105.

5.3K 142 59
                                    

105. Gusto ...


Ara's POV

Tagal naman ni Sander! Kanina pa'ko dito sa may entrance gate na nag aantay sakanya pero wala pa rin yung batang yun. Hindi kaya inindian niya ako? Baka naman nagbasketball na yun? San naman kaya yon nagpunta? Egh, nanunuyo na lalamunan ko.

Usapan kasi namin dito ko nalang siya antayin sa E Gate kesa sa parking lot. Ayoko na kasing maglakad pa papunta don, ang init kaya. Baka mamaya masira pa tong precious skin ko. Tsaka ako naman talaga pumilit sakanyang samahan ako magpunta sa mall eh, bibili ako ng mga chichirya para sa snack ko mamayang gabi. Si Sunny kasi kasama yung Niko na yun kaya hindi ko siya mayaya. Si Cate naman, wala rin. So ako lang mag-isa. Buti nga't walang practice today sina Sander at Ryan. Si Ryan nga pala maagang umuwi, nagtext kasi mama niya na nagluto raw ng sinigang. Ayun, takam na takam yung bwakag na Ryan na yon kaya nagmadaling umuwi para lang sa sinigang na yan.

*beep beep*

"Hay sawakas." Singhal ko nang makita ang pulang kotse ni Sander sa tapat ko. Binuksan niya yung bintana tapos tinanguhan ako. That means pumasok na raw ako sa loob. "Oo na anjan na!" Nagmadali akong sumakay sa sasakyan niya. Napakagentledog talaga neto sakin, hindi man lang ako pagbuksan ng pinto. -__- Pero pag si Sunny, todo alalay. Ang sama.

"Saang mall tayo?"

"Ikaw bahala. Basta may grocery store, okay na."

"Okay."

Ano bang nangyayari sa Sander na to. Wala man lang karea reaksyon yung mukha. Hindi ba pwedeng mag smile siya kahit slight lang? Hay naku.

"Hoy bat ang tahimik mo? Kausapin mo naman ako!" Pagbabasag ko ng katahimikan.

Irita naman niya akong nilingon. "Ang ingay mo eh noh?"

"Bat' ba kasi ang tahimik mo? Parang nakapasan ka ng sampung bato ah."

"May nalaman kasi ako." Biglang kumunot yung noo ko. Nalaman? Siguro grabe yung nalaman niya kaya ganyan yung mukha niya. Sana sabihin niya sakin.

"Ano naman?"

"Wag na, baka mabigla kapa." Tinaasan ko siya ng kilay. Baka nalaman niyang may pigsa ako sa pwet? Oh no! Ah teka.. wala pala akong pigsa sa pwet. O baka naman nalaman niyang.. may nunal si Sunny si singit? waaah! Wag naman sana huhu.

"Ano nga kase yon? Nacucurious tuloy ako."

"Tsk, wag mo ng alamin." Seryoso lang siyang nakatingin sa minamaneho niya. Hay nako, pano ko ba siya mapipilit?

"Sige na kasi. Kung ano man yang nalaman mo, promise di ko sasabihin sa iba."

"Ikaw pa ba?" Natawa siya. What's funny?!

"Anong ako pa ba na pinagsasasabi mo?"

"Im sure ipagkakalat mo sa iba."

"Oror ka talaga. Pano ka naman nakakasigurado ha? Tsaka mapagkakatiwalaan ako nuh! Madaldal lang ako pero pag sikretong malupit na, hindi ko talaga pinagkakalat."

"Suus."

"Bwisit ka. Ano na kase? Pinapatagal mo pa eh."

"Oo na sasabihin na.. eto na nga oh.. excited much?!"

"Baliw, ano na?"

"Nalaman kong..." bigla niyang tinigil yung sasakyan niya sa may gilid tapos tinignan ako sa mga mata ko. Medyo kinabahan ako. "Nalaman kong ... cute ako." Nginitian niya ako tapos sabay na napapalo sa manibela niya kakatawa. Ako naman nakatulala lang. Di ko namamalayang pinaandar na niya uli yung sasakyan niya.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon