99.

7.1K 181 55
                                    


99. Celebration 🎉


"Things may go wrong but life goes on."



[TYSON's POV]


"You are the long lost brother of Kayden."


You are the long lost brother of Kayden.

You are the long lost brother of Kayden.

You are the long lost brother of Kayden.

You are the long lost brother of Kayden.



Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Para akong nabagsakan ng malaking bato. Hindi ko alam kung totoo tong naririnig ko o isa lang ba tong panaginip. Magkapatid ba talaga kami ni Ugok? Totoo bang ang kaharap ko ngayon ay ang tunay kong mama? Ang hirap maniwala.



"Mom, ano bang sinasabi mo?" Pati si ugok mukhang hindi makapaniwala.

"Fraternal twins kayo. Kapatid mo siya, Kayden."



Tumayo ako at inagaw ko yung litrato ko sakanya. "B-baka hindi po ako yun? Imposible po yung sinasabi niyo tita. Tsaka magkamukha lang po kami ng anak niyo nung baby. Marami naman pong magkakamukha nung baby pa sila diba? Nagkakamali po kayo.. hindi po ako yun." Hindi talaga.. imposible.


"Ikaw talaga yun, maniw-"


"Sige po aalis na ako. Nice meeting you po." Pinilit ko siyang ngitihan. Napatingin naman ako kay ugok na blanko lang ang expression ng mukha. "Bro, alis na ako. Magkita nalang tayo bukas." Tinapik ko yung braso niya at naglakad na ako palabas.



Pagkarating ko sa baba, napasandal agad ako sa may pader. Unti unting tumulo yung mga luhang kanina pang gustong pumatak. Kaya ba ganun nalang kakaiba yung naramdaman ko nung nakita ko siya? Kung totoo mang anak niya ako.. bat ako nawala sa kanila? Panong nangyaring napunta ako kila Mama na tumanggap sakin ngayon? Hindi ako naniniwalang hinahanap nila ako. Ayoko ng ganto... hindi to totoo.

Pagkarating ko ng bahay naabutan ko sila Mama at Papa na asa sala at may ginagawang paperworks. Dideretso sana ako sa taas kaso umatras ako at lumapit sakanila. Matagal ko ng gustong magtanong sakanila. Gusto kong itanong kung pano nga ba talaga ako napunta sakanila. Sabi nila dati, wag na namin yun pag-usapan. Ang mahalaga raw masaya kami. Pero pano ako mapapanatag kung hindi ako magtatanong?

"Ma.." nilingon niya ako at nginitian.

"Yes son?" Tumayo siya at niyakap ako. "Are you okay? Nainom mo na ba yung gamot mo? San ka galing?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ma.. k-kilala niyo po ba yung mga tunay kong magulang?" Pagkatanong ko nun biglang nahulog ni papa yung hawak niyang mug. Nagulat kami pareho ni mama.

"Inaantok kana ba? I think you need to rest na son." Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

"Matulog kana Mac." Tumingin ako kay Daddy na nakatingin na ngayon sa kawalan. Yumuko naman ako para kuhanin yung mga basag basag na piraso ng mug na nahulog niya.

"Hindi pa po ako inaantok. Gusto ko lang po kayong kausapin about sa tunay kong mga mag-"

"NAPAG USAPAN NA NATIN TO HINDI BA?!" nagulat ako sa sigaw na yun ni Papa kaya nasugat ako bigla pagkadampot ko sa isang bubog. Sa tagal na naming magkasama, ngayon niya lang ako nasigawan ng ganto.

"Sshh, Fred. Wag mo namang sigawan yung anak mo." Suway ni Mama sakanya. Biglang tumayo si Papa at pinatayo ako.

"Wag mo ng asikasuhin yan, nasugat ka tuloy." Hinawakan niya yung kamay ko at pinunasan yung sugat ko gamit yung face towel niya. "Matulog kana anak, maaga kapa bukas. Patawarin mo ako kung nasigawan kita, masakit lang ulo ko."

Ang Manyak Kong Boyfriend (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon