Chapter 49
~ Clark's POV ~
Wala siyang sinagot sa pagsusumamo ko, di ko alam kung masasaktan o matutuwa ako. Nasasaktan ako dahil alam ko ang maaari niyang isagot pero masaya ako dahil di niya ito isinatinig. Ngayon ay ikalawang araw namin dito sa Caramoan, nakahiga pa ako sa kama dahil medyo inaantok pa ako at iniisip ko ang mga nang yari kagabi. Lumipas ang ilang minuto napagdesisyonan ko ng bumangon para magluto, gusto kong pagsilbihan si Seira kaya ito ang gagawin ko. Nagsuot ako ng tshirt at sweatpans lang ako dahil dito ako kumportable. Paglabas ko ay may na amoy na ako at nung pumunta ako sa kusina ay nakita ko si Seira na nakaharap sa kalan. Mukhang di niya narinig ang pagpunta ko dito kaya di pa siya lumilingon. Patagilid akong sumandal sa hamba ng pinto at pinagmasdan ko lang siya. Alam kong nasa delikadong sitwasyon si Seira kaya kami nandito pero di ko maiwasan na matuwa dahil may pagkakataon akong makasama siya at pakiramdam ko isa kaming pamilya dito.
"Gising ka na pala." Napabalik ako sa wisyo ko nung lumingon si Seira.
"Ah oo" umayos ako ng tayo. "By the way good morning." Dugtong kong bati.
"Good morning din. Sandali na lang itong niluluto ko." Sinandok niya yung itlog na niluluto niya. Habang nagluluto siya ay pumunta ako sa banyo. Iisa lang kasi ang banyo dito at malapit lang ito sa kusina. Naghilamos at nagtoothbrush ako, nang lumabas ako ay nakita kong naka-ayos na pala ang mga pagkain kaya umupo na ako.
"Nasan sila Sarah?" Tanong ko habang iniikot ang mga mata ko.
"Pumunta sila sa may rentahan ng bangka, plano ko kasing libutin ang mga isla dito sa Caramoan. Gusto ko sanang magrelax kahit papaano." Tiningnan ko siya at kita kong nakatingin siya sa akin, na parang nagpapaalam kung papayagan ko siya.
"Tingin ko walang problema dun." Saad ko sabay ngiti. Nasa ganun kaming sitwasyon ng dumating si Tristan. Umupo siya sa tabi ng mama niya at agad naman inasikaso ito ni Seira.Matapos kumain ay nag-ayos sina Seira at Tristan, ako naman ay nagpalit ng khaki shorts. Matapos mag-ayos ay nagpunta kami agad sa rentahan ng bangka, medyo malayo sa aming tinitirhan ito. Yung bahay kasi namin ay malayo sa ibang bahay, yung tinitirhan nila Sarah ay bahay ng lola ni manang tapos yung bahay na tinitirhan namin ay kila manang mismo. Buti medyo malayo kami dahil agad namin mapapansin kung may mga kahinahinalang taong nagmamasid sa amin. Pagdating namin sa lugar kung saan kami pwede magrenta ng bangka ay inikot ko ang paningin ko. Maraming nakatingin sa amin dahil mga bagong salta kami dito, yung mga babaeng natatamaan ng aking paningin ay naghihighitan at yung mga lalaki naman ay sinusundan ng tingin si Seira na ngayon ay magkahawak ang kamay nila ni Tristan.
"Magandang umaga po Mang Tonyo." Bati ni Sarah dun sa lalaki.
"Oh ikaw pala hija, magandang umaga din." Tumingin sa amin yung si Mang Tonyo at binigyan kami ng maliwalas na ngiti. "Kayo lang ba ang mamasyal sa mga isla?" Tanong niya.
"Opo, ito po pala si Sanya." Turo kay Seira, "Cloud" turo sa akin, "at Timmy" turo naman kay Tristan. Nakita kong sumimangot si Tristan dahil ayaw niya dun sa pangalan na binigay sa kanya. Pumayag kaming ibang pangalan ang gamitin namin para di kami agad makilala at matuntun.
"Ako pala si Tonyo isa sa may ari ng mga bangka dito, kinagagalak ko kayong makilala." Ngiting pagbati niya. "Teka mag-asawa ba kayo?" Nagulat ako sa tinanong niya, tumingin siya sa akin at kay Seira. Di ko alam ang isasagot ko dahil di namin ito napag-usapan. Tumingin ako kay Seira na parang nag-iisip, na isip kong sagutin na si Mang Tonyo dahil baka isipin ni Seira na gusto kong magpanggap na mag-asawa kami. Ibubuka ko na sana yung bibig ko kaso inunahan na ako ni Seira.
"Opo mag-asawa po kami." Gulat akong napatingin sa kanya gayun din si Tristan.
"Ganun ba, alam ninyo bagay na bagay kayo." Ngiting saad ni Mang Tonyo.Tumingin sa akin si Seira at sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay parang sinasabi niyang mag-uusap kami mamaya tungkol sa bagay na ito. Tumango ako bilang sagot sa mensahe niya.
Matapos ng pag-iintay ay dumating ang bangka, sumakay kami ang pwesto ay ako at si Seira ay magkatabi dahil nagpapanggap nga kaming mag-asawa, si Tristan ay nasa harap namin at sila Sarah ay nasa likod. Habang bumabiyahe para pumunta sa unang isla ay nakita kong iniikot ni Seira ang paningin niya, halata sa mukha niya ang saya at pagiging relax. Pumayag akong mag-island hopping dahil gusto kong maranasan niya na kahit ganito ang sitwasyon ay malaya pa rin siya. Nakarating kami sa mga isla, halatang di pa ito napupuntahan ng maraming turista dahil napakalinis at tahimik. Pakiramdam mo nasa paraiso ka, yung buhangin ay napakapino at yung dagat ay parang tinatawag ka dahil sa alon. Abala si Seira sa pagkuha ng litrato ni Tristan. Nakapunta din kami sa islang may kwento na nagsasabi may nakatirang diwata sa tuktok na nakaanyong isda. Medyo mataas ang aakyatin kaya di namin ito makikita. Ang islang isla naman ay nakalubog pa rin sa tubig dahil high tide pero maaari kaming bumaba hanggang bewang ang tubig kaya ako na ang kumarga kay Tristan. Nung una ayaw niya pero nung napansin niya na lulubog siya pagbumaba sa akin ay di na siya pumiglas. May maliit na kuweba kaming pinasok at dito rinig mo ang alon na parang musika dahil kulob ang loob. Pumunta kami sa huling isla kung saan may malaking bato na pwedeng akyatan at dito kita namin ang isang resort. Nakita ko nakaupo si Seira sa buhanginan habang nakatitig sa kawalan at halata sa mukha nito na nag-iisip siya, di ko muna siya inabala at nagbantay na lang ako kay Tristan na ngayon ay lumalangoy habang sinasabayan ang isang kulay brown na jellyfish. Matapos ng pamamasyal ay napagdesisyonan namin umuwi halos tanghalian na kaya umuwi na rin kami.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...