Chapter 25

1.9K 45 0
                                    

Chapter 25

~ Clark's POV ~

Nandito kami ngayon sa bar, it almost 11'o clock of the evening. Napagdesisyonan namin na magcelebrate dahil na kompleto kaming magbabarkada. Wala si Blake dahil maaga ang flight niya bukas. Napagdesisyonan naming sa bar ni Alex magcelebrate, sa may VIP room nila kami nagstay. Malaki at may sariling bar counter dito kaya di na namin kaylangan pang bumaba. Kumausap na lang si Alex ng tao niya na magiging bartender namin.

"Loko ka Patrick, bakit di mo sinabi na ok na pala kay Blake ang proposal na partnership natin noon." Batok ni Vic kay Patrick.
"Pasensya na gusto ko lang kayong surpresahin eh." Hinihimas ni Patrick ang ulo niya kung saan siya binatukan ni Vic.
"Ulol anung surpresahin, baka pinagtripan mo lang kami." Bato naman ni Alex ng pulutan kay Patrick.
"Oi kayong dalawa kanina pa kayo." Halatang inis na saad ni Patrick, kanina pa kasi siya sinasaktan nung dalawa.
"Na miss ka lang namin pre." Natatawang saad ni Vic.
"Ulol, ako na miss mo. Eh busy ka ata sa pangbabae eh." Siya naman ng bato ng tissue na nakabilog.
"Oo busy siya sa babae, busy kay Carolina. Di umuubra yung tinatawag niyang charm niya." Malokong gatong ni Dave.
"Si Carolina, naku pre wag ka ng umaasa. May nagugustuhan na yun." Natatawang saad ni Patrick.

Tiningnan ko si Vic at bigla itong naging seryoso nung sinabi ni Patrick na may nagugustuhan na si Carolina. Ngayon ko lang nakita na ganito si Vic.

"Sino ang lalaking nagugustuhan niya?" Seryosong tanong niya, napatingin kami sa kanya.
"Si Blake. " napalingon kami kay Patrick nung sinabi niya yung pangalan.
"Talaga, paano mo nasabi?" Tanong ni Dave, tahimik akong nakikinig sa kanila.
"Modelo sa Spain si Carolina, pero nung nalaman na naghahanap ng secretary ni Blake ay nag-apply ito. Sa tingin mo ano pwedeng maging dahilan sa ginawa niya. Modelo siya tapos bigla siyang nag-apply bilang secretary. Di ko minamaliit ang trabaho ng secretary pero bakit niya iiwan ang pagiging modelo?" Seryosong saad ni Patrick.

Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto at nagtitigan sila Patrick at Vic. Nagtinginan kami nila Alex at Dave para makiramdam.

"Oh wag tayong seryoso. Nandito tayo para magsaya." Basag ng katahimikan ni Alex.
"Oo nga ngayon lang ulit tayo nagkita tapos ganito ang mangyayari." Dugtong ni Dave.

Di na nagsalita si Vic at lumapit sa bar counter at uminom, napailing na si Patrick sabay tungga ng alak. Ako naman ay di pa rin na wala sa isip ko yung tungkol kay Seira, di ako makapaniwala na may anak na ito. Tinungga ko yung alak na nasa baso ko.

"Oh Clark bakit tahimik ka?" Tanong ni Patrick.
"May iniisip ako." Nakatingin ako sa baso. " Patrick" tawag ko at naramdaman kong tumingin ito sa akin. "Totoo bang anak ni Seira si Tristan?" Alam kong narinig ako nila Vic.
"Oo." Maikling tugon niya sabay lagok ng alak.
"Kung ganoon nung huli natin siya nakita ay buntis na siya, kasi parang 4 o 5 taong gulang yung anak niya." Komento ni Alex. "Pre baka anak mo yun?" Birong saad niyang dagdag.
"Hindi nuh." Pagtanggi ko.
"Siguro kaya siya di nagpakita sa atin noon ay dahil buntis na siya. Kala ko pa naman matinong babae si Seira yun pala----" naputol ang sasabihin ni Vic dahil balibag na binaba ni Patrick ang baso niya.
"Wag kang magsasalita ng masama tungkol kay Seira. " kinuwelyohan ni Patrick si Vic.
"Oi teka." Awat ni Dave at tumayo na kami ni Alex para paghiwalayin ang dalawa.
"Easy lang Patrick, di ka naman mabiro." Inayos ni Vic ang damit niya.
"Wala ka kasing alam." Umupo na si Patrick sabay lagay ng alak at tinungga iyon.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Di siya nagsalita at parang may iniisip siya, mukhang iniisip niya kung sasabihin sa amin ang nalalaman niya. Bigla siyang bumuntong hininga at lumagok ng alak.

"Nangako ako kay Val na di ko sasabihin ito, pero ayoko ninyong tingnan si Seira na parang isang nakakatuwang bagay samantalang wala kayong alam sa pinagdaanan niya." Lumagok ulit siya ng alak.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon