Last Chapter

1.8K 31 0
                                    

Last Chapter

~ Clark's POV ~

Minulat ko ang aking mata at binati ako ng puting kisame, pakiramdam ko napakahina at walang sigla ang katawan ko ngayon, siguro dahil sa kasal kahapon. Susubukan ko sanang tumayo pero napatigil ako, may mga tubong nakakabit sa akin. Hindi ko maintindihan ang nang yayari kaya inikot ko ang aking paningin. Puting dingding, puting kurtina at makina. Sinubukan kong magsalita pero di ko magawa  dahil ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan. 

'Nasan ako?' Tanong ko sa aking isip pero nasagot iyon ng may pumasok na babae na nakauniporme ng nurse.

"Oh gising ka na, teka tawagin ko ang doctor." Dali-dali siyang umalis.
'Teka ano bang nang yayari?' Wala akong matandaan sa mga nang yari.

Makalipas akong tingnan ng doctor ay inilipat ako ng kwarto. Sabi ng nurse ay tinawagan na ang aking mga magulang para ipaalam na gising na ako. Habang nasa kwarto ako at iniintindi ang mga nang yayari ay biglang bumukas ang pinto.

"PRE!!" Sigaw ni Alex.
"Makasigaw ka naman." Sinamaan ko siya ng tingin, parang di kami nagkita kahapon.
"Pasensya na, nag-aalala lang kami." Sagot niya sabay lapit sa akin. Nakita kong nakangiti sila sa akin.
"Kung mag-alala ka parang di tayo nagkita kahapon." Saad ko sabay upo ng maayos, bigla akong na lungkot dahil kahapon nang yari ang kasal ni Seira.
"Kahapon?" Patanong na saad ni Alex sabay tingin kila Dave.
"Oo kahapon." Isa isa ko silang tiningnan. Kita kong napakunot sila ng noo.
"Anong pinagsasabi mo?" Si Vic ang nagtanong.
"Di ba kahapon kinasal si Seira at Arthur." Medyo na lungkot ako dahil wala na akong pagkakataon na ako ang piliin ni Seira.
"Huh?" Sabay sabay na saad nilang apat.
"Teka ano bang nang yari kahapon kaya ako nandito?" Wala talaga akong matandaan.
"Mukhang malakas ang ginamit na anesthesia sa kanya." Bulong ni Alex pero rinig ko naman.
"Tama ka ." Pagsasang-ayon ni Patrick.
"Hoy!! Ano ba yang pinagsasabi ninyo?" Sita ko dahil sila lang ang nagkakaintindihan.
"Pre mukhang masama ang resulta sa iyo ng pagkakatulog mo." Si Dave ang nagsalita.
"Teka di ko kayo maintindihan." Sumasakit ang ulo ko. "Deretyohin ninyo na ako." Hinimas ko ang ulo ko dahil sumasakit ito.
"Pre tingin namin nanaginip ka lang." Si Patrick ang sumagot sa akin.
"Huh?" Kinonootan ko siya ng noo.
"Pre nananaginip ka lang, isang buwan kang comatose mula nung araw na iniligtas natin sila Seira. " paliwanag ni Dave.
"Ibig sabihin.... hindi pa kasal sila Arthur at Seira? " ewan ko pero gumaan ang pakiramdam ko at di ko maiwasan ang pag-ngiti ko.
"Oo naman, walang kasal na naganap." Kumpirma ni Patrick.
"Panaginip lang pala yun." Wala sa sarili kong saad.
"Hahaha kala mo kinasal na siya nuh, kinabahan ka nuh." Panunukso ni Alex kaya inismiran ko na lang siya. Buti panaginip lang.
"Kamusta si Seira? " agad kong tanong, sigurado sa loob ng isang buwan ay may mga pinagbago.
"Si Seira ok naman siya, ilang araw din siyang naconfine dito sa ospital. Kumpara sayo mas ok siya nung naiahon kayo." Kwento ni Dave. Napahinga ako ng maluwag ng marinig ko iyon. Na alala ko yung ginawa kong pagligtas sa kanya at na alala ko din kung paano ko siya binigyan ng hangin. Ramdam ko pa rin ang labi niya na nakalapat sa aking labi at kahit ilang beses mangyari ang bagay na iyon ay ganun pa rin ang gagawin ko kahit buhay ko na ang kapalit.
"Eh si Lex?" Gusto ko din malaman kung anong nang yari sa kanya.
"Wala na siya, nakuha ang bangkay niya ilang oras matapos kayo na iligtas. Yung grupo naman nila ay na huli na rin." Kwento naman ni Patrick.

Kahit ayokong maging masaya sa kinahantungan niya ay di ko maiwasan, sa wakas wala ng banta sa kaligtasan ni Seira.

"Pero pre kaylangan mo ng magpalakas agad kasi sila Arthur at Blake ay todo-todo ang panliligaw kay Seira. Baka magkatotoo ang panaginip mo kung di ka pa aalis dito sa ospital." Nilingon ko si Dave dahil sa sinabi niya.
"Wag kang mag-aalala pre dahil di ko planong magtagal dito sa ospital." Determinandong kong saad, dahil ayokong mangyari ang nang yari sa panaginip ko na wala akong ginagawa.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon