Chapter 2 [Ang bango]

26K 548 7
                                    


2.

<CATE's POV>

Asa English subject ako ngayon at inaantay yung instructor namin. Maaga akong pumasok, mga 10 am andito na ako sa room kaya may 30 minutes pa. Naiwan ko naman dun si Kayden kasi mamaya pa yung class niya. Habang nakatulala ako ay nabigla ako nang may kumalabit sakin ng pagkalakas lakas.


"Caitlin!! Nakita mo na ba yung usap usapan na gwapong fafa dito sa school?" Bungad sakin ni Ara, ang kaibigan ko. Ngayon lang kasi siya pumasok dahil absent siya kahapon.

"Ah oo." Ngumiti ako. Nakita ko namang nag sparkle yung mata niya, mahilig pa naman yan sa gwapo.

"Oh talaga?! Owmygesh!!" Grabe yung kilig niya, parang mag eexorcist na siya.


Hindi ko muna sasabihin na sa iisang bahay lang kami ni Kayden hihi.


"Grabe ang hot niya kung alam mo lang!" Sambit ko habang nakangisi sa kawalan. Hays naalala ko nanaman siya, ang swerte ko naman. :')

"Awww! Gusto ko yun! Alam mo ba kung anong name niya?" Kinikilig na tanong niya.

"Uhm oo, Kayden daw."

"Kyaaaaaaah!! Ang gwapo ng pangalan!"

"Oo, tapos balita ko 12 daw pasok niya mamaya."

"Really?! Sige abangan natin mamaya!"



Natatawa ako sa isipan ko ngayon, grabe dito sa room kala ko kami lang ni Ara yung nag uusap about sakanya, yun pala pati yung iba naming mga kaklase siya rin ang pinag uusapan.

Tapos na ang isang subject at 12 pm na, malamang andito na ngayon sa school si Kayden.



"Caitlin, saan yung room nila? Alam mo ba? Makita ko lang kasi yun okay na ako eh." Nakakapit sa braso ko si Ara ngayon , yung tipong pilit niya akong pinupunta sa way na kung saan yung classroom ni Kayden.

"Sa 3rd floor ang alam ko eh, tara?" Niyaya ko naman siya tapos pagdating namin ng 3rd floor nakita naming nagkukumpulan yung mga babae sa corridor. Anong meron sa tapat ng isang room? Daan sila ng daan tapos may tinitignan sila.

"Caitlin baka nandun siya oh!" Tinuro naman ni Ara yung direksyon na maraming tao tapos biglang tumakbo papunta don at iniwan ako.

"Aysh." Napa facepalm nalang ako at sinundan nalang siya.


Pagdating ko sa tapat ng room na yun ay bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Kaya pala maraming babae dito kasi dito ang room ni Kayden. Wait, may mga kaibigan na siya agad? Wow.

Patago lang namin siya tinitignan mula sa glass na pintuan. Muntik na akong mapaatras nung tumingin siya sa direksyon ko at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, nginitian niya ako at kinawayan. Halos mangisay na ako sa kilig dito... narinig ko naman yung mga babae sa likod ko na kinikilig.



"Kyaaa!Look girls,kinawayan niya ako!" -Girl 1

"Ikaw? Eh ako yung kinawayan niya! "-Girl 2

"Duuuh! Kitang kita naman na ako!"-Girl 3

"No? Ako yun, nginitian niya nga ako eh.. hays stop assume assume!" -Girl 4



Grabe tong mga to, gusto kong sabihing 'AKO YUNG KINAWAYAN AT KININDATAN NIYA KAYA ITIGIL NIYO NA YAN' Kaso wala pa akong lakas ng loob makipagsagutan sa mga tulad nila.


"Caitlin totoo nga." Tumingin naman ako kay Ara na literal na nakanganga.

"Punasan mo nga yan, kadiri!" Tumutulo ba naman laway niya.

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon