93. SHE's HERE 👤
"Life is like a disco floor. The music will change, but you just keep on dancing."
CATE's POV
"May problema ba? Bat' parang you're in pain?" Nag-aalalang tanong ko. Bigla kasi siyang napahawak sa ulo niya. Pansin kong madalas na niya tong ginagawa, para bang may pinipigilan siyang kung ano mang sakit.
"Wala to nuh." Hindi ko makita yung mukha niya ngayon dahil yakap niya ako. Patuloy pa rin ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Ilang saglit pa ay inalis na niya yung yakap niya sakin. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako papuntang ewan. Napadpad kami sa isang waiting shed at dito muna nagstay habang malakas pa ang ulan. Tumingin ako sakanya na nakayakap sa sarili.
"Uy okay ka lang? Nilalamig ka yata?" Nag-aalalang tanong ko. Tinanggal ko yung jacket na nakapatong sakin at ibinigay ito sakanya.
"O-okay lang ako Cate." Nanginginig niyang sabi at ipinatong uli sakin yung jacket niya. Mukhang mas kailangan niya nga 'to eh, pero kahit ilang beses ko namang ibalik sakanya tong jacket niya, ibibigay at ibibigay niya parin to sakin.
"Hindi ko kasalanan pag nagkasakit ka ha. Bahala ka jan Mac Tyson Fernandez." Pag medyo naiinis talaga ako nababanggit ko yung buong pangalan niya.
"Bahala talaga ako kaya iiwan na kita ngayon din, bye Caitlin Pollard." Ano to joke o seryoso? Biglang nagkasalubong yung kilay ko nung makita siyang unti unting humahakbang.
*whooosh!*
Pinigilan ko agad siya.
"Uyyy san ka pupunta? Grabe ka naman!" Para akong bata na nakakapit ngayon sa braso niya. Bat' niya ako iiwan? Ang sama niya, huhu.
"Hahaha! Pinapatawa lang kita." Pinapatawa raw eh pinakaba niya nga ako. >,< Tsaka siya naman tong natawa sa ginawa niya eh, nuh kaya yun? Amp.
"Lakas ng trip mo." Sa sobrang lakas pati ulan mas lalong lumalakas.
"Ayst kainis. Sana tumigil na tong bwisit na ulan na to, gusto ko ng magbihis."
Pinakinggan yata ni Lord yung dasal niya kaya unti unting humihina yung ulan.
"Lakas mo naman pala kay Lord. Tignan mo oh wala ng ulan."
"Oo nakikita ko, may mata ako eh." Sarcastic niyang sagot. Grabe siya, nakakailang puntos na siya sakin ngayong araw na to. 😤
"Kung may cactus lang dito baka hinampas na kita." Biro ko sakanya.
"Buti na nga lang at walang cactus, pfftt." Nagpipigil siya sa tawa. Okay, inaasar niya ako mga kababayan. Tara jombagin na natin tong lalake na to. 😎
"Buti nalang may kutsilyo tong nailcutter na dala ko. Mas mabuti sigurong ilabas ko to para maga---- aayyy anak ng butete!" Bigla ba naman niya akong hinatak! Nagsasalita ako eh! Bastos na bata! >,< Baka siguro takot siyang ilabas ko yung nailcutter na may kutsilyo? wahaha!
"Samantalahin n--"
"Ano?!" Bigla akong napatigil at ganun rin siya. "Anong samantalahin? San mo'ko pagsasamantalahan?" Natatarantang tanong ko. Binibiro ko lang naman siya about dun sa nailcutter ko eh. Bat mauuwi pa sa ganto? T.T
![](https://img.wattpad.com/cover/69217647-288-k908424.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)
Ficción históricaGrabe, balitang balita kanina sa school yung bagong transferee na lalake na nagmula sa korea. Wala akong ibang marinig kundi 'he's so damn hot!' sa mga bunganga nila. Hindi ko nga siya kasection pero napapadaan ako sa room nila kaya nakikita ko at...