72.

7.7K 215 35
                                    


72.

"TYSON!!"

SH*T!

Dali dali namin siyang dinala sa may gilid at pinaupo. Pinaypayan siya nila Cate para mabigyan siya ng hangin. Lahat kami nag aalala sakanya, mas lalo na ako na alam kung bat' siya ganto. Sabi na kasing wag na siyang sasakay kung di na niya kaya eh, pero pasaway.

"Hala nahilo yata siya." Tinanggal ni Ryan yung jacket niya at ipinaypay yun kay Tyson.

"Hindi naman siya madaling mahilo ah?" Nagtatakang sabi ni Cate.

Aysh, ano bang magandang sabihin? :3

"Baka nagkataon lang." Sabi ko. Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. Okay pa naman yung sinakyan naming extreme pero etong roller coaster babaliktad talaga utak mo neto eh, haysss..

Ilang saglit pa ay natuwa kami nung unti unting minulat ni Tyson yung mga mata niya. Nagulat siya nung makita kaming nakapalibot sakanya.

"Anong nangyari?!" Natatarantang tanong nito.

"Nahimatay ka bro, okay kana ba?." Sabi ni Paulo.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong rin ni Cate.

"Oh tubig." Inabot ni Kayden yung kabibili niya lang na tubig kay Tyson.

Hindi niya alam kung sinong titignan niya pero bigla siyang tumingin sakin at umiling ako. Agad siyang tumayo na parang walang nangyari at ngumiti. "Ohsya, san ang next?" Masiglang tanong niya. I know he's not yet okay, but he is showing he's okay infront of us para lang di kami mag alala.

"Umupo ka nga tukmol! Di kapa okay!" Suway sakanya ni Kayden at pinaupo ito.

"Oo nga, pahinga ka muna." Sabat naman ni Ryan.

"Okay nga lang ako." Akmang tatayo na sana uli siya kaso pinigilan siya ni Ara.

"Wag ka ngang pasaway Tyson, pahinga ka muna, okay?"

"Okay." Wala na siyang nagawa. Pinandilatan ko rin kasi siya eh.

KAYDEN's POV

Looks like there something wrong. Hindi ko alam kung bat ganto ako kung mag alala. It's like we're connected to each other. Feeling ko he's hiding something, pero kung meron man dapat sinabi na niya, or maybe Im just overthinking lang.

Time check:

6:37 PM

Nung medyo okay na si tukmol ay nagpaalam kami ni Cate na pupunta lang sa may souveneir shop. Ibibili ko kasi ng teddy bear tong mahal ko, gusto ko yung malaki kaya dun kami banda sa mag shu-shoot ng bola at ang prize ay yung malaking teddy bear.

"Go Mahal!" Cheer niya sakin. Binigyan niya muna ako ng kiss sa cheeks bago ako nagsimulang magshoot. Ginanahan tuloy ako, hehe.

--

--

"Here's your prize sir, congrats!"

Oh yea, I got the prize! Galing diba? Syempre asa likuran ko lang yung inspiration ko.

"Galing naman ng Mahal ko!" Niyakap niya ako.

"Nagustuhan mo ba?" Nakangiting tanong ko habang pinipisil yung pisngi ng teddy bear.

"Oo naman nagustuhan ko, pinaghirapab mo eh" pinaghirapan raw eh hopia mani popcorn lang yun sakin- what I mean is madali lang. "Pero may mas gusto pa ako mahal." Dagdag niya.

"Ano yun? Ituro mo sakin para makuha ko." Tumingin ako sa buong paligid para mahanap yung gusto niya.

"Hindi mahal."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon