Chapter 56

1K 22 2
                                    

Chapter 56

~ Clark's POV ~

Dalawang araw makalipas nung matanggap namin ang tawag ay naghahanda na kaming pumunta kung saan namin na trace yung tawag.  Hindi namin alam kung sino yung tumawag dahil wala kaming nakausap, bagkus ay naririnig namin ang ag-uusap sa kabilang linya. Naging sigurado kaming na tawag na iyon dahil na rinig namin pinag-uusapan ang kasal nila Lex at Seira.  Nung marinig namin iyon ay halos gusto namin sugurin ni Blake yung lugar kaso pinigilan kami ni Arthur,  sinabihan niya kaming wag magpadalos dalos at kaylangan magplano ng mabuti. Nagplano ang grupo nila Blake at Arthur sa gagawin namin sumali din ako dahil di ako matatahimik kung mag-iintay lamang ako sa kanila.

"Anak" tawag sa akin ng aking ina, palabas na sana ako ng bahay para pumunta sa pinag-usapang lugar namin  nila Arthur na magkikitakita.  Nang lumingon ako ay nakita ko ang aking mga magulang.
"Pwede bang wag ka nang sumama." Napabuntong hininga ako sa pakikiusap ng aking ina.
"Mom napag-usapan na po natin ito." Tugon ko sa kanya.
"Anak napakadelikado dun." Puno ng pag-aalala ang mata niya. "Halos kagagaling mo lang pero susugod ka na. Hindi mo maaalis ang pag-aalala ko dahil nag-iisang anak ka namin." Na iintindihan ko ang punto niya.
"Alam kong delikado kaya lalong dapat ako nandun para kila Seira." Sagot ko tsaka lumapit sa kanya.
"May mga pulis naman sasaklolo sa kanila kaya magpaiwan ka na." Hinawakan niya ang aking mukha na parang batang sinasabihan na wag gagawin ang isang bagay na pwede nitong ikasaktan.
"Hindi po ako magiging kampante mom."hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking mukha. "Gusto kong gawin ito dahil gusto kong ipakita kay Seira na totoo ang mga sinabi ko sa kanya noon, gusto ko makita agad silang ligtas.  Mom ito na ang paraan ko para bumawi sa kanya kaya gagawin ko ito kahit ikapahamak ko ito." Pagpapaliwanag ko, tinitigan ako ng akin ina at napabuntong hininga mukhang nakita niya na determinado ako sa aking desisyon.
"Mag-iingat ka anak." Napatingin ako sa aking ama at nakita ko siyang tumango.
"Wag po kayong mag-aalala sa akin mag-iingat po ako." Tinapiktapik ng aking ama ang aking balikat.
"Sige umalis ka na baka mahuli ka pa." Bumaling ako sa nag-aalala kong ina at hinalikan ang noo niya.
"Mom babalik po ako dito." Paalam ko.
"Mag-ingat ka anak." Saad niya bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

Pagkasakay ko sa aking sasakyan ay agad ko itong pinaharurot. Magkikita kami nila Blake, Arthur at ng mga kaibagan ko kasama si Val sa headquarters nila Arthur.  Halos kalahating oras din ang binayahe ko. Pagdating ko sa headquarters nila Arthur ay nakita ko ang maraming sasakyang pang pulis ang nakaparada, agad akong bumaba at pumasok sa loob.

"Clark dito." Tawag ni Val agad ko siyang nilapitan at pumasok sa silid. Naroroon silang lahat at may sinasabi ang hepe nila sa mga tauhan nito.
"Ano plano?" Tanong ko nung makalapit na kami ni Val kila Blake.
"Sa grupo tayo ni Arthur sasama. Mamaya kakausapin tayo ni Arthur." Imporma ni Blake, tumingin ako kila Dave.
"Mga pre." Tawag ko sa mga kaibigan ko.
"Yoh pre." Bati sa akin ng mga kaibigan ko na nagmamasid sa paligid.
"Akalain ninyo yun para tayong nasa pelikula. Ang daming pulis na maydalang mataas na kalibre ng barel." Komento ni Vic.
"Hindi ko nga maisip na maeexperience natin ito." Dugtong naman ni Alex.
"Mga pre salamat." Lahat sila napatingin sa akin.
"Ano ka ba pre wala yun." Ningitian ako ni Dave ganun din ng iba.
"Tsaka kaibigan ko din si Seira,  pamilya na rin ang turing ko sa kanya kaya di mo kaylangan magpasalamat sa akin." Saad naman ni Patrick.  "At tsaka di ba usapan natin sama sama tayo kapag may problema ang isa sa atin, walang iwanan di ba kaya wag mong isipin na mag-isa ka sa laban na ito." Dugtong niya kaya napangiti ako.
"Salamat pa rin." Nagpapasalamtpat ako dahil kahit may pagkamaluwag paminsan ang turnilyo nila ay sinasamahan pa rin nila ako.
"Clark" napalingon kaming lahat dahil sa pagtawag ni Arthur.
"Arthur salamat dahil pinayagan mo kaming sumama sayo. Hayaan ninyo di kami magiging sagabal sa operasyon ninyo."  Agad nasambit ko ng lumapit siya sa amin, nung una pa kasi ay ayaw na niya kaming isama dahil mapanganib pero pinilit namin siya ni Blake, nagbanta pa si Blake na pupunta sa lugar kung nasan sila Seira kahit ayaw pa ni Arthur.
"Kahit hindi ako pumayag ay baka pumunta pa rin kayo, baka maslalo tayong magkaproblema kung hahayaan ko kayo at tsaka kahit papaano alam ko ang pakiramdam ninyo kaya pumayag na ako pero sana sa may pangpang lamang kayo at maghintay." Lumingon siya at tinawag ang isang kasamahan niya na may dalang kung ano. "Isuot ninyo yan para maprotektahan kayo mula sa bala kung sakali may pumunta sa pangpang at mabaril kayo ." Isa isang inabot sa amin ang bullet proof vest. Matapos kaming kausapin ni Arthur para sa dapat namin  gawin ay sumakay na kami sa mga sasakyan namin, kasama ko si Val at Dave sa sasakyan, samantala si Patrick,  Vic at Alex naman sa sasakyan ni Vic. Si Blake naman ay may sariling sasakyan at kasama niya ang ilang tauhan na kinuha niya. Sa pag-alis namin ay kasunod namin ang ilang track na may sakay na mga sundalo at ilang sasakyan ng mga pulis. Sa puntong ito dito pumasok na isang malaking tao talaga ang susgurin namin.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon