Chapter 41
~ Clark's POV ~
"Ok lang as I said past is past."
Tinungga ko ang alak na hawak ko, halos isang oras na mula nung umalis si Seira. Sila Dave ay umuwi na rin kaya nag-iisa akong umiinom ngayon. Nilagyan ko muli ng alak ang baso ko at ininom ko ulit. Bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Seira at na lulungkot ako dahil kahit anong emosyon ay wala akong makita sa mata niya, sakit o saya ay wala. Pakiramdam ko wala na akong epekto sa kanya. Umaasa ako kahit katiting ay may epekto ako pero mukhang wala na. Muli kong tinugga ang baso ko at muli itong nilagyan ng alak.
"Oh anak bakit ka umiinom?" Biglang sumulpot si Mom sa gilid ko.
Bigla kong na alala ang pagbanggit ni Mom sa pangalan ni Nicole kanina. Sobrang kinakain ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko lalo kong pinamukha sa kanya ang nang yari noon, pinanuod ko ang magiging reasyon niya ngunit blanko ito.
"Clark may problema ba?" Napabalik ako sa reyalidad ng hawakan ni Mom ang balikat ko.
"Mom" saad ko pero sa baso pa rin ako nakatingin "ang laki kong gago." Dugtong ko, ramdam ko ang pagtitig niya.
"Huh? What do you mean anak?" Halata sa boses niya ang pagtataka.
"I hurt her." Wala sa loob kong saad, tingin ko lasing na ako ngayon kasi di ko na mapigilan ang pagsasalita.
"Huh? Sinong sinaktan mo?"
"Si Seira po." Parang gusto kong may umaway sa akin ngayon. Gusto kong may magalit sa ginawa ko at hinihiling ko na ganun ang ginawa ni Seira pero kahit ang mga iyon ay di niya pinaramdam sa akin. Ang babaeng dating minahal ako at mahal ko ngayon ay pinaparamdam sa akin ang pinaka masakit na parusa. Ito na ang malaking karma ng buhay ko.
"Anak anong ginawa mo?" Lumingon ako kay Mom at matiim siyang nakatingin sa akin.
"Nung high school Mom." Alam ko pagagalitan niya ako. "Naging girlfriend ko po si Seira, pinagsabay ko po sila ni Nicole." Nakita kong kumunot ang noo niya. "Plinano ko po iyon dahil natatakot po akong saktan ni Seira si Nicole, alam po ni Nicole yung plano ko. Marami po akong nagawa na makakapanakit ng damdamin niya at sa huli ay napagtagumpayan ko po iyon." Nananatiling tahimik si Mom kaya nagpatuloy ako. "Pero ngayon ako naman po ang may gusto sa kanya." Nilagok ko na ang alak.
"Sabihin mo anak..." iniangat ko ang ulo ko at tumingin ako sa kanya. "Na aawa ka ba o nakokonsensya ka?" Kita ko sa mata ni Mom na seryoso siya sa tanong niya. "Kung sa dalawang iyon ang dahilan I think your not in love." Umiling ako dahil alam ko sa sarili ko na talagang gusto ko na siya.
"Mom what I'm gonna do?" Gusto kong may tumulong sa akin sa problema ko ngayon dahil sa totoo lang di ko na alam gagawin ko.
"Anak di kita tinurua manakit ng babae. Kahit sino mapalalake o babae doesn't deserve to be hurt physical and emotional. Kahit mayaman ka ay wala kang prebelehiyong manakit ng kapwa dahil lahat tayo ay may damdamin. Damdamin na kahit gaano ka pa katapang pagnasaktan ka ay mararamdaman mo na napakahina mo at iisipin mo na may mga mali sayo na kahit ang totoo ay wala naman talaga dahil walang perpektong tao." Kahit sinabi ni Mom iyon ng hindi galit alam ko pinapangaralan niya ako.
"Sorry" ilang beses ko ng sinabi ang katagang iyan pero di ako makontento hanggang hindi ako na papatawad ng taong iyon.
"Anak di ko alam kung ano takbo ng isip ni Seira, she is hard to read parang nagbabasa ka sa dilim at tingin ko dahil sa lahat ng pinagdaanan niya ang naging dahilan kung kaya siya nagkaganun." Sang-ayon ako sa sinabi ni mom, kita ko sa kanya ang awa para kay Seira. "Pero if you really like or I should say you totally fall for her gawin mo lahat pero kung sakali na tanggihan ka niya dahil wala na siyang na raramdaman para talaga sayo ay tumigil ka na. Ayokong lalo ka masaktan kung ipipilit mo ang sarili mo sa babaeng di ka na mahal." Halata sa mata ni Mom na nag-aalala siya sa akin.
"Thanks mom I always remember what you said." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti para di na siya lalong mag-alala.Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko ng nagising ako. Na ubos ko kasi yung isang maliit na bote ng Jack Daniel. Linggo naman ngayon kaya di ko kaylangan magising ng maaga, na ligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng V-neck white shirt at pinatungan ng polo shirt, maong pans at leather shoes. Na isip kong mag-ikot ikot dahil wala naman akong gawin dito sa bahay, siguro pupunta akong mall o sa bahay nila Dave.
![](https://img.wattpad.com/cover/67017402-288-k951165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...