Chapter 23

1.8K 37 0
                                    

Chapter 23

~ Seira's POV ~

I can feel each pain in every part of my body. I can only see darkness, I can hear people talking but I want to submerge myself to this darkness. In this place I can feel safe and peace, but a particular scene came to my mind. A man on my top and doing something that against my will and that moment I remembered everything. I immediately open my eyes to defend myself from that devil but when I already open my eyes a white ceiling greeted me.

"Her vitals are ok, sobrang pagod ang pasyente kaya di pa siya nagigising." Saad ng isang boses, iniikot ko ang mata ko at may nakita akong dalawang lalaking nakatayo sa may paanan ng kama, napansin ko rin na may nakasaksak sa kamay ko at napagtanto kong na nasa ospital ako.

Napansin kong napatingin ang isang lalaki sa akin at mukhang nagulat pa ito. Pamilyar ang mukha niya ngunit wala akong lakas at ayoko munang mag-isip.

"Doc gising na siya." Saad nung lalaking tumingin sa akin.

Lumapit ang lalaking nakasuot ng puting coat at tingin ko ay isa siyang doctor. Chineck niya lang ako at pagkatapos ay kinausap ang lalaking nasa tabi niya.

"Ok na siya bukas pwede na siyang idischarge." Imporma nung doctor.
"Salamat po Doc." Pagpapasalamat nung lalaki.

Lumapit ang lalaki sa akin ngunit di ko siya tinitingnan. Nakatingin ako sa kawalan, naramdaman kong nakatayo na siya sa tabi ko.

"Seira saan ka nakatira? O tawagan natin ang pamilya mo." Tanong niya. Di ako sumagot, pamilya sinong pamilya ang tinutukoy niya. Biglang tumulo ang luha ko at mukhang nataranta ang lalaking katabi ko. "Bakit ka umiiyak?" Siya na ang nagpunas ng luha ko pero wala pa din akong sinabi o gumalaw man lang.

Napabuntong hininga nung wala siyang nakuhang sagot. Akmang aalis niya ay hinawakan ko ang laylayan ng jacket niya.

"Wag mo kong iwan." Yan agad ang sinabi ko. Pakiramdam ko babalik si Lex at kukunin ako. Natatakot ako ngayon at siya lamang ang taong mapagkakatiwalaan ko. Nagulat siya pero ngumiti siya sa akin at kinuha ang kamay ko at hinawakan.
"Ok di ako aalis, dito lang ako matulog ka na lang." Umupo siya sa tabi ko habang hawak ko pa din ang kamay niya. Pakiramdam ko dun ako ngayon kumukuha ng lakas, pakiramdam ko walang mananakit sa akin. Pinikit ko ang aking mata at bago pa ako mawalan ng malay ay naalala ko na siya.

"Salamat Sarhento. " mahinang usal ko.

Nagising ako at nakita kong nakaupo pa rin si Sarhento sa tabi ko, nakapikit siya at mukhang tulog siya. Iginala ko ang aking mata sa aking kwarto, simple lang ito kumpara nung nacoconfine ako sa ospital. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang Doctor at kasabay nun ay ang paggising din ni Sarhento.

"Good morning Seira at Arthur. " bati ng doctor.
"Good morning din Doc." Bati ni Sarhento samantala ako ay tahimik lang.
"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na pwede ng lumabas si Seira ngayon. Ok na ang vitals niya pero kaylangan pa rin niyang inumin ang mga gamot na nireseta ko sa kanya." Nakangiting saad nito.
"Ganun po ba, sige po Doc isesettle ko na yung account ni Seira. " akmang aalis si Sarhento agad kong hinawakan ang laylayan ng jacket niya at lumingon sa akin. "Sandali lang ako, magbabayad lang ako at pagkatapos babalik ako." Ayoko ko siyang umalis pero ayokong isipin niya na pabigat ako kaya binitawan ko na siya.

Habang wala siya ay ginamit ko ang pagkakataon na iyon para maligo, natanggal na rin kasi ang dextrose. May damit na binigay sa akin na maaring magamit ko, ng makapasok ako sa banyo at dumampi na ang tubig sa aking balat ay dun na numbalik lahat ng nang yari. Kinuha ko ang sabon at kinuskos ko sa bawat parte ng katawan ko. Pakiramdam ko napakadumi ko, pero kahit anong sabon ko ay di maalis ang maduming pakiramdam kong ito. Na iiyak ako habang patuloy ang pagtulo ng tubig.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon