Chapter 39

1.1K 33 0
                                    

Chapter 39

~ Clark's POV ~

It's Monday today at balik na kami sa trabaho at tulad ng sinabi ni Seira ay ngayon ang balik niya sa opisina. Mabuti na lang ang mga emplayado namin ay di na pinag-uusapan ang nang yari, siguro kung mag-uusap sila ay sinisigurado nila na di namin ito maririnig. Ngayon nagtitipon kami dito sa conference room, nandito si Dad at ang mga kasapi ng board, pati din si Emilio Valentura ay narito din. Nandito din si Seira at Blake dahil pag-uusapan ang nangyari.

"Ms. Vallioso we really sorry on what happened." Tumayo si Dad at sinserong humingi ng tawad.
"You don't need to apologies Mr. Trinidad, it's not your fault after all." Seryosong tiningnan ni Seira si Dad at ang miyembro ng board.
"Just let us apologies." Yumuko si Dad at ganun din ang ginawa ng iba.
"Ms. Vallioso I'm really sorry on what my son did." Lumapit si Sir Emilio, ang ama ni Mark. Yumuko ito kay Seira at halata ang pagkahiya sa nang yari.
"Mr. Valentura I will not accept your apology because your son who did this crime. And if you really feel sorry on what happened just let the justice punish him. I will not stop you on helping him in legal terms but don't ever make anything illegal behind my back that make your son free." Seryosong saad ni Seira.
"Expect our cooperation Ms. Vallioso." Kita sa mukha ni Sir Emilio na tutuparin niya ang sinabi ni Seira.

Umalis na si Seira pati ang mga board members, bumalik na rin ako sa opisina ko. Mabilis ang oras dahil sa sobrang busy namin. Nagkaroon ako ng meeting kay Sky Steven de Guzman isang sikat na engineer at nagmamay-ari ng D.G construction. Pinag-usapan namin yung hotel na pinapatayo namin pati ang mga restaurant na bubuksan namin nila Dave.

"I think ok naman lahat at kakayanin ang deadline." Saad ni Steven.
"Buti naman kung ganun siguradong matutuwa si Dad pagnalaman niya na ok ang lahat." Kinuha ko ang tasa na naglalaman ng kape sabay higop.
"Kung ganun mauuna na akong umalis Clark." Saad niya sabay tayo.
"Ganun ba yayain sana kitang maglunch dahil halos tanghalian na rin." Nilapag ko yug tasa sa mesa.
"Naku pasensya na may pupuntahan kasi ako." Saad niya at kita kong tiningnan niya ang relos niya.
"Mukhang importante nga yan." Tumayo na ako at sabay na kaming naglakad palabas ng coffee shop.
"Oo importante." Nakita ko siyang ngumiti.
"Babae ba yan." Biro ko at kita kong napakamot siya ng ulo.
"Oo" sagot niya. Napangiti ako sa reaksyon niya nung sumagot siya. Mukhang mahal na mahal niya ang babaeng tinutukoy niya.

Habang nagmamaneho ako ay di ko maiwas maisip at mainggit sa ibang taong masaya ngayon kasama ang taong mahal nila. Iniisip kong napakaswerte nila dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na iparamdam at nasuklian ang kanilang nararamdaman. Naputol ang pag-iisip ko ng makatanggap ako ng tawag. Sinuot ko ang bluetooth earphone ko at sinagot ko ang tawag.

"Hello" tiningnan ko ang side mirror ko kung may nakasunod sa aking sasakyan sa likod.
"Son" sagot naman ng kabilang linya at alam kong si Dad ito.
"Bakit Dad?" Lumiko ako para mag-u-turn.
"Gusto ko lang sabihan kang magdidinner tayo mamaya. Gusto ng mommy mong magfamily dinner." Imporma niya.
"Sige Dad pupunta po ako mamaya diyan." Kompirma ko, siguro na miss ako ni mom kaya nag-aya ng family dinner.
"Sige mag-iingat ka, kita na lang tayo mamaya."
"Sige po dad." Binaba na niya ang tawag at ako naman ay binalik ang tingin ko sa daan.

Pagdating ko sa opisina ay tinapos ko na lang ang ilang trabaho para makauwi. Pagdating ko sa bahay ay nadatnan ko ang aking ina na abala sa paghahanda ng hapunan.

"Mom" tawag ko sa kanya.
"Anak ang aga mo naman ngayon." Lingon niya sabay lapag ng kutsilyong gamit niya. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi.
"Maaga ko pong natapos ang mga ginagawa ko po. Si Dad mamaya pa po siya makakauwi dahil may meeting pa po siya ngayon." Imporma ko sa kanya.
"Ganun ba, sige magpahinga ka muna tatawagin na lang kita pagkakain na." Tinulak ako ni Mom palabas ng kusina.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon