan sila habang nag uusap?


"Hindi nga siya umiimik eh. Sila Ryan at.. at.. Salamander ba yung pangalan nung isa?"


"Wahahahahhahaha!!" Hindi ko na napigilan at natawa na ako sa harapan niya. Salamander?! Lol! Infairness, close to Sander.

"Hey! What's wrong?" Naguguluhang tanong niya.

"Sander po, hindi Salamander.. okaaay?" Pagcocorrect ko tapos napakamot siya sa ulo niya tsaka natawa.

"What the, aysh. Nakalimutan ko kasi eh, ginawa ko pang hayup tuloy yung pangalan ni Sander!" Our laugh doubled na halos wala ng bukas. Buti nalang naka recover agad kami. Binigay na niya rin yung watch niya sakin.

"Sige bigay ko nalang sayo to mamaya." Sabi ko sabay tumalikod na ako. Hahakbang na sana ako kaso biglang..

"CL!"

Yap. Tinawag niya ako, kaya nilingon ko siya.


"Bakit?" I asked with a blank expression on my face.

"Y-yung.." medyo nauutal niyang sambit, bakit kaya di masabi nitong KD na to yung sasabihin niya? Nakatingin siya sa mga mata ko tapos sa pababa.. parang sa likod ng palda ko yata?


"Ano?" Kunot noong tanong ko. Ang tagal niya eh.

"Yung a-ano.." tch, ano raw?

"Kayden tara na!" Ayan tuloy tinawag na siya.

"Okay wait!" Sigaw ni KD sakanila tapos tumingin ulit siya sakin, "CL yang zipper mo bukas. Floral pa ang design ng underwear mo ah haha!" Pagkatapos niyang sabihin yon ay tumakbo na siya papunta sa team niya tapos ako naman itong literal na nakanganga. Biglang namula nanaman itong pisngi ko. Bakit ba kasi hindi ako nagshorts ehh huhu.

Dali dali akong pumunta kila Sunny tapos pinasara ko zipper ng palda ko sa likod.

"Anong sabi sayo ni Kayden ha?" -Sunny

"Oo nga, umamin na ba?" -Ara

"Ano binigay sayo?" -Sunny


"Bat parang may something?" -Ara


"Aaaaaahh! Ang daming tanong!" Reklamo ko. Di pa kasi ako nakakaupo inintriga na ako.


"Oh ano na? Bakit ka pinapunta ni Kayden don?" Tanong ni Ara.


Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon