Chapter 117

2.5K 79 22
                                    


KAYDEN's POV

It's Saturday, and I dont know what to do and where to go. Si CL naman sinabing matutulog siya buong maghapon. Susurprise ko sana kaso sige, hayaan ko muna siyang matulog. Mukhang napuyat kagabi eh kakahawak ko sa legs niya, pfft.

"Skye, tara basketball tayo." Tanong ni Kuya Keanne. Nandito kami ngayon sa garden at pinapanood si Liyan maglaro sa dollhouse niya.

"Medyo tinatamad ako." Wrong timing amputa. Kita niyang sabog ako dito tapos yayayain ako? Napuyat rin kaya ako kakabantay kay CL matulog. 

"Himala, ngayin ka lang tinamad."

"Well that's life bro. Maghanap ka nalang ng kalaro mo."

"Ayaw mo ba talaga?"

"Ayaw ko nga, tinatamad ako."

"Sila Reynan at Ryan kalaro natin, asa court na sila."

"HUH? Seryoso?"

"Mukha bang joke tong mukha ko?"

"Sige, papalit lang ako pang ballers."

Kumaripas na ako ng takbo papuntang kwarto para magpalit. Nung malaman kong sila Kuya Reynan at Ryan makakalaro ehg bigla nalang akong ginanahan. 

Lumabas na nga kami ni Kuya at nagpunta na sa may court. Naabutan namin sila Ryan at Kuya Reynan na nag wawarm up dun pati na rin ibang player. Nagstart ba rin kaming maglaro. Habang naglalaro kami parami ng parami yung nanunood.

"Taena Pareng Kayden, ang gwapo ko talaga." bulong sakin ni Ryan nung nag fifree throw yung kasama namin.

"Gago, hahaha." natawang sabi ko. Nakita ko siya kinakawayan yung grupo ng mga kababaihan sa gilid. Lakas talaga nitong Ryan na to, haha!


Natapos na rin yung game. Naupo muna kami sa may gilid para magpahinga. Sobrang tagaktak yung pawis namin ngayon. Si Kuya kausap si Kuya Reynan dun sa may gilid. Ako naman katabi ngayon si Ryan na kumakain ng hamburger. Taena, nagbaon yata.


"Gusto mo Kayden? Kanina ka pa tingin ng tingin eh." alok nito. 

"Natatawa lang ako kaya ako tingin ng tingin." 

"Sus kunwari kapa. Kada tingin mo napapalunok ka eh."

"Luh, di ako gutom. HAHA!" ang gago netu, haha.

"Kayden naman, wag ka ng mahiya. Wala naman dito si Cate eh, di yun magagalit kung kakagat ka dito sa burger. Oh kagat."

"Adik ka, haha. Sige na nga." Kumagat na nga ako. Kulit eh, pft.

"Hi."

Napalingon kami dun sa nagsalita at may dalawang babae ngayon sa harapan namin.  Sino sila?

"Hello." bati ni Ryan.

"Eto oh tubig, mukhang ubos na kasi tubig niyo." sabi nung babaeng mahaba ang buhok at masasabi kong maganda. 

"No thanks." sagot ko. Tutal di naman na ako nauuhaw. Siniko naman ako ni Ryan at parang sinasabi niyang tanggapin ko nalang raw pero humindi pa rin ako.

"Ah sorry, di namin matatanggap. Sa ibang player niyo nalang ibigay, hehe." sabi ni Ryan. Nakuha ko siya sa tingin, haha.

"Para sainyo talaga to." sabi nung isa naman na maikli ang buhok. Di ko alam kung pano sila idescribe kaya sa buhok nalang tutal magkaiba sila ng haba ng buhok. 

"Oo nga naman, tanggapin niyo na please." biglang tumabi sakin yung mahaba ang buhok pero agad naman akong lumayo ng kaunti at pinausog pa si Ryan.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon