Chapter 13

2.5K 47 0
                                    

Chapter 13

~Clark's POV~

I don't know but I feel uncomfortable right now. Ngayon katabi ko si Seira, di ko expect na makikita siya ngayon. Nasa bahay ako kanina pero tumawag si Blake at nagpasama sa akin sa isang meeting. Pumayag din naman ako dahil wala naman akong ginagawa at nung natapos ang meeting ay inaya ko si Blake dito sa isang hotel namin at ito ngayon kasama na namin sila Seira. Tahimik lang kaming kumakain pero may panaka-nakang pangungulit ni Blake na subuan si Seira, samantala si Seira ay pinagbibigyan na lang si Blake at samantalang yung lalaking kasama ni Seira ay tahimik lang kumakain at lihim na sinusulyapan si Seira. Yung huling sinabi niya ay ginugulo ang isip ko.

'Bakit kaylangan ni Seira ang tulong niya?' Tanong ko sa isip ko habang nakatingin ako kay Seira. Bigla akong napatigla sa kinauupuan ko noong napatingin si Seira sa akin.

"Is there any problem Clark?" Seryoso siyang nakatingin sa akin. Sa kauna-unahang pagkakataon na rinig kong sinambit niya ang pangalan ko.
"Ah wala, may iniisip lang ako." Iniwasan ko ang titig niya at kinuha ko yung wine glass sabay inom dito. Di na siya sumagot at bumalik siya sa pagkain.

Natapos kaming kumain at napagdesisyon na namin na sabay sabay lumabas. Nang makarating kami sa entrada ng hotel ay nagsalita si Seira.

"Sarhento salamat sa lahat. Alam ko di sapat ang salitang pasasalamat." Seryosong siyang nakatingin kay Arthur.
"Wala yun trabaho ko talaga ang tumulong at tsaka pwede bang Art na lang ang tawag mo sa akin ilang beses ko na ba sinabi sa iyo noon." Nakangiting saad ni Arthur.
"Masgusto ko ang sarhento itawag sayo, alam mo na ang dahilan ko kung bakit yan ang tawag ko sayo." Medyo nakatingala si Seira ng sinasabi ang mga ito. Matangkad si Arthur pero di naman nalalayo ang tangkad namin ni Blake.
"Ikaw bahala, paano magpapaalam na ako. May gagawin pa kasi ako."saad ni Arthur.
"Sige, magkita na lang tayo sa susunod." Umalis na si Arthur samantala kami nila Seira ay naiwan dito sa entrada ng hotel.
"Seira ihatid na kita." Alok ni Blake.
"No Blake I have a car." Sakto naman may humintong sasakyan sa gilid naman. "I need to go see you tomorrow. Good night. " bumaling siya sa amin bago sumakay at pinaandar na ito.

Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. Nung nawala na yung sasakyan ay narinig kong napabuntong hininga si Blake kaya napalingon ako.
"May problema ba Blake? " agad kong tanong.
"Wala naman." Napapailing saad niya.
"Di ako naniniwala sayo, masyadong malalim ang buntong hininga mo kanina."

Napabuntong hininga na naman siya sabay tanaw sa dinaanan ng sasakyan ni Seira, ginawa ko din ang ginawa niya. "Ayaw niya talaga dumepende kahit kanino." Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya pero sakto ng pagkakasabi niya noon ay pumarada na ang sasakyan niya.

"Clark una na ako." Pagpapaalam niya. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang bagay na yun. Siguro nasasaktan siya dahil alam niya na may mahal ng iba si Seira at yun yung kausap niya kanina.
"Sige, kita na lang tayo bukas." Saad ko tsaka siya sumakay sa sasakyan niya.
Dumating na rin ang sasakyan ko kaya agad din akong umalis at umuwi. Medyo napagod ako kahit wala naman akong ginawa masyado.

Kinabukasan

Maaga akong pumasok dahil may meeting regarding sa pinapatayo naming hotel sa Tagaytay. Kasama ko sila Dave, Vic at Alex dahil project namin ito. Natapos naman ang meeting ng maayos at napagdesisyonan namin na magkape sa malapit na coffee shop.

"I heard na magkakasama kayo nila Blake at Seira kahapon," nakatingin sa akin si Dave habang sinasabi niya iyon.
"Paano mo nalaman? Lakas mo makasagap ng tsismis." Biro kong saad habang sinisimsim ang kape ko.
"Well na sabi lang sa akin ni Blake kanina." Sagot niya.
"Nasa Imperial si Blake bakit di ko nakita?" Si Vic naman ang nagsalita.
"Sabi sa akin may close door meeting sila ni Seira ngayon from main office nila sa Spain. Baka ongoing pa rin ang meeting nila kaya di mo nakita." Pagpapaliwanag ni Dave.
"So ano nang yari sa inyo kagabi?" Usisa ni Alex, parang mga bading na nangangalap ng tsismis.
"Ano kayo mga bading? Kung mangusisa." Binigyan nila ako ng matatalim na tingin.
"Pre nagtanung lang bading na agad. Syempre curious kami kung anong nang yari, ikaw, si Blake at Seira magkasama." Pagdedepensa ni Vic.
"Ayos naman pero may isa pa kaming kasama." Sumandal ako sa couch at dumekwatro at tumingin sa labas.
"Anong ibig mong sabihin? May kasama pa kayong iba?" Kunot noong tanong ni Alex.
"Oo, honestly kameeting ata ni Seira." Binaling ko sa kanila ang tingin ko.
"Kung kameeting ni Seira yun eh bakit kasama kayo ni Blake. Ano kayo epal lang dun." Saad ni Vic, napailing na lang ako sa sinabi niya. Wala preno ang bibig niya.
"Ang totoo nakita lang namin sila Seira, ang sabi ni Seira thank you dinner lang naman yun kaya nagsuwestyon si Blake na sumabay kami sa kanila." Pagpapaliwanag ko.
"Mukhang nagselos si Blake sa kameeting ni Seira, kilala mo ba pre?" Baling sa akin ni Alex.
"Ang pangalan niya ay Arthur Salvador." Sagot ko sa tanong ni Alex. "Tingin ko di dun talaga siya nagseselos." Dugtong ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong ni Dave.
"Kahapon kasi bago ako umuwi na daanan ko yung opisina ni Seira at narinig ko siyang may kausap sa phone niya." Kwento ko.
"Ikaw pala bading pre nakikitsismis ka." Binato ako ni Vic ng tissue paper.
"Di ko naman sinasadya." Pagapapaliwanag ko. "At tsaka sa unang pagkakataon na rinig kong masaya siyang nakikipag-usap. Nung sumilip ako sa kwarto niya ay nakita ko siya nakangiti." Bigla kong na ala-ala yung magandang mukha ni Seira habang nakangiti ito.
"Oh eh ano naman kung masaya siyang nakikipag-usap sa telepono niya." Komento ni Vic.
"Tingin ko boyfriend ni Seira ang kausap niya."
"Paano mo naman na sabi na boyfriend niya yun?" Usisa ni Alex.
"Nag-ilove you siya at ramdam ko na mahal na mahal niya ang kausap niya." Bigla kong na ala-ala yung huling sinabi niya at parehas iyon sa sinabi niya sa akin noon. May naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko.
"Naku yun ang masaklap may boyfriend na pala si Seira. " saad ni Alex habang umiiling.
"Pero paano kayo nakakasigurado ng boyfriend niya yung kausap niya malay ninyo kapamilya niya yun?" Ewan pero nung sinabi ni Dave iyon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit at kung ano itong nararamdaman ko.
"Eh ano naman kung boyfriend o hindi niya ang kausap niya. Kung gusto talaga n Blake si Seira dapat gumawa siya ng paraan para mapalapit siya rito. Kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan." Saad ni Vic.
"Naku iba na lang pag-usapan natin. Bahala na si Blake sa diskarte niya kay Seira. Kung kaylanganan niya ng tulong handa naman tayong tulungan siya." Si Alex sabay inom ng kape niya. "Oo nga pala nakausap ko si Patrick sabi niya malapit na daw siya umuwi dito sa Pilipinas, pero di sa akin nabanggit kung anong excat date." Dagdag pa niya.
"Baliw talaga yang si Patrick gusto mang-surprise pa." Komento ni Vic habang nakatigin sa kabilang table.

Tiningnan namin ang tinitignan niya at napailing na lang ako dahil ang nasang kabilang table ay mga babae na halata nagpapapansin sa amin at mukhang nagtagumpay sila dahil tumayo si Vic at Alex para makipag-usap sa kanila, na iwan kami ni Dave sa pwesto namin dahil kaming dalawa ay walang interest na sumali sa usapan nila.

