Chapter 50
~ Seira's POV ~
Halos tatlong linggo na kami dito sa Caramoan, sa tatlong linggo na iyon ay pilit namin mamuhay ng normal. Halos wala na rin kaming balita sa mga nang yayari sa Maynila dahil iniiwasan naming matuntun ng mga tao ni Lex. Aaminin ko matapang ako, kaya kong humarap sa kilalang tao, kaya kong makipagsabay sa mga nag mamay-ari ng malalaking kompanya pero dito... kay Lex nagiging duwag ako, nagiging mahina ako. Fear always fill me kapag na iisip kong magtatagumpay si Lex sa pagkuha sa amin. Pakiramdam ko kapag napunta kami sa puder niya ay di na kami makakaalis.
"Ate Sanya!" Naputol ang pag-iisip ko nung may tumawag sa akin. Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Tanya na nakatyo dun.
"Oh bakit nandito ka? Halika pasok ka." Tumayo ako mula sa upuan.
"Salamat, ano kasi kaya ako nandito kasi makikiusap sana ako sa iyo." Umupo siya sa sofa, habang ako ay nakatayo, iniisip ko kasing ikuha siya ng juice dahil medyo malayo ang nilakad niya at tirik ang araw dahil tanghaling tapat ngayon.
"Ganun ba? Teka kuha muna kita ng maiinom." Saad ko.
"Naku salamat, pasensya na sa abala." Inayos niya ang nakatakas na buhok niya at inilagay sa likod ng tenga niya.
"Wala yun, balik ako sandali." Naglakad na ako papunta sa kusina.Habang inaayos ko ang maiinom ni Tanya ay napatingin ako sa labas at nakita ko si Clark at isa sa mga tauhan na nagkakabit ng duyan sa may puno ng mangga. Simula ng dumating kami dito ay sobra ang pag-aaskaso niya sa amin. Katabi niya ngayon si Tristan dahil pinapanuod ng anak ko kung paano ikabit ang duyan sa mga sanga ng puno. Napagdesisyunan kong balikan si Tanya.
"Thanks ate." Kinuha niya yung baso nung binaba ko ito sa maliit na mesa, halata sa pag-inom niya ang pagka-uhaw.
"So ano ang ipapakiusap mo?" Umupo ako sa tabi niya.
"Kasi kasal ni Ate Katarina yung isang pinsan ko na nakatira sa kabilang bayan, makikiusap sana kami kung pwedeng ikaw ang magmake-up sa kanya. Sa susunod na linggo yung kasal." Saad niya nung na ubos na niya yung juice na ininom niya.
"Teka bakit ako? I mean wala ba siyang nakuha noon na make-up artist?" Di ba pagkinasal ay lahat planado. Simula sa maliit na bagay hanggang sa malaking bagay.
"Ah eh kwan, biglaan kasi." Nakita kong napakamot pa siya ng ulam. "Nalaman kasi ni Tiyo Damian na nabuntis si Ate Katarina nung boyfriend niya kaya agad silang pinagkasundong ipakasal." Napabuntong hininga siya matapos sabihin iyon.Napaisip ako, for me being pregnant is not the reason to get married. Oo kaylangan panagutan at gawin ang responsibilidad ng lalaki para sa anak nila pero kung di naman talaga sila o isa sa kanila ang nagmamahal ng totoo at mauuwi naman sa hiwalayan ay maspipiliin kong manganak ng di kasal. Dahil ang pagpapakasal ay dapat mahal niyo yung taong pakakasalan mo at di niyo sila kayang mawala sa buhay niyo. Mahirap magkakasama kayo sa bahay pero bangayan naman kayo ng kabiyak mo at ang masama maapektuhan ang magiging anak ninyo.
"Ate?" Napabalik ako sa wisyo nung tawagin ako ni Tanya. "Ano sagot mo?" Umayos ako ng upo.
"Ah sige ok lang. Saan ba gaganapin yung kasal?" Sagot ko, wala naman masama kung tutulungan ko sila.
"Dito sa lugar natin kasi halos ng kamag-anak namin ay nandito." Tumayo na siya kaya napatingala ako.
"Ok balitaan mo na lang ako kung anong oras." Tumayo na rin ako.
"Ok baka sun---" biglang siyang na hinto at napatulala, kumunot ang noo ko at sinundan ko yung tingin niya. Nakatingin siya sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko si Clark na walang pantaas. Kitang kita ang magandang hulma ng katawan niya, kita din yung dalawang linya simula sa medyo balakan hanggang pababa, those V-line. Nagpupunas ng pawis gamit yung tshirt na pinaghubaran niya at mukhang di niya napapansin na may audiences siya ngayon. Napailing na lang ako at binalik ko ang tingin kay Tanya na nakatitig pa rin kay Clark.
"Ano yung sinasabi mo?" Saad ko at nakita kong napabalik siya sa sarili niya.
"Ah ano, sabi ko susunduin na lang kita dito." Umiwas siya ng tingin, mukhang nahiya sa akin dahil ang alam niya na mag-asawa kami.
"Oh Tanya magandang araw." Mukhang narinig ni Clark na nag-uusap kami, lumingon ulit ako at kita kong nakapamewang siya gamit ang isang kamay niya while the other hand naman ay pinupunasan yung buhok niya na mukhang basa.
"Ah eh magandang araw din." Nakita pinamulahan si Tanya.
"Oh kanina ka pa ba? Pasensya na inaayos ko kasi yung duyan sa labas." Tumabi sa akin si Clark at nakita ko na lalong namula si Tanya, mukhang ngayon lang siyang nakakita ng ganitong katawan.
"Ah eh medyo, paalis na nga ako." Nakita kong inayos niya ang buhok niya sa paglalagay nito sa likod ng kanyang tenga. Mukhang habit na niya ito.
"Ganun ang bilis naman." Ngumiti pa siya.
"Ah eh tapos na kasi yung pakay ko tsaka may pupuntahan pa kasi ako." Halatang may gusto siya kay Clark.
"Ganun ba? Next time lunch ka dito o tambay ka para may kakwentuhan si Sanya dito." Tumingin sa akin si Clark sabay gawad ng ngiti.
"Sige next time. Ano... kaylangan ko talagang umalis." Sinamahan ko siya sa may pintuan.
"Ingat ka Tanya." Hinawakan ko yung pinto.
"Salamat talaga ate dahil pumayag ka." Ningitian ko siya tapos lumingon siya kay Clark. "Kuya Cloud alis na ako." Tumango naman si Clark dahil umiinom ngayon siya ng juice gamit yung basong na dapat gagamitin ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...