Chapter 6
~Clark's POV~
Almost months already pass, at yung set up namin ni Seira tuwing lunch break lang kami nagkikita dahil may practice siya tuwing uwian at weekend. Niyaya niya akong manood pero nagdadahilan na lang ako. Isa ito paraan para magsawa o madissapoint siya sa akin pero mukhang di tumatalab sa kanya. Medyo busy na rin kami dahil malapit na ang graduation namin at ngayon ay kakatapos lang ng final exam namin.
"Sa wakas tapos na ang exam. Graduation na ang sunod." Sigaw ni Alex nung nakalabas na yung proctor namin.
"Loko di mo pa alam kung pasado ka nga." Sabi ni Vic sa kanya.
"Ah basta graduation na ang iisipin ko." Sagot ni Alex.
"Oh Patrick bakit tahimik ka diyan?" Tanong ko kasi pansin ko di siya kumikibo.
"Iniisip ko lang after ng graduation. Kinausap ako ng parents ko at sinabi nila na mag-iistay na kami sa Spain." Malungkot na saad niya.
"Teka pre bakit biglaan." Sabi ko.
"Ewan ko ba sa pamilya namin, pati sila Val sa Spain na rin titira." Nanghalumbaba siya sa mesa niya.
"Teka pati si Valerie!?" Napatayo si Dave at hinarap si Patrick.
"Oo pati sila Val. Sa Spain na rin siya mag-aaral ng college at mag-eenroll na siya. Lilipad sila papuntamg Spain after ng dance competition nila." Paliwanag ni Patrick.
"Paano yung graduation?" Tanong ni Dave.
"Di na siya makakaattend." sagot ni Patrick.Na upo ulit si Dave at parang pinagsakloban ng langit at lupa ang itsura niya. Di na muna namin pinakielam sa pag-eemo niya alam ko maya-maya magiging ok na rin siya.
"Guyz" tawag ko sa kanila, kaya napatingin sila sa akin well except kay Dave na nagmumukmok.
"Bakit Clark ano problema?" Tanong ni Alex.
"Yung ginagawa ko kay Seira ay di epektibo." Sabi ko.
"Ano ba yung mga ginagawa mo para mainis si Seira?" Tanong ni Vic.
"Di ko pinupuntuhan yung practice nila, nagpapaka-ungentlemen ako, nung valentines day wala akong binigay sa kanya ang dahilan ko di ako mahilig magbiay ng bulaklak at ng tsokolate. Pero mukhang di naman siya nagalit sa akin at ang sinabi na iintindihan naman daw niya yun." Paliwanag ko.
"Naku mahirap nga yan pre. Paano mo nga madidissapoint si Seira kung lagi ka niya uunuwain." Saad ni Alex.
"Di ko din alam, gusto ko ng makasama si Nicole. Alam ko tuwing weekend at lagi lang kami sa bahay nagkakasama dahil di naman kami pwede magkita sa labas dahil baka may makakita." Pinatong ko ang dalawang siko ko at pinagsaklop ang mga kamay ko habang nasa harap ng bibig ko.
"May naisip ako pre, kung yayain mo siyang magdate." Saad ni Vic sa akin.
"Ano ka ba pre lalo lang magiging attach si Seira sa kanya." Tugon naman ni Alex.
"Patapusin ninyo muna kasi ako nuh." Saad niya kaya kaming tatlo ay napatuon kami sa kanya "ganito ang plano, yayain mo magdate si Seira tapos wag mong siputin sabihin mo nakalimutan mo na may lakad kayo. Tapos di ba inimbitihan ka niya na manuod sa championship nila wag ka na lang pumunta para lalo siyang madismaya." Pagpapaliwanag ni Vic.
"Pre parang sobra naman yan. Mag-iintay yung tao." Pagtutol ni Patrick.
"Tingin ko di naman mag-iintay si Seira ng matagal, mukhang mainipin naman siya at yun lang ang paraan para madissapoint siya kay Clark nuh." Saad ni Vic.
"Eh kung maghintay siya dun?" Tanong ni Patrick.
"Trust me pre ang mga babae ay maiinipin yan tapos kapag di na sila komportable sa isang lugar ay aalis na rin iyon. Kaya Clark pili ka ng lugar kung saan medyo mainit para alam natin na aalis din siya kapag di na siya komportable, sakto medyo mainit na ang panahon." Saad niya nung humarap siya sa akin.Inisip ko yung plano at tama nga siya di kaya ng mga babaeng magtiis sa isang lugar kung saan di siya komportable. Si mommy at Nicole nga nung nasa pool side kami ay di nakatiis na di pumasok sa loob ng bahay, wala pang sampong minuto yun kaya sigurado akong ganun din ang gagawin ni Seira. Nung lunch break ay nagkita kami ni Seira sumabay siya kasama si Val sa amin.
"Hi Val, first time mo atang sumabay sa amin." Ngiting saad ni Vic.
"Bakit masamang sumabay?" Mataray na saad ni Val.
"Wow pre ang sungit ng pinsan mo." Sabi ni Vic sabay baling kay Patrick.
"Normal na masungit yan nuh." Nakangiting saad ni Patrick habang nakaharap sa pinsan niya.
"Tsk..." yan na lang ang sabi ni Val.
"Oi Dave bakit tahimik ka?" Tanong ni Seira kay Dave.
"Naku Seira umurong ang dila niyan." Si Alex ang sumagot kay Seira.
"Huh?" Takhang tanong niya.
"Seira aalis pala ako, wala naman tayong practice mamaya at sa susunod na mga araw dahil kaylangan natin pagpasa ng mga requirments, mga one week din akong wala." Pukaw ni Val kay Seira.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya dito.
"Pupunta akong Spain pero babalik din ako bago ang competition. " saad nito
"Teka ano gagawin mo sa Spain?" Tanong ni Patrick
"Hahanap ng bahay, gusto kong sumama kila mama sa pagpili ng bahay dun." Sagot ni Val sabay subo ng sandwich niya "pero sa araw ng competition aalis kami agad pabalik sa Spain para puntahan ang mga ibang kamag-anak namin" dugtong pa nito.
"Ay sayang di ka makakasama sa celebration natin." Sabi ni Seira kay Val.
"Wow confident ka Seira. " komento ni Vic.
"Oo naman may tiwala ako sa mga kasama ko at isa pa manunuod si Clark sa akin kaya gagalingan ko." Saad nito sabay ngiti sa akin. Napatingin ako kah Vic at nakatingin siya sa akin at alam ko ang tingin na yun. Sinasabi niya na pagkakataon na namin yun.
"Teka paano naman yug mga requirments mo?" Tanong ni Seira kay Val.
"Clear na ako, kinausap ko na yung mga teacher natin at napasa ko na lahat ng requirments ko." Nagsign si Val clear sign.
"Daya dapat sumabay na ako sayo." Komento ni Seira.
"Seira" pukaw ko sa kanya, nakikipag-usap na kasi si Val kay Patrick.
"Ano yun?" Nakangiting baling sa akin ni Seira.
"Yayain sana kita bukas na lumabas." Papakamot ako sa pisngi ko gamit ang hintuturo ko.
"Magdadate tayo?" Masayang tanong niya.
"Parang ganon na nga." Sagot ko.
"Sige, wala naman akong gagawin bukas." Nakangiti at halata na excited siya sa lakad bukas.
"Ok kita tayo bukas sa ****** park mga 10am." Saad ko.
"Ok, txt na lang tayo kung anong sino man ang unang dumating bukas." Masayang nagtipa siya sa cellphone niya. Di ko alam kung ano ang tinayype niya mukhang may sinesearch ata siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/67017402-288-k951165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...