Chapter 20
~Seira's POV ~
Monday ngayon at papasok na ako sa eskwelahan, kahapon na ganap yung competition at kahit nanalo kami ay di ako masaya. Nalaman kong umalis sila Daddy at Mommy kasama si Baby Akie papuntang Japan kahapon ng umaga. Gusto daw pumunta ni Mommy ng Japan at pinilit niya si Daddy kaya walang nagawa si Daddy kasi ayaw niyang magkatampuhan silang dalawa. Ok lang naman sa akin kasi marami na ring competition ang di nila nadaluhan, kahapon espesyal kasi huling taon ko na. Ayaw ko naman masabihan ng spoiled or isip bata dahil di sila makapunta, pero umasa ako sa pangako kaya hanggang ngayon ay parang di ko kayang ngumiti. Si Clark naman ni isang text wala akong natanggap. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya di pumunta kahapon pero parang naduduwag ako, pakiramdam ko kapag komontra ako sa kanya ay hihiwalayan niya ako. Maiksi pa lang ang panahon na nagkakasama kami at ayokong matapos yun ng di pa niya ako kilala, alam kong kilala niya ako sa pagiging maldita at mataray pero gusto kong ibahin ang tingin na iyon. Sana makilala na ako ni Clark. Dapat ipakita ko sa kanya na di ako yung tipo ng babae na isusumbat sa kanya ang mga di pagsipot niya sa mga date at usapan namin. Napangiti ako ng maisip kong dalhin mamaya si Clark sa park na pagmamay-ari namin, magpignic kami sa ilalim ng matandang puno. Agad akong tumawag sa anak ng katiwala namin dun.
"Yes Seira?" Sagot sa kabilang linya.
"Ahmm Nica pwede ba akong humingi sayo ng pabor." Alam kong busy na tao si Nica dahil nag-aaral siya ngayon sa kolehiyo, 1st year college siya sa kursong culinary. Kahit 1st pa lang siya ay napakagaling niya ng magluto.
"Oo naman, ano naman ang maitutulong ko?" Tanong niya.
"Pwede mo ba akong pagluto ng carbonara tapos mga ibang pagkain, magpipicnic kami ng boyfriend ko sa park dun sa paborito kong lugar. Makikisuyo din ako na magpaset up ka dun na para sa picnic." Nakangiting saad ko.
"Sure no problem. Ikaw pa eh ang laki ng utang na loob ng pamilya ko sa pamilya mo. Lalo na ako sa iyo." Alam kong nakangiti siya.
"Ano ka ba wala yun nuh at tsaka maskaylangan mo ng pera." Si Nica kasi ay scholar ng pamilya namin. Ang totoo pinilit ko si Daddy na gawing scholar siya, ginamit ko yung isang reward sa akin ni Daddy. Balak niya kasi ako bilhan ng sasakyan kaso tumangi ako dahil di ako marunong magdrive at tsaka di ko kaylangan ang daming sasakyan sa bahay. Kaya yun ang hiniling ko, si Nica ay kalaro namin ni Val nung maliliit kami pero di kami laging magkakasama dahil tumutulong siya sa Papa niya sa gawain sa park.
"Salamat Nica."
"Wala yun sige maghahanda na ako." Nagpaalam na ako at binaba ang tawag.Excited na ako mamaya, siguradong matutuwa si Clark sa sopresa ko. Pagdating ko sa eskwelahan ay sinabihan ko na lang ang driver na umuwi dahil kay Clark na ako sasabay pauwi. Nang bumaba na ako sasakyan ay may lalaking humarang sa daan ko at may dala siyang bulaklak.
"Hi Seira. " ngiting bati niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil iba ang uniporme niya.
"Hi, ano ang kaylangan mo?" Mataray na tanong ko pero mukhang walang epekto sa kanya.
"Nandito ako para ibigay sa iyo itong bulaklak." Inabot niya sa akin yung bulaklak.
"Sorry pero di ako tumatanggap ng bulaklak baka magalit ang boyfriend ko." Pagtanggi ko at nakita kong humigpit ang hawak niya sa bulaklak.
"Sige na tanggapin mo na." Nakita kong pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.
"Ayokong tanggapin iyan dahil di naman kita kilala at bakit mo naman ako bibigyan ng bulaklak eh ngayon lang tayo nagkita." Ok bitchy mode is on.
" Ay sorry di pa ako nagpapakilala, ako pala si Lex Santonio from West Manila Academy. Binibigyan kita ng bulaklak kasi gusto kitang icongratulate sa pagkapanalo ninyo sa Dance competition nung Sat. At last Saturday ay nakita kita kaya technically speaking di ito ang unang kita ko sa iyo." Ok, additional sa mga admirers ko.
"Fine pero di ibig sabihin tatanggapin ko na iyan." Nakataas kilay kong saad.
"Ganun ba sayang kung di mo tatanggapin ay itatapon ko na lang ito." Nagsalubong ang mga kilay ko.
"What? Ibigay mo na lang yan sa iba. Sayang yan." Nang hihinayang ako sa bulaklak.
"Kung di ikaw ang makakatanggap ay di bale na lang. Sinabihan ko yung nag-ayos niyan na espesyal ang babaeng pagbibigyan ko niyan kaya kung iba ang tatanggap eh sa basurahan na lang ang punta niyan" saad niya. Malakas mangonsensya.
"Ok fine tatanggapin ko ito bilang congratulation gift so wag kang mag-isip ng iba." Kinuha ko na yung bulaklak sa kanya. "Salamat dito." Kahit papaano marunong akong magpasalamat.
"Sige aalis na ako. Magkikita pa ulit tayo." Sisigawan ko sana siya na ito na ang huling beses na magkikita kami pero nakatakbo na siya sa sasakyan niya. Pagkasakay niya dun ay binuksan niya yung bintana at kumaway at kumindat pa siya sa akin sabay paharurot ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...