"Ikaw pre ano naramdaman mo kagabi?" Basag ng katahimikan ni Dave.
"Ha?" Takang tanong ko dahil di ko maintindihan.
"Yung sinabi mo, ano na raramdaman mo nung narinig at nakita iyon?" Ewan ko ba pero pakiramdaman ko may gusto siyang ikompirma.
"Teka nga Dave pakiramdam ko parang gusto mong sabihin na may gusto ako kay Seira. " kunot noo akog nakatingin sa kanya.
"Di sa ganoon pero na alala ko nung nawala si Seira noon ay lagi mo siyang hinahanap. Na isip ko kahit papaano may naramdaman ka na sa kanya."
"Bakit ba pinipilit mong may gusto ako kay Seira?" Prangkang tanong ko.
"Gusto ko lang kompirmahin mo talaga ang nararamdaman mo para kay Seira. Clark pakiramdam ko may gusto ka kay Seira." Lalo akong napakunot noo sa sinabi niya.
"At paano mo nasabi yan?" Tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Na alala mo noon sa lagi mong hinahanap si Seira ay sa akin ka laging nagpapasama. Nagpunta tayo sa bahay nila pero wala ng tao at nung nagpunta tayo sa mga lugar na sinabi mo na pinuntahan niyo at nung pumunta tayo sa isang park na giniba dahil may itatayong bagong building ay halata sa mata mo ang lungkot." Pagpapaliwanag niya. Nabigla ako sa sinabi niya. Ganon ba ang naging reaksyon noon nung sinubukang kong hanapin si Seira after 1 week nung huli namin siya nakita.
"Conern lang ako sa tao kaya hinanap ko siya. Sa mga lugar na yun dun sa tingin ko pupunta si Seira kapag nalulungkot siya." Nawala na ang pagkunot ng noo ko at tinungkod ko ang aking mga siko ko sa tuhod ko kaya parang medyo nakayuko ako habang nakatingin sa kape ko na nakapatong sa maliit na table na nasa harap namin.

Di na sumagot si Dave dahil biglang dumating sila Alex at Vic. Napagdesisyonan namin na bumalik na sa mga opisina namin. Noong nasa harap kami ng elevator ay binati kami ng mga empleyado namin at habang naghihintay kami ng elevator ay narinig namin ang usapan ng mga babaeng empleyado na nasa likod namin.

"Ui girl narinig mo ba yung news, ang bait daw ni Ms. Seira sa mga empleyado na nasa grupo." Saad nung isang naming babaeng empleyado. Nagkatinginan kaming apat.
"Oo nga, pinuri niya si Zaf na galing siya sa grupo namin. Mahiyain siya pero magaganda ang mga ideya niya kaso sa akin niya lang sinasabi dahil natatakot siya sa department head namin kasi alam mo na namamahiya yun." Saad naman ng kausap niya.
"Oo alam ko yun, maswerte si Zaf sa bago niyang grupo. Alam mo na iintimidate talaga ako kay Ms. Seira dahil ubod ng ganda, mukhang mataray pero base na rin sa narinig natin ay mukhang mabait naman siya." Halata sa boses ng babae naming empleyado ang paghanga niya kay Seira.
"Oo nga parang gusto ko rin magtrabaho sa grupo nila. Sana mabigyan ako ng pagkakataon." Sagot ng isa. "Ito pa tsismis, may boyfriend na daw si Ms. Seira." Dugtong niya
"Talaga? Si Sir Blake ba yan?" Usisa nung isa. Kaya ako ay masinop na nakikinig sa kanila.
"Di daw eh, ang sabi sa akin kausap daw sa cellphone yun tapos nag-ilove you si Ms. Seira habang kasama niya si Sir Blake na nakatayo siya sa tabi nito." Kwento niya.
"Ouch" mahinang saad ni Vic kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong medyong tinatapik niya ng nakayukom niyang kamo and dibdib niya habang umiiling.
"Oh sayang naman bagay pa naman sila." Komento ng isa. "Naku lalong malulungkot ang mga boys ngayon na laman nila na may boyfriend si Ms. Seira lahat ata ng lalaki dito ay may gusto kay Ms. Seira sabagay napaka-ganda niya kung lalaki nga ako sigurado isa ako sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya." Dugtong niya.
"Tama ka girl I heard ang pangalan ng boyfriend ni Ms. Seira is Tristan. Sigurado akong napaka-gwapo nun." Saad naman nung isa.

Tristan so yun pala ang pangalan ng boyfriend niya. Sakto bumukas na yung elevator at sumakay na kami at habang nakasakay kami ay nakompirma ko na tama ang hinala ko na may boyfriend na si Seira at may parang pumitik sa dibdib ko at naramdaman ko yung saglit na sakit.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon